Chaeri's
"nice ate Chae!" inapir-an ako ni Jeongin nang makalabas kami sa recording booth. nagawa ko kasi ng one-take yung high note ko. bahala na kung ano man itsura, ang mahalaga na-nail ko yung part ko!
"Your duet is the most beautiful. Mabuti at napull off mo ng mabuti yung high note, Chaeri. Kayo na lang ang magpeperform nan live next month. Practice well." Napatingin kami ni Jeongin sa isa't isa at ngumiti. Nang makaalis ang club moderator namin ay hindi namin matiis na tumalon at magpakasaya.
"ang galing mo talagaaa! sana magawa natin to ng maayos sa performance day!!!" excited na agad to si Jeongin. "uy kuya Seungs?" Tawag ni Jeongin sa kanyang kaibigan. Lumapit si Seungmin habang nirereview ang kanyang mga nakuhang litrato.
nakita ni Jeongin ang ginagawa ng nakatatanda kaya kinuha niya ang camera para tignan kung ano bang pinagkakaabalahan nito. "send mo sa'kin to kuya Seung mamayang gabi." nakangisi sakin si Jeongin kaya hindi ko magawa na hindi macurious kung ano ba yung tinitignan niya. nagpipigil pa ng tawa!!
"ano yan ha patingin ako." hinablot ko ang camera kay Seungmin at tinignan ang mga litrato na nakuha niya kanina. "HOY????" napasigaw ako. sa sobrang lakas pa ng sigaw ko ay napatingin ang club moderator namin pero nginitian lang namin at sinabing walang problema.
"mukha akong baliw dito!!!" sabi ko. "delete mo to." tinry kong hanapin kung saan ang delete button sa camera ni Seungmin pero bumigay din ako since di ko naman alam kung nasaan ba.
"ayoko, ang benta ng mukha mo eh." parehas silang tumawa ni Jeongin.
"ang pangit, delete mo na kasiiii." tawang tawa?! first time makakita ng ganiyang mukha?!
"bakit ang iingay niyo dyan? Chaeri at Jeongin." napatigil kami nang marinig namin ang boses ng club mod namin sa kabilang dulo ng room.
nanahimik kaming tatlo kaso nagpipigil pa ng tawa si Jeongin. mamaya ka sa'kin, Yang.
YOU ARE READING
my photographer boy.
Fanfic"Two souls don't find each other by simple accident." -Jorge Luis Borges In which Seungmin accidentally captures a picture of a girl hitting high notes while in voice club. "Ang pangit, delete mo na kasi!!" "Ayoko nga." skz series #1