Kabanata 7

35 2 2
                                    

Nalaman ko na tumakas lamang si Kerby sa klase n'ya para sunduin ako dito sa Mall, at ng maihatid ako sa condo ni Inin ay dali-dali din siyang umalis para makabalik agad sa school n'ya. Nakonsensya tuloy ako dahil kung hindi sana ito nangyari ay hindi ko siya maaabala.

Nang gabi rin na'yon ay kinausap ako ni Inin tungkol sa nangyari, nag-alala ito at pagsasabihan n'ya daw si Veronica dahil hindi daw nakakatuwa ang ginawa nito. 

"No, kailangan niyang humingi ng tawad sa'yo." pinal na saad ni Inin ng sinubukan kong sabihin sakanya na pabayaan nalang ang nangyari.

Hindi ko na rin pinilit pa dahil mukhang pursigido itong papuntahin bukas si Veronica rito upang humingi ng tawad na sa tingin ko nama'y malabong mangyari, itsura at tindig pa lamang ni Veronica ay napakalabong ibababa n'ya sarili niya.

Kinabukasan nama'y pumasok na ulit si Inin, nagbilin pa s'ya na manatili ako sa condo n'ya dahil siguro'y nag-aalala parin  ito at baka bigla nanaman daw dumating si Veronica at hilahin nanaman ako palabas.

"Nadala na'ko sa nangyari, hindi na'ko sasama sakanya Inin." saad ko upang hindi na s'ya mag-alala.

Pasanin  n'ya na nga ako sa bahay na'to, mukhang nagiging pasaway pa ko sakanya at iyon ang ayokong isipin n'ya, kaya hangga't maaari ay mananatili ako rito sa loob ng bahay n'ya hanggat sa makaalala ako.

Kanina pa ako andito sa sala, bukas ang TV ngunit lumilipad naman ang isip ko sa ibang bagay. Kung nag-aaral pa ako, anong year na rin kaya ako? base sa panaginip ko, hirap na hirap kami at hindi ako mapag-aral ng mga magulang ko kaya binenta nila ko? Anong nagyari sa'kin sa puder ng mga taong kumuha sa'kin? baka pinapabayaan ako kaya hirap na hirap sila Inin hanapin ang mga magulang ko o baka umalis ako do'n tapos nangyari ito? kung gano'n ilang taon ako ngayon? ilang taon ako sa puder ng mga iyon? bakit kahit wala akong naaalala ay parang ang bigat-bigat ng damdamin ko? andami kong gustong malaman at masagot ngunit walang tao ang nakakakilala sa'kin at miski'y sarili ko ay hindi ko kilala.

Para akong nangangapa sa dilim at pinipilit ang sariling sagutin ang mga sariling tanong, ngunit sa huli'y sumusuko dahil hindi kinakaya ang sakit mula sa ulo.

Nadala ako sa pag-iisip dahilan kung bakit hindi ko napansin si Triton na nasa harapan ko, napatalon tuloy ako patayo dahil sa gulat.

"What are you thinking?"

"Ahm..." hindi ko alam kung pa'no uumpisahan sagutin ang tanong n'ya, sa huli'y napahawak na lamang ako sa batok ko at kinamot iyon kahit na hindi naman ito makati.

"Nevermind."hindi na siya nagpumilit pa. "You need to come with me." 

Napakunot noo ako, kakasabi ko lang na mananatitli nalang ako dito sa loob ng condo ni Inin ngunit ito si Triton, andito sa harapang ko at inaaya akong lumabas.

"Pinagsabihan ako ni Inin na-"

"May kailangan kang makita." pagputol nito sa pagsasalita ko.

"Pero sinabi ko kay Inin na-" hindi n'ya nanaman ako pinatapos sa pagsasalita, tumalikod s'ya at pumunta sa kwarto ni Inin. Nang lumabas ito ay may dala-dala na siyang itim na jacket.

"Hindi pwedeng halos kinukulong mo sarili mo dito at h'wag ka na ring madaming tanong."

Magkasalubong ang kilay ng inabot nito sa'kin ang jacket, para naman akong asong takot na takot ng kunin ko iyon mula sakanya.

May iba sa awra ni Triton kumpara sa mga kaibigan n'ya. Nakakatakot ang mga tingin nito at napakaseryoso ng mukha, parang ang hirap niyang kausapin ngunit pag siya ay nagsalita, mapapasunod ka agad. Parang may kakayahan siyang hawakan sa leeg ang mga tao para sundin siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isaiah (Valdemore#1 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon