Kabanata 2

147 50 11
                                    

Magkaiba man kami ng Daddy ni Ate Krystal sobrang close pa rin kami. Yun yung nagustuhan ni Mom sa amin. Nag-aaway din kame pero minsan lang naman at naaayos din kaagad dahil sa hindi naman namin matiis ang isa't-isa.

"Darn! Ate bigay mo na 'yung ball cap ko sa'kin! Late na ako oh!" Sigaw ko habang inaagaw sa kanya ang bagay na sa palagay ko ay hindi ako kumpleto kung di ko suot.

"Ano ba naman 'yang fashion taste mo Eli?" Tanong niya habang nakapamaywang at sinusuri ang bawat detalye ng suot ko.

"Crop top, skater skirt na hanggang tuhod, sneakers at BALL CAP na may nakasulat na S.W.A.G? Okay ka lang? Itaas mo pa yung skirt mo, 2 or 3 inches above the knee dapat."

"Huwag na okay na 'yung ganito. Bagay naman ah." Wika ko sabay hablot ng ball cap ko sa kamay niya, sinuot ko agad ito at tumakbo palayo sa kanya.Samantalang si Mom naman ay nakangiting pinanonood lang kame ni Ate Krystal.

"Bye Mom!Alis na po ako." Paalam ko kay Mommy at nagflying kiss nalang ako sa kanya.Pinaandar ko agad ang aking sasakyan.

"Ingat anak."Narinig kong sabi ni Mom.

Lagi kaming nagbabanghayan ni Ate pagdating sa mga damit na isinusuot ko.Palibhasa mahilig siya sa mga maiikling floral dresses, mini skirt, sleeveless at stilletos na hindi ko naman bet dahil sa sobrang girly ng dating.

Fifteen minutes lang naman ang biyahe mula sa bahay patungo sa UPV kung saan ako ngayon nag-aaral.Nang makarating ako ay agad kong pinark ang sasakyan sa parking lot ng paaralan.Walang masyadong tao dahil masyado pang maaga.

Nagulat ako ng makarinig ako ng iyak ng isang babae.Hinanap ko kung saan nanggaling iyon at nakita kong may lalaki at babaeng nag-aaway sa di kalayuan.Pinaghahampas ng babaeng may kulot na buhok ang dibdib ng lalake. Matangkad at maputi ang babae. Hindi ko naman makita ang mukha ng lalaki dahil sa nakatalikod ito.

"Sus!Kay aga-aga LQ agad." Sabi ko sa sarili ko.

"Fucking shit!" Napamura ako ng may humarurot na sasakyan sa harapan ko palabas ng parking lot.

"Muntikan na ako dun ah!" Sa sobrang pangu-usyoso ko sa dalawa ay hindi ko na namalayan ang mga sasakyang dumadaan.

Nilingon ko ulit ang dalawa.Shit!Nakatingin na ngayon sila sa direksyon ko.

"Eli!"Tawag nung lalaki.Lumakad siya papunta sa kinatatayuan ko at iniwan ang babaeng kasama niya.

"Huh?Do I know him?"Tanong ko sa aking sarili.Ilang metro nalang ang layo niya ng mamukhaan ko ito.

"Gabriel?"Tanong ko.Hindi aiya tumigil, patuloy pa rin siya sa paglalakad papunta sa akin.Lumapit pa siya at niyakap ako.

"Are you okay?"Tanong niya."Anong nangyari?"Dugtong pa niya.Yakap-yakap niya pa rin ako na parang wala siyang balak na pakawalan ako sa mga braso niya.

Kumawala ako mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin. "I-I'm okay." Nanginginig kong sagot at iniwas ko ang aking paningin sa kanya.Nagtataka ako kung bakit niya ginawa iyon.

"Bravo..bravo..bravo!You broke up with me just to be with that pathetic bitch?" Narinig kong sabi ng babaeng kausap ni Gabriel kanina. Namamaga ang kanyang mata marahil epekto ito ng pag-iyak niya.Nagkalat na rin ang eyeliner sa paligid nito.Ganun din ang kulay dugo niyang lipstick sa bibig.

Sa halip na maawa ay hindi ko napigilan ang aking sarili kaya napatawa ako. "Pathetic bitch huh? Excuse me Miss, are you referring to your self?" Galit kong wika. "Kung ano man ang problema niyo ng lalaking eto ay huwag niyo na akong idamay dahil wala akong alam sa mga kalokohan ninyo!" Sabi ko sa babaeng galit na galit na nakatingin sa akin.At binigyang diin ko ang bawat salitang binitawan ko.

"Mga walang hiya kayo,magsama kayong dalawa."Sigaw niya at pumasok sa kanyang sasakyan.Pinaharurot niya ito palayo sa amin.

"S-Sorry Eli." Wika ni Gabriel.

"Aba'y dapat lang na magsorry ka!" Sabi ko at isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. "Huwag na huwag mo na akong yayakapin dahil baka di ako makapagtimpi at mabugbog kita."Pagbabanta ko sa kanya. "Huwag kang makampante 'cause wer not even friends. "Tinignan ko ang aking relo para i-check kung anong oras na. Ilang beses ko itong tinignan dahil baka namamalik-mata lang ako.

"Shit!I'm freaking late!Kasalan mo 'to eh!"Sigaw ko sa kanya. Agad akong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya. Para saan pa? Bago pa ako tuluyang makalayo ay nilingon ko siya.Tumigil ako nang makita kong nandun pa rin siya.Nakasandal sa itim niyang BMW.

"Sabihin mo dun sa babaeng 'yun na hindi ako ang girlfriend mo kaya hindi ako ang pagbuntungan niya ng galit niya. At huwag na huwag siyang magpapakita sa'kin dahil gagawin ko talagang straight ang kulot niyang buhok." Ngumisi siya at tumango nalang.

"At higit sa lahat,ayaw kong may nanloloko sa Ate ko!" Sigaw ko at tumakbo papuntang room namin.Hindi ko na nakita ang naging reaksyon niya sa sinabi ko.

Sacrifice and ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon