Problem no. 2: Happy? Anniversary.

31 1 0
                                    

"Hi po kuya, ako po si Chriselle. Nakita ko tong story/love problem ebook mo sa wattpad, kaya naisipan kong mag share. Nagbabaka-sakaling mabigyan niyo po ako ng advice. Ok ganto po iyon, last November 21, 2014 anniversary po namin ng boyfriend ko. Sobrang saya ko po kasi nga two years na kami. Tapos ayun na nga, 5 am in d morming bumati po siya sa akin. Sabi niya Happy Anniversary Babe. Mahal na mahal kita tandaan mo yan. Iyon po sabi niya. Pero dahil 5am pa nga po, di ko pa nabasa. Nabasa ko nalang mga 7am na po. Nag reply ako sa kanya. Pero di na po siya nag reply. Text ako ng text sa kanya ngunit wala pa din po. Nag-expect pa naman ako ng mga sweet moments sa anniversary namin.
Pagka 6pm na po. Nagtext na po siya. Sabi niya Sorry mahal nagkainuman lang kami ng tropa ko. At dahil dun mas lalo pa akong nainis! Anniversary namin tapos tropa niya kasama niya?! Ano?! sila magjowa!? Reply ko po sa kanya, sige tapusin mo na yan! At tapos na rin tayo! Yun po sabi ko sa kanya kuya. Pero mahal ko pa po siya :(( "

Unang-una sa lahat Chriselle noh, salamat sa iyong pag share ng problema mo sa amin dito. Ako ate alam ko masakit yan. Yung parang wala lang sa kanya na anniversary ninyo. Anniversary yan eh! Pero ito dapat mong tandaan, pag galit ka, wag na wag kang gagawa nang desisyon dahil ang tendency nito 90% ng mangyayari ay pagsisisihan mo. Kagaya ngayon, nakipaghiwalay ka sa kanya, eh ano na mangyayari? Mahal mo pa siya eh! Hanggang maari, pag ang problema ay kayang pag-usapan, pag-usapan ninyo. Wag kang rush ate, may oras naman para sa pag-iisip.

Lesson Learned ate, "Wag na wag kayong mag-usap ng galit kayo."

Yan lang ate, salamat sa iyong pag share. Sana ay may naitulong ako. Thanks :))

Mga katropa, ano say niyo sa problema ni Chriselle? Feel free to comment dito. :)) vote and share din mga ka tropa. Maraming-maraming salamat :)

#Move-On na te.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon