Message no. 1: "Pinakain ka lang ng manok, sumama ka na."

55 1 1
                                    

From: Jake

To: Mikay

Hi Babe. Matagal na din tayong di nag-uusap. Miss na miss na kita. There are times na hindi ako makakatulog sa gabi. Sakit talaga nung bigla mo nalang akong iniwan. Pinakain ka lang ng manok sa Jollibee sumama ka na. Minsan sa gabi, kapag wala akong ginagawa at naiisip kita, di ko alam kong matatawa ba ako o maiiyak. Natatawa ako kasi pinakain ka lang ng manok sumama ka na sa kanya, pero naiiyak ako kasi iniwan mo ako. Di ko talaga inaasahan yun. Lalo na yung nagkita tayo. June 2014, masaya talaga ako kasi sa wakas magkikita na tayo. Pang-umaga kasi ako sa school habang ikaw naka pang gabi. Iba schedule natin kaya mahirap tyumempo. Tapos ayun na nakita kita sa labas ng Mall, nkaupo ka lang. At mabilis akong lumapit sayo, pero nagtaka ako kasi malungkot ka. Nang makaupo na ako, di man lang ako nakapag Hi. Ang sabi mo, "Break na tayo." At pagkatapos umalis ka na. Ni hindi mn lang ako nakapagsalita! Potang ina! Bakit?! Anong ginawa ko?! Tinext kita, tumawag ako sayo, pero kahit isang text wala na. Sinubukan kong mag internet ngunit wala na. Nakablock na ako. Di na kita makita. Simple lang naman tanong ko. Bakit? Bakit mo ako iniwan? Ano ang nagawa kong mali?! :((

Mikay, sana'y mabasa mo ito, at sana'y sagutin mo.

-------

Ito ang mensahe ni Jake para ky Mikay. Mikay, kung sakaling mabasa mo ito, sagutin mo naman si Jake. Ang pangit kasi ate na iwan mo lang sa ere ang ka partner mo na para bang wala kayong pinagsamahan.

At para naman sayo Jake, natatawa ako dun sa linya na Pinakain ka lang ng manok, sumama ka na. Hahaha.

Pero seriously, tama na yan pre. Siguro ito na ang time para magsimula ka nang mag move on. Iniwan ka na niya pre, kahit masakit, kailangan mong tanggapin sa sarili mo na wala na kayo. Hindi ito magiging madali para sayo, pero trust me, magiging okay din ang lahat :)) Hindi pa ngayon, pero definitely, darating din yan. Sa ngayon, kailangan mo lang tulungan ang sarili mong makabangon.

Tips lang pre, aliwin mo ang sarili mo. Maglaro ka ng dota, o kung ano mang kinaaaliwan mo, mag basketball, mag-aral, magbasa, mag paka busy ka. Dahil kapag wala kang ginagawa, ang mangyayari may time kang makapag-isip ng mga bagay-bagay. At ang iisipin mo, tiyak lovelife. Higit sa lahat, wag kalimutang magdasal sa Dakilang Lumikha, ang Diyos, tandaan ay plano Siya para sayo.

#Move-On na te.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon