Chapter 3: Sakuna

1 0 0
                                    

    A/N: ang bawat sinusulat ko sa bawat kabanata ng kwentong ito ay walang katotohanan at pawang produkto lamang ng kinakalawang kong isipan kaya kung may hindi man kaaya ayang mga salita na naisusulat ko pasensiya na wala po akong pintatamaan. No offense po. Peace tayo mga bruh! Hehehe

     __________________________________________ 

       Bakit ba ang hilig nilang tawagin akong Durang? Kay kuya social habang akin parang pinaglilipasan na ng panahon.

      Haiisst may marami naman diyang pangalan , pwede namang bunso, inday, cutie, beauty, ganda, di kaya'y diwata diba? Sa kay rami- raming pwedeng itawag sakin Durang pa talaga? Mahirap na nga kami pati ba naman pangalan kapos rin sila, sa basurahan pa talaga napulot?

      Kasalukuyan kami ngayong nakasakay sa dyip. At kung nagtatanong kayo kung saan kami pupunta, well maghahasik lang naman ng lagim, ay hindi pala maghahanap kami ng kayamanan. T-teka kayamanan ba?
    Tama! Dadalhin kami ni Itang sa tinatrabahuan niya. Driver kasi si Itang meaning tagapagmaneho sa amo niya papuntang kamatayan. Ewan ko ba kay itang, hindi naman yan marunong magmaneho, natural paano naman siya matututo kung bike nga wala kami, kariton lang meron. Ni hindi nga yan nakatapos  elementarya dahil walang pera at kapos, well iyon ang sabi ni Itang sakin.

        At dahil nasa purgatoryo na ang amo ni itang magiging amin na ang bahay nila, ang lahat ng kayamanan nila. Magiging mayaman na kami. Come on Dora let's go! Nasabi ko na bang idol ko si Dora? Bwahahaha!

       "Hoy bunso anong nginingiti-ngiti mo diyan?"  at nakita ko ang unggoy na mukha ni kuya.

        Nakalimutan ko palang buhay pa ang epal kong kapatid. Kahit talaga kelan napaka epal niya.
   Masama bang tumawa ng mag isa? Masama bang mangarap atsaka masama bang makalimutan kong magsipilyo? Hindi ko naman kasalanan na may mga itim palang dumikit sa ngipin ko. Salamat nalang talaga at puro matatanda ang sakay ng jeep.

   "Ang pangit mo! "  sabi  ko sa pagmumukha niya, mahina ngunit may diin.

   "Ay, nagsalita ang maganda? Pareho lang tayo."   irap sakin ni kuya.

    "Huwag mo akong idamay kasi nasa dugo na ninyo ang pagiging pangit.Huwag mo akong hahawaan."  hmmp nakakainis ka magsama kayo ni Itang kong kalbo!
   

      Hindi ko nalang pinansin si kuya at bumaling sa bintana at pinagmasdan ang bahay na dinadaanan namin.

      Biro lang naman yong kanina hindi pa naman patay ang amo ni itang pero papunta narin doon. Hehehe ang bad ko na pero parang ganun na nga.

       Oh siya tama ng kabobohan. Aktwaly may inaasikaso lang ang amo ni itang kaya si Itang muna ang inutusang magbantay sa bahay nila. Isinama kami ni Itang para daw kumita naman kami ng pers, diba? Kayod kayod rin pag may time. At para lang malaman niyo hindi pa ako sumama kay itang, ngayon lang. Oh diba palakpakan naman diyan. Himala hindi ako tinamad atsaka kelangan ding magsikap dahil mahal na ang bigas. Oh siya tularan na ninyo ako  ang ulirang anak bow--

    ** EEENNNGGKKKKK**

  PUTANG INANG GILIWW!

      Napakapit ako ng mahigpit ng biglang pumreno ang dyip.
      At talagang......nakuuu!!!
Kung nasa unahan lang ako ay kanina ko pa nakurot sa singit ang tsuper na to.

     "Ineng umusog ka."    at kinalbit ako ng katabi ko.

      Umusog naman si ako ng konti. Konti pa naman ang nakasakay kaya maluwag pa.     
     Kaya lang habang palapit kami ng palapit sa destinasyon nami ay siya rin namang parami ng parami ang mga pasahero, nag hahalo na ang amoy pawis, kili-kili at usok.                         
        Grabi nakakasuka. Konti nalang talaga at tataob na tong dyip na to. Parang nakikipag karera kami ni pagong sa tulin ng takbo ng sasakyan. At kung minamalas ka nga naman katabi ko pa talaga ang pinakaayaw kong nilalang sa mundong ibabaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Durang -- Dora The ExporterWhere stories live. Discover now