Kabanata 3

124 34 2
                                    

Muntikan na akong madapa dahil sa pagmamadali ko. Nang makarating ako sa room namin ay nagkakagulo ang mga kaklase ko sa Soc. Sci. 4. Inilibot ko ang aking paningin sa silid namin para kumpirmahin kung nandito ang prof. namin.

"Takte naman oh!" Napamura ako ng mapagtantong wala talaga ang prof. namin, absent siya ngayon.Natahimik naman ang kanina lang at magulo at maingay kong mga kaklase.Malamang nagulat sila at sa akin na ngayon ang atensyon nila. Napatingin silang lahat sa direksyon kung saan ako nakatayo ngayon.

"Oh, sorry!" Wika ko at yumuko nalang habang tinutungo ang upuan ko. At kinuha ang cellphone kong nakalagay sa bulsa ng bag ko at kabilis na tinype ang message ko para kay Ate Klare.

Ako:

Ate, free ka ba this afternoon?

Nagdadalawang isip ako na sabihin kay ate ang nalaman ko dahil baka ito pa ang maging dahilan ng away nila ni Gabriel.

Agad namang tumunog ang phone ko.Tinignan ko kung sino ang nagtext. Nakita kong kay ate Krystal iyon nanggaling at agad ko itong binuksan.

Ate Krystal:

Yes, I am Baby. Why? Is there any problem?

Naramdaman ang pag-aalala sa kanya kaya agad akong nagreply para mapawi ang pag-aalalang iyon.

Ako:

May sasabihin lang po ako.Uhm,about Gabriel.

Hindi ko sanang gustong makialam sa kanilang dalawa kaso kaligtasan na ng kapatid ko ang pinag-uusapan kaya bahala na kung anuman ang kahahantungan nito.

Tumunog ulit ang phone ko.May isang message galing kay Ate Krystal.

Ate Krystal:

Okay baby.See you later.

Iyon na ang huling text niya sa'kin dahil hindi na rin naman ako nakapag reply sa kanya.

Hindi ko naman kayang itago sakanya ang natuklasan ko kanina tungkol kay Gabriel. Dapat lang na malaman ni Ate 'yun lalo na at desperada at bitter itong kulot na ex ni Gabriel na kayang gawin ang lahat mapasakanya lang ulit ito.Malamang ipinalihi ito sa ampalaya.

Bago pa mag 5:00 pm ay umalis na ako sa paaralan. Agad akong sumakay sa blue na chevrolet kong sasakyan patungo sa South Park Grill, kung saan kami magkikira ni Ate. Kalahating oras lang naman ang biyahe papunta doon mula sa paaralan namin at iyon ay kung hindi ka maipit sa kasagsagan ng traffic. Mabuti na nga lang ay maluwang ang daan ngayon.

Eksaktong 5:30 pm na ng marating ko ang South Park Grill. Nilibot ko ang aking paningin at nakita kong nakaupo si ate sa pinakadulong mesa mag-isa lang siya, agad ko siyang nilapitan.

"Ate!"Tawag ko.Agad naman siyang lumingon.

"Isang oras kanang late, Eli." Sumbat niya. "At dahil diyan, ikaw ang magbabayad ngayon." Dugtong pa niya na ngayon ay nakangisi na sa akin.

We had a deal noong mga bata pa kami na kung sino ang malilate ay siya yung manglilibre at hanggang ngayon kahit na malaaki na kami ay sinusunod namin.

"Hindi pa ako late ano!"Tinitigan ko ang relo ko ng paulit-ulit.Tama naman yung oras ah.

"Eh,paano ba naman kase late yung relo mo. Bili kana ng bago Eli!" Wika niya.

Agad ko namang kinuha ang phone ko at ikinumpara ang time sa aking relo.Kailangan na nga atang palitan

"Grabe! Isusumbong na talaga kita kay Mommy! Nang-aabuso kana."

"Edi isumbong mo, isusumbong din kita kay Mom na di ka nakikimig at nagtetext ka habang nagdidiscuss ang prof. mo kanina!" Aniya.

"Wala kaya prof. namin kanina at saka ikaw naman yung tinext ko ah. Pero sige na nga, dahil ako ang nagyaya ako na ang magbabayad ngayon."

Ngumisi si Ate Krystal at agad niyang tinawag ang waiter.

"Ano nga pala ang sasabihin mo?" Tanong niya habang pumipili sa hawak- hawak niyang menu book.

Nag atubili pa akong sabihin kay Ate baka magalit siya sa'kin dahil sa nakiki-alam na ako sa kanila ng boyfriend niya. Pero mas mabuti nang maging aware si Ate Krystal.

"Ano kasi...s-si Gabriel may ex-girlfriend." Wika ko.

Natawa siya sa sinabi ko. Nagkasalubong naman ang kilay ko sa naging reaksyon niya.

"Okay lang sa'yo Ate?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo naman.Kahit ako ay may mga ex din naman. I think natural lang naman iyon." Ngumiti siya sa'kin at ginulo ang buhok ko. "Inosente kapa ngang talaga." Dugtong niya.

Pansamantalang natigil ang usapan namin ng lumapit ang waiter para i-serve ang pagkaing in-order namin. Kumuha ako ng isang slice ng Veggie Pizza topped with Acorn Squash, Cherry Tomatoes, and Provolone at inilagay sa plato ko.Nakahiligan ko na ang pag kain ng mga gulay dahil na rin sa impluwensiya ng vegetarian kong kapatid.

"Kahit na desperada at bitter ang ex ni Gabriel? Gusto pa nga yatang makipagblikan sa kanya eh!" Sabi ko at sumipsip ng strawberry shake.

"Desperada?Walang nabanggit si Gabe na ganyan sa akin!" Nagtatakang sagot niya.

"Kaya nga ako nalang ang nagsabi sa'yo Ate. Mukhang hindi naman kasi mapagkakatiwalaan 'yang Gabriel..." Wika ko at pinutol naman iyon ni Ate Krystal.

"Watch your word Eli! Baka nakakalimutan mong boyfriend ko si Gabriel."  Wika niya at naging seryoso na ang mukha niya. Ramdan ko rin ang pagbabanta sa boses niya ng sinabi niya iyon.

"S-Sorry Ate." Wika ko. "Pero nakita ko kasi sila kanina, napagkamlan pa ngang ako ang ipinagpalit ni Gabriel sa kanya kaya ayun, pinagmumura ako." Naging malungkot ang tono ng boses ko ng sinambit ko ang mga salitang iyon.

"A-Anong ginawa niya sa'yo?" Tanong niya. Bakas sa boses niya ang matinding pag-aalala.

"Wala naman. Nagkamali siya ng kinalaban at siguradong pagsisisihan niya iyon." Wika ko na siya namang nagpangiti kay Ate.

"Ewan ko sa'yo! Akala mo kung sinong matapang, takot naman sa matataas." Aniya at tumawa siya. Napanguso naman ako sa huling sinabi niya. Lagi nalang niya kasi akong tinutukso tungkol dito.

"Totoo naman ah. Ikaw lang naman kasi ang inaalala ko Ate, baka anung gawin sa'yo nun. Mabuti sana kung kasama mo ako lagi."

"Ang bait talaga ng kapatid ko! Natouch ako dun ah!" Ngumiti siya sa akin. Kinuha niya ang phone sa kanyang bag. "Don't worry, kakausapin ko si Gabe tungkol sa sinabi mo." Agad naman siyang nagtext. Malamang si Gabriel na ang tinext niya.

Sacrifice and ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon