Kabanata 5

20 3 6
                                    


 "Manang, ako na po ang bahala rito." 

Hindi ko pa tuluyang nabubuksan ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ni Inin, ramdam ko ring nakahiga na'ko sa isang malambot na higaan na sa tingin ko'y nasa silid ko na ako.

"Sige hija, eh sigurado ka bang ayos ka?"

"Opo, Manang."

"H'wag mo ring pabayaan sarili mo, Inin. Hala sige at pag nagising na si Isaiah painumin mo nalang ng gamot nya na naihanda ko na kanina."

"Salamat, Manang."

Narinig ko ang bahagyang pagbukas at pagsara ng pintuan at ang yabag ng mga paa ni Inin na papalapit sa kinahihigaan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ang nag-aalalang mukha ni Inin ang bumungad saakin.

"Are you okay?" Halata sa boses nito ang lungkot.

Naalala ko ang pag-uusap nila kanina  ni Triton, nagtalo sila at hindi ko na alam kung nagkaayos na ba sila dahil nawalan ako ng malay.

"Ayos na ang pakiramdam ko, Inin." gusto ko mang tanungin kung nagkaayos na nga ba sila ni Triton, hindi ko na nagawa at mukhang hindi niya rin gustong pag-usapan iyon base sa ekspresyon ng mukha niya ngayon.

Tumango ito bilang tugon bago inabot saakin ang isang gamot at isang basong tubig na nakalagay kanina sa bedside table.

Umupo ako ng maayos at inabot ito at ininom.

"Sorry sa nangyari kanina, nadamay ka pa tuloy dahilan ng pagkawalan mo ng malay."

Umiling ako dahil sa naiisip niya, hindi naman  nila kasalanan kung bakit ako nawalanan ng malay. Siguro dahil iyon sa sitwasyon ko ngayon, unti-unti narin sigurong bumabalik ang mga ala-ala ko kahit na putol-putol at walang kasiguraduhan kung totoo nga ba ang nakikita ko.

"I think, bumabalik na ng paunti-unti ang alaala ko."

Guiseppa and Sebastian, silang dalawa ang lagi kong nakikita. Siguro kung hahanapin ko sila, matutulungan nila akong makaalala.

"Anu-ano ang mga naalala mo? baka makatulong yan para mahanap natin ang mga magulang mo." Umupo si Inin sa tabi ko.

Sinubukan ko ulit balikan ang mga napaniginipan ko."May dalawang tao palang ang laging nasa panaginip ko, si Guiseppa at Sebastian."

Kumunot ang noo nito. "You told me na sa tingin mo'y may tatlo kang kapatid, isang lalaki at dalawang babae? Iniwan kayo ng nanay mo at sa tingin mo ri'y binenta ka ng tatay mo. Naaalala mo ba ang mga mukha sa mga panaginip mo?"

Umiling ako. "Hindi ko maaninag ang mga mukha ng kapatid ko. Ngunit si Guiseppa at Sebastian ay natatandaan ko."

"Sa tingin mo ba'y kapatid mo sila?"

Napatigil ako sa dapat na sasabihin dahil sa mga naalala ko, nakasama ko ang dalawa sa isang party kung saan pinuri ni Sebastian ang damit ko. Nag-aasaran kami na tila'y magaan na ang loob naming sa isa't-isa..

Napahawak ako sa ulo ko ng bahagyang nakaramdam ng pagkirot at pananakit roon.

Agad na dinaluhan ako ni Inin. "H'wag na muna nating pilitin, Isaiah. Tingin ko rin ay dapat ka munang magpahinga at baka makasama pa sayo kung pag uusapan natin 'to na hindi pa nman malinaw at buo ang lahat."

"Pero kahit na konti pa lamang ang naalala ko ay makatulong iyon sa paghahanap sa mga magulang ko?"

"Iinform muna natin si Dr. Navarro about sa mga naalala mo, let's ask him first ok?" she faked a smile.

Isaiah (Valdemore#1 ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon