The Prologue

184 3 0
                                    

|Beryllium POV|

"Shoot the head! Aim properly! They won't die easily, get a headshot!" my dad boomed his voice around the area that morning.

It's saturday and men are busy on their trainings. Alas kwatro ng umaga nang bumangon ako para magtungo rito sa training ground, hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw. Ang mga tao ay inihahanda ni pàpa sa nalalapit na pagsalakay nito sa isang lupaing monarkiya. Matagal, maingat at mabusisi ang naging plano ng pamilya para rito. Hindi basta-basta ang monarkiyang iyon.

"May bago bang update ang nobyo mo?"

"Yeah... kagabi. Tatlong linggo ngang mawawala ang mga magulang niya sa bansa." sagot ko sa bagong gising na si Arsenic, mas matanda siya sa akin. May dala pa siyang toasted bread at gatas, inalok ako at agaran ko naman tinanggihan. Tubig lang ako tuwing umaga.

"That's good to hear." her responds

"Oo at mas madali ang pagsakop kung wala ang mismong sandata."

"Ikaw na dapat ang magtrain sa kanila..." humarap si Arsenic sa banda nila papa para sa bagong paksa

"Mas magaling si papa. At isa pa, baka maglaro lang sila kapag ako ang kaharap..."

"Seryosohin mo rin kasi... minsan ay masyado ka rin mabait"

Napahagalpak ako ng tawa roon. Kahit sila daddy ay napatingin sa akin. Hindi ko mapigil ang tawa dahil kung biro ba iyon or what. Bugnot ang mukha ni ate. Mas mainam na totoong kadugo ang mamuno.

"Ikaw ang masyadong mabait ate..." The truth is, she is more cruel than me. She kills without a second thought and that's what I like about her. I do adore her. "Nag request na ako ng transfer sa school niyo, baka next week makapasok na ako."

Hindi na nakasagot si Arsenic dahil papalapit na si pàpa.

"Ang saya ng gising mo Beryl, how's your stay here?" Dad approached us then gave morning kiss like as usual

"Not bad..." Pangalawang gabi ko pa lamang dito sa lupaing emperyo ng kinikilalang pamilya ko kahit na ba noong nakaraang week pa ako dumating ng Pilipinas. Tumuloy ako sa mansyon ng nobyo-nobyohan ko. Kailangan ko paikutin ang nag iisang anak ng emperyong sasakupin ni daddy.

"You have to be careful with him iha, baka matunugan ka ng batang Suarez na iyon."

"Don't worry dad, I believe that love is really blind. Look, he's dead over heels to me. Ganon siguro talaga kung unang beses kang magmamahal" muli akong napatawa na sinundan din ng tawa nila daddy. Nakikita ko ang galak sa mata nila dahil sa maayos na misyon ko. Gusto ko suklian lahat ng kabaitan at pagmamahal nila sa akin. I'm willing to risk everything for them. Even my life.

"Well kung ganoon nga ay, everything is perfect! Prepare for deployment Arsenic, manguna kayo ni Argon sa araw na iyon."

"Areglado, pápa."

"Dad, what about Iraq? Hindi ko pa siya nakikita" naalala ko bigla, isa siya sa palaisipan sa akin. She's been more than five years na sa puder ni papa at kahit kailan hindi ko nagustuhan ang kung anong meron siya. Para siyang sakit sa mata ko na gusto ko maalis. Hindi ako natutuwa sa kanya bukod sa palasagot siya sa akin, feeling niya ay pantay lang kami ng katayuan sa buhay.

"She's on trip... requested. Ayaw ka siguro makasalamuha." Si kuya Argon

Napairap ako roon. Lakas ng loob ng babaeng 'yon. Sa ganitong pagkakataon pa talaga siya nag isip mag easy easy.

"Nasaan pala ang bracelet na iniregalo ko noong 17th birthday mo? Hindi mo sinusuot?"

Naitaas ko ang kamay ko at napalahad ng palapulsuan sa tanong ni Arsenic. Wala nga roon. Naibigay ko sa babaeng nakita ko sa lansangan. Malaki ang pangangailangan ng babaeng yon dahil na rin sa batang kasama niya. Tingin ko ay kapatid niya. Wala akong cash kaya mas minabuti kong ibigay nalang iyon para maibenta o maisanla niya.

When The Devil Calls Your NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon