Simula

256 47 12
                                    

"Eli!"Tawag ni Mommy na umalingawngaw sa buong bahay.

"Wait Mom!I'll be there in five minutes!"Sagot ko habang naglalagay ng konting polbo sa pisngi.

Eto nanaman ako, balik sa dating gawi bilang chaperone ni Ate sa tuwing may date siya. Ewan ko ba dito kay Mommy bakit ako pa ang pinapabantay niya kay ate eh ako ang bunso dito!

Minsan na kasing sinaktan si Ate ng kanyang ex-boyfriend habang nagdidate sila dahil sa gusto na niyang makipaghiwalay dito. Simula nun naging paranoid na si Mom at lagi na akong pinapasama kay Ate sa tuwing may lakad o date ito. Wala namang magawa si Ate kundi isama ako kahit na nakukulitan na siya sa'kin.

"Ba't ang tagal mo Eli? Tara na! Kanina pa naghihintay ai Gabe sa'kin. I mean sa atin!" Wika ni Ate Krystal habang pabalik-balik ang tingin sa kanyang relo.

"Gabe?!Who's Gabe Ate?"Tanong ko nang makapasok na kami sa sasakyan.

"Bagong manliligaw ko."Tipid niyang sagot.Diretso lang ang tingin niya at mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa manibela. May nangingilid na luha sa kanyang mga mata na bumabadyang pumatak pero agad-agad niya itong pinunasan.

"A-Ate?Are you okay?"Tipid kong tanong.

"Y-Yes,I am! Bakit naman?" Sagot niya habang nakatingin sa malayo.

"It seems that you are not. Ano ba ang nangyari sa inyo ni Nathan?Hiwalay na po ba talaga kayo?" Hindi ko na napigilang manahimik lang habang ang kapatid ko ay nasasaktan na.

Tinitigan niya lang ako na parang nagmamakaawang tumahimik na ako na hindi.

"Okay!Pero nandito lang ako kung gusto mong magshare."Bumaba agad ako ng makarating na kame sa Sulu Paradise. Bagay nga ang lugar na ito sa mga magkasintahan.Romantic, tahimik at talagang may privacy.

"Ate,CR lang ako ha!" Nag.CR muna ako wala pa naman kasi yung ka date ni Ate. Ano ba namang klaseng lalake yan, babae pa talaga ang pinaghihintay nila ha!

"Hala!S-Sorry po!Sorry po talaga."Sabi ko sa lalaking nasa loob ng Men's CR habang tinatakpan ang inosente kong mga mata. Peste!Ang laking tanga ko talaga! Bakit ako napunta doon?

Pagkalabas ko ng CR ay agad kong hinanap si Ate Krystal. Nakita kong nakaupo siya sa mesang malapit sa pinto ng restaurant na ito. May kinakausap na lalaki. Yun na kaya ang ka date niyang si Gabe? Masasabi kong gwapo siya kahit na nakatalikod ito sa'kin. Puting shirt ang suot niya at fit ito sa kanyang katawan. Halata ring nagwowork out ito dahil bakas ang kanyang mga muscles sa likod.

"Elianna!" Bakas ang saya sa mukha ni Ate Krystal ng tinawag niya ang pangalan ko.Grr!I hate being called with that name. Pero okay lang kung si Ate ang tumawag neto sa'kin.

Mabuti naman at napasaya agad ng lalaking eto ang kanina lang ay malungkot na mukha ng kapatid ko.

"Ate, sorry natagalan ako." Sabi ko habang tinititigan ang lalaking ngayon ay sa harap ko na pero di parin ako nililingon.

"Eli,this is Gabe!" Pakilala ni Ate sa'kin.Lumingon siya para makipagkamay sa'kin pero natigilan siya, ganun din ako.

"Ikaw??"Sabay naming tanong sa isa't-isa na ikinagulat naman ni Ate Krystal.

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Ate sa amin. Sabay naman kaming umiling bilang pagsagot sa kanyang tanong.

Sacrifice and ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon