Kabanata Thirteen

38K 519 12
                                    

Kabanata Thirteen

     Isang lingo na ang nakakalipas pero hanggang  ngayon hindi ko parin maitanong kay Itay ang tungkol sa napag-usapan namen ni Papang . Sa lingo din na iyon ay lutang ako kaya lagi akong napag-iinitan ni Mamang , dahil sa hindi ko na maasikaso ng maayos si Jean isama mo pa na hindi ko narin maasikaso si Al na isang lingo narin umuuwi ng madaling araw at laging lasing .

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malakas na pagbusina ni Al na nasa harapan na ng gate ng mansion . Mabilis na bumaba ako para puntahan ito sa ibaba . Paniguradong lasing nanaman ito dahil hindi naman ganun kalakas magbusina si Al kapag dumarating siya ng hindi lasing . Alam kong ikakapahamak ko na lumapit ng ganun siya , pero hindi naman tama yung iwasan ko siya ng ganito ang sitwasyon niya . Baka mapahamak pa ito .

" Al ! " tawag ko sa kanya at napatakbo ng makita ko itong palabas ng kanyang kotse at matutumba ito . Mabilis na hinawakan ko siya sa kabilang braso upang alalayang tumayo at hindi sumayad sa sahig 

" B-bitawan  mo--ko " napatili ako nung muntik ko ng mabitawan si Al ng hawiin nito ang kamay ko na nakakapit sa kanang braso niya . Pinilit ko siyang itayo ngunit hindi ko ito kaya . Kaya naglakas loob na akong humingi ng tulong kay manong guard na nasa guard house . Mabilis naman itong tumakbo patungo saken at tinulungan akong buhatin si Al na ngayon ay tulog na yata ,

" Kuya sa kwarto po " tumango ito . Tutulong na sana ako sa pagbubuhat ngunit pinigilan ako nito .

" Ako na po Mam , kaya ko na po si Sir " tumango ako . Sinimulan niya ng pasanin si Al , nung una hindi nito kaya . Dahil may kabigatan si Al , dahil naggy-gym ito .

" Sigurado po ba kayo na ayaw niyo ng tulong manong ? " tanong ko , dahil sa nakikita ko ay nahihirapan si Manong sa kanyang ginagawa .

" Opo Mam " pagkasabi niyang iyon ay namangha ako nang makuha na nga niya itong mapasan sa pangalawang beses . Nauna na siyang naglakad kaya sinundan ko nalang siya at inaalalayan parin si Al sa likuran nito .

Napatitig ako kay Al na ngayon ay mahimbing ng natutulog habang buhat buhat ni Manong Guard . Napatitig ako sa mukha nito na ngayon ay maamo kung tignan . Kailan ko kaya makikita ang mukha na iyan na nakatingin saken ng ganyang kaamo ? . Kailan ka ba kasi magbabago saken Al ? .

Mabilis na inunahan ko si Manong sa paglalakad upang pagbuksan siya ng pinto ng kwarto namen . Agad naman itong pumasok at tumungo sa kama namen . " Dahan-dahan lang po Manong " sabi ko habang inaalalayan si Al na ibinababa ni Manong . Nagpasalamat ako't sinamahan na lumabas si Manong hanggang sa pintuan . Pinuntahan ko ulit si Al at tinanggalan ng sapatos , medyas , kasunod ang kanyang suot na pang-itaas . Nasa pangalawa palang na butones palang ako nung biglang hawakan ni Al ang kamay ko . Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin ito saken .

" My--ra " banggit nito sa pangalan ng mahal niya . Unti-unting lumalapit ang labi nito sa labi ko .

 Mangyayare nanaman ba ang nangyare noon ? .

*

Nagising ako sa sinag ng araw na tumama mula sa mukha ko . Tumingin ako sa katawan ko na ngayon ay tanging kumot na lamang ang bumabalot sa hubad kong katawan . Dahan-dahan akong umupo habang hawak-hawak ang kumot . Bigla na lamang may tumulo na mainit na likido sa pisngi ko dahil naalala ko nanaman ang nangyare kagabi . He's making love with me , pero hindi nanaman ako ang dahilan kung bakit . Pingkamalan nanaman niya na ako si Myra . Kelan ko ba mapapalitan sa puso mo si Myra , Al ? .

A Lifeless Wife ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon