Chaeri's
"ngayon lang to! dalian na natin, may gala kami nila kuya Chan." sabi sa'kin ni Jeongin nang makalabas kami ng gate ng school. sinabi ko kasi sa kanya na kung di niya titigilang tawanan yung picture ko, isusumbong ko siya kay ma'am na nawala niya yung lyric sheet. syempre dahil takot siya kay ma'am, inalok niya ako ng libre. uto uto naman pala ang isang Yang Jeongin.
"oy sabihin mo ron kay Seungmin na ayus ayusin niya desisyon niya sa buhay at idelete yung picture ko!" nagsimula nanamang tumawa tong kasama ko.
"sige, pero pa-save ko muna dito sa phone ko." matindi tong batang to ah. "sige tamo talaga bukas ng umaga patatawag ka agad sa office ni madam."
"eto naman di mabiro hehe, tara na sa 8/12." hinila niya ako, muntik pa nga akong matisod.
"may ibibigay ako sayo 'te Chae."
"pag yan kalokohan Jeongin sinasabi ko sayo." inabot sa akin ni Jeongin yung pang bayad ng mga binili ko at binigay ko naman to sa cashier.
"luh, tinutulungan na nga kitang macheck ang isa sa mga bucket list mo." daming talagang alam neto.
"una ka na maghanap ng upuan." tumango na lamang siya at umalis. iniabot na sa'kin ng cashier yung mga pagkain na binayaran ko at pinuntahan ko na si Jeongin.
"eto na bigay ko na sayo, aalis na ako agad, hinahanap na ako nila kuya Jisung." may tinype siya sa cellphone niya at maya maya ay tumunog na ang cellphone ko.
"ok bye." tumakbo na siya paalis kaagad ng convenience store.
Jeongin.
Jeongin
09*******792
kausapin mo, kanina ka pa gigil jan e.
@ksmly, yan twitter niya heheMe
?????? ANONG KALOKOHAN TOseen.

YOU ARE READING
my photographer boy.
Fanfiction"Two souls don't find each other by simple accident." -Jorge Luis Borges In which Seungmin accidentally captures a picture of a girl hitting high notes while in voice club. "Ang pangit, delete mo na kasi!!" "Ayoko nga." skz series #1