Chapter 2: Kalbo Ang Dahilan

0 0 0
                                    

   
         I'm changeable my mind, ayoko ng maligo!

     Hazztag KKK-- Kambing na kung kambing!

    Ay hit wuter! Ay relay relay hit wuter!grr!

     Hindi pa talaga kaya ng konsensiya ko, naghehystirical na ang mga kuto ko, maginaw pa raw.

         Pero dahil nga sa matalino ako, may naisip akong shining, shimmering, glittering, sparkling,and brilliant idea.

         Dahil alam ko naman na hindi ako makakalabas ng buhay- ay este kapag hindi ako nakakaligo, iniob-ob ko nalang ang ulo ko sa loob ng balde hanggang sa mabasa lahat saka ko ginamitan ng shampoo. Sorry mga kutowws ko paminsan-minsan kelangan ring magsakripisyo para sa ikakaunlad ng bayan.
      Nagbuhus-buhos ako ng tubig sa sahig para isipin ni kuya na naliligo talaga ako, with matsing sigaw pa iyan. Oh haha, sinong matalino?

              Pagkatapos kong basain ang buhok ko ay dali dali kong hinubad ang suit kong damit at nagsuot ng bagong damit. Pinagbabasa ko ang mga damit ko dahil matalino ako. Meheheheh

     *basa dito
     *basa doon
     *kusot dito
     *kusot Doon
     *banlaw dito
     *banlaw Doon......

      "What a genius girl."  narinig ko naman na may nagsalita sa likod ko.

          Hindi na ako nag- abalang lingunin kung sino ang nagsalita dahil hindi na kailangan. Sa loob ng ilang taong pamumuhay ko dito sa mundo ay namulat na ako sa katotohanan. Katotohanang hindi lang tayo ang naninirahan sa mundong ito, na may iba pang mga nilalang na hindi natin nakikita. Nagmimilagro, gumagawa ng kababalaghan at nagpaparamdam.

   

       Hindi na bago sakin ang ganitong mga pangyayari. May mga ibang nilalang narin akong nakakasalamuha at nakakausap. Hinihingan nila ako ng tulong, kung saan ang tamang daang tatahakin, humihingi rin sila ng mga payo kung ano ang dapat gawin dahil hindi na niya kaya. Minsan nga iniisip ko na special ako sa lahat eh, that I am most specialiest, yong pinaka-special, pero baka masyado na akong assumera kaya more specialer lang muna- yong mas special lang.

      "Alam ko."  masungit na sagot ko habang pinagpatuloy ang misyon ko. Oh diba? Pati yata engkanto napabilib sa angkin kong katalinuhan .

     Salamat. Salamat. Salamat sa papuri. I no. I no. Alam ko. Alam ko.

      Ngunit dahil sa may misyon pa ako hindi muna ako tatanggap ng kustomer ngayon. Masiyado pang sariwa sakin ang unang pagtulong ko sa isang matandang kaluluwa. Bigla lang kasi itong sumulpot sa likuran ko, nakasuot ng bestidang puti at duguan. Humingi ito ng tulong sakin, hindi na daw nito kaya, pagod na pagod na raw siya kaya ako namang si matulungin kahit na natatakot na ako ay tinulungan ko parin siya. Tinuruan ko siya sa tamang landas..........papunta sa c.r. ng masungit naming kapitbahay na si aling Shela. At dahil nga sa mabait ako sinamahan ko pa siya. Hindi niya kasi sinabing naghahanap lang siya ng malalabasan ng dumi niya. Kaya lang  bigla nalang siyang nagdalawang isip ni, ni ayaw pumasok . Naisip no naman noon na baka ayaw pa niyang magpahinga dahil maghahasik pa siya ng lagim kaya ayon itinulak ko ng pwersahan sa loob ng c.r. Kaya napaaga tuloy ang pagpunta niya sa langit.

       At ngayon wala pa akong balak tumulong , umaabuso na sila eh!

     "Ulo mo Durang, lumulutang na."
        Narinig kong sabi ni kuya na siyang nagpabalik sakin sa realidad. Realidad na nasa harapan ko ang bakla kong kuya, nakapameywang na nakaupo sa bowl.

     I kennat bee live this! I kennat! Paano napunta sa loob tong baklang to? May sa maligno yata tong baklang to!

     Kaagad akong napatigil sa pagbanlaw ko  sa nangingitim kong underwater--ay este underware? Topperware? Ah basta itong isinusuot sa panloob. Dahan dahan kong itinago sa likod ko ang mga basa kong damit. Naramdaman ko na nangatog ang mga kuto ko sa ulo lalo na nang makita kong nakangisi si kuya, kita pa yong ngalangala niya. Geezzz!

Durang -- Dora The ExporterWhere stories live. Discover now