Chapter 1 ♥

291 11 2
                                    


Suzzette Alonzo ↑

--

Gusto mo ako?” nakita ko ang masasayang ngiti nya sa labi.

Oo ay...hindi pala...mahal na kasi kita” nahiya pa akong tumingin sakanya, pero narinig ko ang napaka saya nyang pagtawa...

Nakaka-tuwa sa pandinig. Ang sarap pakinggan ng tawa nya

Kung ganon. Bakit kaya hindi nalang tayo? kinuha nya ang ilang hibla ng buhok kong nalaglag mula sa pagkakayuko ko sa hiya, at inilagay nya iyon sa likod ng tenga ko sabay sabing “gusto mo naman yon diba?

Biglang kuminang ang mga mata ko na nakatingin sakanya...yung gusto kong tao. Katabi ko sa isang bench sa isang park na puno ng pag-ibig ang paligid. Ang atmosphere. Love! Isa itong panaginip!

Ah eh..oo kaso lang, hindi tayo pwede diba?” tumalikod ako sakanya at naramdaman ko ang paglungkot ng muka nya

Ha? Eh bakit naman?” Napangiti naman ako, gusto nga nya siguro ako.

Eh kasi...gwapo ka, ako parang ipinaglihi sa kapangitan. Ang layo mo sakin. Sikat ka. Ako hindi.” ipinaharap nya ako sakanya.

Eh hindi naman nakukuha ang pagmamahalan sa ganon. Tanggap kita kahit ano pa man ang itsura mo. Hindi basehan yun ng pagmamahalan diba?

Napapaluha ako sa sobrang sayaaaa. Ang sarap sa feeling na alam mong gusto ka ng gusto mo...

Riley...mahal na mah---

Suzzetteeee~ gising na iha! Maaga pa ang pasok mo.” napamulagat ako ng marinig ko iyong boses ni Tita Rene.

Napahawak ako sa muka ko. Panaginip! Isang napaka gandang panaginip!

Halos masilaw na ako sa sinag ng araw ng binuksan ni Tita Rene ang kurtina sa kwarto ko. Alasais palang naman bakit maaraw na? ≥ _ ≤

Nahanda ko na ang breakfast natin, dalian mo na at magayos ka na ha. Bumaba ka nalang pagkatapos mong magbihis. At si cookie din, para mapakain na sya.” tapos lumabas na si tita.

Dinapuan ko ng tingin si Cookie na mahimbing ang tulog. Hayyyy. Thank God it's friday!

Magmadali na akong maligo, pero habang nagtotoothbrush ako, hindi ko mapigilan na hindi kiligin sa napaka gandang panaginip ko.

Feeling ko nasa cloud 9 ako sa pagkakataon na yun. Tama ba yun?! Narinig ko ang mga ganong salita sakanya? Matutuwa na ba ako?!

Eto na ba ang hinihintay kong milagro na mangyayari? Thank you Lord!

Siguro binibigyan na ako ng sign ni Lord na umamin na sakanya. Kay Riley Perez...

Ang pinaka gwapong nilalang na nakilala ko, yung nagpapatibok ng puso ko, yung kinakabahan ako kapag malapit sya, yung nag sstutter ako kapag kausap sya, yung namumula ako kapag nakuha nyang tumingin sa direksyon ko kahit alam kong hindi ako ang tinitignan nya.

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako, medyo dinamihan ko ang paglalagay ng pabango kesa sa nakasanayan. Naglagay din ako ng konting lipbalm at baby powder para medyo maharang yung pimples ko. “Stay put lang kayo dyan mga pimples ha! Wag muna kayong dumami please lang!” pakikiusap ko pa sa mga to. Hayyy nababaliw na ako sa sobrang saya at excited.

Tumingin pa ako sandali sa reflection ko. Ang panget ko talaga. Ang kapal ng kilay, puno ng malulusog na pimples ang muka, chappy lips, maputi naman ako pero di ko makita ang sinasabi nilang “maputi lang kaya maganda”. Hindi ata totoo yun at ako ang patunay dun. Matangkad din ako pero kuba naman, yung buhok ko. Yung buhok kong sobrang hirap suklayin. Parang mapuputol yung kawawang suklay everytime na isusuklay ko ito. Kulot din kasi ako. Hayy tama na nga, baka mabasag yung salamin.

My VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon