"You can't escape this place, bitch!"Isang sampal na naman ang naramdaman ko sa kaliwa kong pisngi, nakaluhod at nagmamakaawa akong itigil na ang pananakit niya sa akin. Pero parang wala itong silbi.
"Naiintindihan mo ba ako, Isaiah?!"
Kahit hindi ko na matanaw ang itsura n'ya dahil sa luhang patuloy na bumabagsak sa aking mga mata, sunod-sunod akong tumango, takot na baka saktan n'ya akong muli.
"Tumayo ka!"
Isaiah
Padaskol na hinila nito ang kaliwa kong kamay para mapatayo ako, ramdam ko na rin ang hapdi ng tuhod ko dahil sa ginawang pagluhod.
"Fix yourself, ayaw kong makita ka nilang ganyan."
Isaiah
Dahan-dahan siyang yumuko para mapagpagan ang dumi sa dulo ng aking bistida. Hindi na nababakas ang galit sa mukha nito, maaliwalas at tuwid na ang kaninang kunot na noo, may kaunting ngiti na rin sa kaniyang labi.
Sa bigla nitong pagtuwid ng tayo at akmang paglabas sa silid na kinaroroonan namin.
"Mama." Tinawag ko siya, sa taon na nagdaan, muli ko itong nabigkas.
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi, tila hindi masikmura ang kaniyang narinig. "Bitch." Iyon nalang ang naging tugon n'ya bago nilisan ang silid.
Isaiah
"Isaiah, wake up."
Unti-unti kong dinilat ang aking mga mata nang may maramdamang mararahan na tapik sa aking beywang. Doon ko naaninag ang dalawang taong nakadungaw sa akin, bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala.
Panaginip…
Isa na naman palang panaginip.
"Sinubukan mo bang ulit tumakas?" Sebastian asked.
Isinantabi ko muna ang tanong n'ya, naupo ako sa kama at inalala kung ano nga ba ang nangyari.
Sinubukan kong tumakas? Bakit wala akong maalala?
"Si Sister Grace ang nagsabi." Guiseppa added pero hindi ito nakatulong upang maalala ang nangyari.
Nasa kaliwa ko si Guiseppa nang hinagod n'ya bigla ang aking buhok, tinuloy-tuloy niya ang kaniyang ginagawa na tila ba'y pinapakalma ako. Sinubukan kong ulit alalahanin ang nangyari, kung bakit ako nagising sa kama ko at sinasabi nilang dalawa na tumakas ako. Ngunit ang tanging huli kong naalala ay nasa hapagkainan kami at kumakain.
"Are you okay? Pinapunta kami ni Sister Grace dito sa kwarto mo para kamustahin ka." Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa tono ni Guiseppa.
"I-Ilang oras akong tulog?" Tanong ko at inignora ang pangangamusta n'ya sa kalagayan ko.
"Mahigit pitong oras, wala ka na raw malay nang maibalik ka rito." Si Sebastian ang sumagot.
Bumaba ang haplos ni Guiseppa hangga't sa tumigil ito sa kaliwang kamay ko, hinawakan n'ya ito ng mahigpit. "May iba sa ikinikilos ni Sister Grace ngayon, madalas balisa at lagi kang kinakamusta." Nabaling ang atensyon ko sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin?"
Binalingan n'ya ng tingin si Sebastian, tinignan niya ito na parang humihingi ng permiso sa kanyang mga sasabihin. Hindi ito nagdalawang-isip na pumayag at tumango para maipagpatuloy na ang naudlot na sasabihin ni Guiseppa.
"Narinig ni Bastin galing kay Sister Grace na magiging servant ka mamayang gabi, para sa mangyayaring kasiyahan."
"Anong kasiyahan?"
BINABASA MO ANG
Isaiah (Valdemore#1 ON-HOLD)
Mystery / ThrillerShe's an anonymous girl, she remained a mystery since he came onto the church. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ay ang makalaya, ang magkaroon ng maayos na buhay, ngunit masyadong masaklap ang tadhana para sakanya. She was involved in an accide...