Hindi na nga akong nag-dalawang isip pa, pumayag na akong sumama dahil hindi naman ata tama na mag pa iwan at magkulong si Inin sa loob ng kanyang Condo para lang samahan ako. Samantalang ang kanyang mga kaibigan ay nagsasaya.Pagkapasok na pagkapasok palang namin kanina dito sa Bar ay may humila na agad kay Inin, pumipiglas pa siya para lang makawala pero hindi na siya nakaangal pa ng mas lalong dumami ang taong pumapasok at mas naging dim ang lights at hindi na namin nakita kung saang banda siya dinala ng taong humila sakanya.
Ngayon tuloy ay naiwan akong mag-isa kasama si Kael, sumunod na rin kasi ang tatlo ng maihatid lang ako dito sa pinareserve nilang pwesto, pinangako rin nila na hahanapin nila si Inin para hindi na'ko mag-alaala. Nahalata ata nila sa'kin na hindi ako mapakali kakalingon at kakahanap kay Inin.
Tinignan ko tuloy ang buong paligid dahil ilang minuto na ang nagdaan at hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakabalik.
"Gusto mo bang bumalik ang alaala mo?" he glanced at me.
Inayos ko ang suot kong itim na leather jacket dahil sa bahagya nitong pagbaba, exposing my left shoulder. Ayoko pa sanang pumayag sa suot kong itim na tube at itim din na maiksing skirt. Buti nalang at pinahiram pa ako ni Inin ng isang itim na jacket para hindi masyadong exposed ang katawan ko.
"G-Gusto." hindi ako makatingin deretso sa kanyang mga mata.
Nilaro ko nalang tuloy ang zipper ng Jacket ko.
May iba kasi talaga sa paraan ng paninitig niya, masyadong malalim na parang nilulunod ka, isama pa ang seryosong mukha nito na wala man lang bakas ng isang ngiti! t-tsaka hindi ko matagalan ang itsura niya, parang masyado siyang sobra.
"May nabasa ako kung paano ka makakaalala ulit."
Hindi ako sumagot, nanatili ang tingin ko sa kamay kong nilalaro parin ang zipper ng jacket ko hanggang ngayon.
"Gusto mo, gawin ko sa'yo?" bakas ang mapang-asar sa tono ng boses nito.
Napatunghay tuloy ako. Tama nga ako, nakita ko ang manipis at mapupula nitong labi na may multo ng ngiti.
"Anong g-gagawin mo?" walang pumapasok na Idea sa'kin kung ano nga ba ang gagawin niya.
Hindi niya na napigilan ang tinatagong ngiti, mas lalong pa itong lumawak dahilan kung bakit lumabas ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin!
"Wala, masyado ka palang inosente."
Napakunot noo ako dahil sa sinabi niya.
Inosente? may ibang ibig sabihan ba ang mga sinasabi niya?
Hindi ko na naitanong pa ang gustong itanong ng makita ko si Cali na papalapit sa pwesto namin, napaayos tuloy ako sa pagkakaupo at sinilip ang likod nito baka kasi kasunod niya na si Inin! Nabigo ako ng siya lang ang mag-isa.
"Hot, p're!" iyon lang ang nasabi nito pero bahagyang natawa si Kael.
"Sorry, taken na'ko." nilingunan ako nito.
Napalingon din tuloy sa'kin si Cali bago umupo sa tabi ni Kael at may kinuhang isang bote sa lamesa at ininom ito.
"Yeah right, yun pa rin ba?"
Hindi ko alam kung makikinig ba ako sa hindi ko namang maintindihan na pinag-uusapan nila o kaya'y ako na mismo ang hahanap kay Inin.
"Yeah..."
"Loyal mo masyado tang'na! magsama nga kayo ni Triton." sinabayan niya pa ng halakhak.
Hindi ko na sana sila pupunain at binabalak nalang na tumayo para hanapin si Inin, ang kaso'y hinarap ako ni Cali at tinuro-turo.
BINABASA MO ANG
Isaiah (Valdemore#1 ON-HOLD)
Mystery / ThrillerShe's an anonymous girl, she remained a mystery since he came onto the church. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ay ang makalaya, ang magkaroon ng maayos na buhay, ngunit masyadong masaklap ang tadhana para sakanya. She was involved in an accide...