Kabanata 4

79 5 4
                                    

Its been a week since my sister and Gabriel had their last date. Napagtanto ko tuloy na baka nag-away o nagkatampuhan ang dalawa dahil sa sinabi ko ang tungkol sa ex ni Gabe.

Shit! I guess its my fault. I should make a way para magkabati na 'yung dalawa. Makikialam na naman ako sa relasyon nila ? Pero last na talaga 'to.Darn! Nakokonsensya na talaga ako.

Napansin ko rin na naging matamlay si Ate Krystal nitong nakaraang araw. Lagi kong sinusubukang tanungin siya pero wala talaga akong makuhang sagot mula sa kanya.

"Is it about Gabriel?" Lakas loob kong tanong sa kanya habang nasa hapag kami.

Natigilan si Ate, tinignan niya ako. Yumuko siya at pinagpatuloy ang pagkain. Nagkatinginan kami ni Mommy. Maging siya ay di rin alam kung ano ang problema ni Ate Krystal. She's always been very vocal whenever she has a problem, kaya nagtaka kami ni Mom ngayon kung bakit wala siyang binabanggit sa amin.

"I and Gabriel we're okay." Matamlay niyang wika.

"Excuse me."

Tumayo siya kahit hindi pa nauubos ang pagkain na nilagay niya sa kanyang plato at umakyat sa kanyang silid. Tinangka kong sundan siya pero pinigilan ako ni Mommy kaya bumalik nalang ako sa pagkakaupo at pinagpatuloy ang pagkain.

Okay sila?Pero bakit siya nagkakaganyan?Meron kayang ibang dahilan?

Dahil mukhang wala naman akong mapapala sa kapatid ko, naghanap ako ng paraan para maitext ko si Gabriel. Siya lang talaga makakasagot nito. Gusto kong malaman ang totoo.

Mabuti nalang at naisave ni Ate ang number ni Gabriel dito sa phone ko nang minsan niyang hiniram ito. Natagalan pa ako sa kakaisip kung ano ang itetext ko sa kanya dahil sa ito ang unang pagkakataon na makikipagtext ako isang lalake. And I hate what I am feeling right now. Gosh! Ang tanga ko.

Ako:

Hi! Busy ka ba ngayon?

Ilang ang minuto pa ang nakalipas matapos kong itype ito sa phone ko bago ko nisend sa kanya.

Tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext. And it was him.

Gabriel:

Yes. Still have a meeting. Why?

Napabuntong hininga ako ng mabasa ko ang reply niya. Kainis! Wrong timing pa. Napaisip ako kung rereplyan ko pa ba ang text niya dahil sa busy naman siya at baka makaistorbo lang ako.Ngunit dahil sa nagtanong siya, pinindot ko ang reply button at mabilis nagtype ng message.

Ako:

I just wanna ask you something ...about Krystal. Are you two really fine?

Naging mabilis naman ang pagsagot niya sa mga tanong ko. Busy ba talaga 'to? Baka nagdadahilan lang ang lalakeng 'to!

Gabriel:

Can we talk about that later?I'll just fetch you in your school by 5 : 00 pm.Bye.

Napanganga ako nang mabasa ko ang huling text niya. Ilang beses ko pang binasa ulit ang mga salitang iyon. Damn! Kung sinagot niya lang sana ang tanong edi tapos na, oo o hindi lang naman ang sagot dun.

Exactly 5:00 akong naghintay pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Kalahating oras na akong naghihintay sa labas ng school namin. Nilalamok na ako sa kahihintay sa lalaking iyon. Ayaw ko pa namang pinaghihintay ako!

Isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko.Bumaba ang isang lalaking naka kulay itim na leather jacket. Ngumiti siya.

"Shit!Those dimples." Bulong ko sa sarili ko.

"I'm sorry. Kanina ka pa? Natraffic ako eh." Binuksan niya ang pinto sa back seat ng kanyang itim na BMW. Nagtaka ako dahil wala namang tao sa front seat.

"Please get in." Sabi niya sabay kumpas ng kanyang kamay.Sinara niya agad ang ito ng makapasok ako. Agad niyang tinungo ang driver's seat at mabilis na pinaandar ito.

Inirapan ko siya.

"Sorry, hindi ka pwede sa front seat 'coz it's exclusive for my girlfriend." Wika niya at binigyang diin ang huling salita.

Napaawang ang bibig ko ng marinig iyon! Shit! Ang arte ng lalaking ito pero napagtanto ko kung gaano siya ka loyal sa kapatid ko. Okay lang na sa back seat ako ang mahalaga kapatid ko lang makakaupo sa front seat ng kanyang sasakyan.

"Really? How sweet. So, ilang babae na ba ang pinaupo mo jan?" Pabiro kong tanong.

"Well, do I need to mention them all? I guess, It will took a couple of hours naming them." Sarkastiko niyang sagot.

Grabe may tinatagong yabang din pala ang lalaking ito.

Matapos nun ay binalot na ng katahimikan ang buong sasakyan. At hindi ako sanay sa tahimik na lugar, nakakapangilabot. Gusto kong magsalita pero baka mabulol lang ako dahil sa bilis ng pintig ng puso ko, daig pa ang nakikipagkarera sa bilis. Damn! Ano bang nangyayari sa akin?

Napasulyap ako sa rearview mirror ng kanyang sasakyan. Ang malalim at itim niyang mga mata ay diretsong nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. Those eyes made him so freaking mysterious.

Nahagip ng kanyang mga mata ang pagtitig ko sa kanya. "Any problem Miss Castro?" Ngumisi siya ng magkasalubong ang paningin namin. Crap! Naghuhuramentado ang puso ko.

Sacrifice and ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon