³

94 3 0
                                    

Chaeri's

pagtapos ng tatlong klase, pumunta na kami sa aming club room. kasabay ko ngayon si Jeongin dahil hawak niya ang lyric sheet ko, and sabi niya sabay na lang daw kami.

"nauna na sila kuya Lix umalis?" tumango ako. lahat ng nasa sports club ay dali daling umalis ng classroom dahil daw may punishment sila kapag nahuli sila sa training. lahat naman ata ng students ngayon busy kasi may magaganap na event next month.

"Okay complete na ba tayo?" Tanong ng club moderator namin at bigla namang sumagot ang aming club president na si Doyoung. "Ma'am wala po si Faye. Tinanong ko na po yung president ng class nila, absent daw po siya dahil may sakit."

"Sige thank you Doyoung. Today magppractice muna kayo ng mga kakantahin niyo. Yung mga solo dito kayo magpractice. Yung mga magduet yung sumama sa'kin." Isa kami ni Jeongin sa sumama dahil kami yung partners.

Pinapunta kami ni ma'am sa isang room kung saan parang recording room siya. handle siguro to ng theatre club. "Irerecord natin yung song. May magvivideo at magpipicture sa inyo habang kumakanta kayo kaya wag kayo madistract ha. Nandito naman sa labas yung magttake ng pics kaya don't worry. Do your best ha." Sabi ni ma'am at nagtawag siya ng mga mauuna. bandang gitna pa naman kami ni Jeongin kaya makakapaghanda pa kami.

Seungmin's

"You'll take pictures of everyone na nagcclub kaya be careful not to disturb them ha. I'll assign everyone with what club ang pipicturan nila. By threes." After 10 minutes may naassign na ren sakin. I was partnered with Yeonjun and Minhee. Sa Voice club kami magttake ng pictures.

"Let's go na guys?" Tanong ni Yeonjun. "Teka kunin ko lang extra battery ko. Baka malowbat, medyo sira pa naman to." Sabi ni Minhee. "Oks na ko." Simple kong sagot. Nakakatamad na lang magsalita these days.

"Lezzgooo" sabi ni Minhee kaya nagsimula na kaming tatlo maglakad patungong vocal room. "Teka bat kulang sila? Asan yung iba?" Tanong ni Minhee. "Tanongin ko na lang si kuya Doyong teka." Sagot ko. Lumapit ako sa aming senior na sinasaulo ang kanyang solo.

"nasan po yung iba? bat parang kulang po kayo?" Tanong ko. "yung iba nasa recording hall. pinagrecord sila dun eh."

"kayo ba yung members ng photography club?" tumango ako sa tanong ni kuya Doyoung. "sige, pwede na kayo magpicture dito, pero may isa dapat na pumunta sa rec hall, dun mostly mga may important parts."

"Minhee, Yeonjun, kayo na magpic dito ako na bahala dun sa iba. Nasa recording room daw sila." Tumango na lang sila at nagsimula nang kumuha ng mga picture.

Pagpunta ko sa recording room ay kinausap ko yung club moderator nila para sabihin na ako yung kukuha ng pics para alam nila. Nagsimula na akong magpicture sa mga kumakanta at sa mga duet na nagppractice sa gilid.

my photographer boy.Where stories live. Discover now