Problem No. 3: Hiwalay na po kami, pero mahal ko pa po siya.

89 1 0
                                    

Hi po. Ako nga po pala si Angel, babae, taga Marikina po. 17 years old na ako at nagdadalang-tao. Hiwalay na po kami ng tatay ng baby ko, nakipag hiwalay po ako kasi parang wala na siyang time sakin. May trabaho kasi siya sa hapon at gabi, sa umaga naman ay nag-aaral siya. Uuwi na siya mga 10 pm ng gabi tapos minsan nalang mag text. Parang naging cold na siya simula nung nalaman naming buntis ako. Kaya nito lang nakaraang buwan, nakipag break po ako sa kanya. Pero mahal na mahal ko po siya. Hindi ko po kayang mawala siya sakin. PA HELP NAMAN PO!

---

Unang-una sa lahat Angel, salamat sa iyong pag share ng problema dito sa amin.

Pangalawa ate, gusto ko sabihing NAPAKANGANGA mo para hiwalayan siya!

Mahal mo pero nakipag hiwalay ka! At ano ang rason?! Dahil wala na siyang time?! Bakit? Nasan ba yung time niya? Sa trabaho at pag-aaral! Para san ba yang trabaho at pag-aaral niya? Para sayo yan! Para sa inyo ng baby ninyo! Para sa pamilya ninyo!

Ngayon ano ka? Nganga?

Isipin mo muna kasing mabuti ang mga bagay-bagay bago ka mag desisyon. Wag kang padalos-dalos, marami pang bukas. Wag kang magpapadala sa emosyon mo ate. Pagsisisihan mo yan, pangako.

Kung ako sayo ate, balikan mo siya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang lalake ang dapat unang gumawa ng first move para makipag bati. Lalo na sa mga away na wala naman talaga silang ginawa. Go on ate.

Napaka swerte mo kasi hindi ka pa niya iniwan sa kabila ng pagkabuntis mo, at sa halip ay nagtrabaho pa siya para umextra ng kita para sa iyo at ng baby ninyo. Ang iba kasi nag ni-ninja moves. Biglang nawawala.

Good Luck sa buhay ninyo ate. Sana ay may naitulong ako sa kuwento ng buhay mo.

#Move-On na te.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon