"Kuya! gutom na 'ko."Kinalabit ko ang isang lalaking nakatalikod, may suot-suot itong kulay asul na damit at short na hanggang tuhod. Pagkaharap nito'y puno ng grasa ang mukha pati ang damit pababa sa shorts nito.
"Konting tiis nalang, kailangan pang maubos 'tong sampaguita para makabili na tayo ng pagkain." saad ito, sinubukan ko siyang tignan sa mga mata, ngunit hindi ko ito maaninag pati ang kanyang mukha dahil sa buhok nitong mahaba kaya natatakpan ang kabuoan ng mukha nito.
Wala akong nagawa kun'di ang hintayin siyang matapos sa kanyang ginagawa at naupo nalang sa gilid ng kalsada.
"Si Kuya? gutom na 'ko." may biglang umupo sa gilid ko, yumuko ito at nilabas ang mga perang barya galing sa bestida at sinimulang bilangin.
"Ako nga rin e, kaso kailangan pa raw ubusin yung sampaguita."
Tumango siya at hindi na ulit ako pinansin.
"Ate, masaya bang mag-aral?"
Patuloy pa rin ito sa pagbibilang habang nilalagay sa isang plastik ang mga baryang tapos niya ng bilangin.
"Narinig ko kasi sa kapit-bahay natin na maganda daw pag may pinag-aralan, gaganda raw yung kinabukasan mo." dugtong ko.
Nang matapos ito sa pagbibilang ay inangat n'ya ang kanyang mukha upang maharap ako. Pero katulad sa tinawag kong kuya kanina, hindi ko rin maaninag ang kanyang mukha. Masyadong malabo.
"Hindi ko alam, si kuya lang naman ang nag-aaral sa'tin."
"Edi siya lang ang may magandang kinabukasan?"
Nagkibit-balikat ito.
"Nasa saiyo naman kung paano mo maiaahon ang sarili mo." bigla siyang tumayo at nilahad ang kanang kamay sa akin.
"May mga hindi nakapag-aral pero naiahon ang sarili, ganoon nalang ang isipin natin. Balang-araw, makakawala rin tayo sa paghihirap na ito."
Napangiti ako, ang maliliit kong daliri ay unti-unting inaabot ang kamay niya para makatayo, ngunit ng tuluyan ko ng maabot ang kanyang kamay ay nakita ko ang sarili kong umiiyak habang pilit na inaabot ang kamay ng isang babae.
"MA!" Sigaw ko.
Yakap-yakap ni kuya ang isang maliit na bata habang ako'y pinipigilan ni Ate na makalapit kay Mama na naglalakad na papalayo saamin.
"Ma, bumalik ka!"
Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko at pilit pa ring inaabot ang katawan ni Mama, kahit na ang layo na nito sa akin.
"Shh, kailangang mag-ibang bansa ni mama para makapagtrabaho at magkapera." pag-aalo ni ate sa akin pero hindi ako natinag, sinusubukan ko pa ring kumawala.
"Aya mo no'n? 'pag may pera na, makakapag-aral na tayo." bulong niya.
Umiling ako.
"Kung aalis si Mama para maka pag-aral ako, dito nalang ako sa bahay at tutulong sakanya!"
"Ginagawa'to ni Mama para sa kinabukasan natin."
Sinubukan ko ulit kumawala ng maaninag kong pasakay na si Mama ng tricycle, hindi man lang niya kami nililingon!
"Bakit hindi nalang si Papa?!"
Mas lalong humigpit ang hawak ni Ate sa braso ko, hinila ako nito palapit lalo sa kanya.
"Hindi pupwede si Papa ro'n."
"Lagi nalang si Mama! wala ng ibang ginawa si Papa kundi maglasing! ayoko sakanya Ate! ayoko!"
BINABASA MO ANG
Isaiah (Valdemore#1 ON-HOLD)
Mystery / ThrillerShe's an anonymous girl, she remained a mystery since he came onto the church. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ay ang makalaya, ang magkaroon ng maayos na buhay, ngunit masyadong masaklap ang tadhana para sakanya. She was involved in an accide...