Kabanata Eighteen

50K 567 56
                                    

Kabanata Eighteen

Alfredo's POV

      Kasalukuyan kong kinakausap ngayon ang mga pulis na pinaghingian ng tulong ng mga kaibigan ko , kasama na dito si SPO2 Corpuz , isa sa mga pulis na nakatuklas ng mysteryo sa isang patayan na naganap sa kanilang lugar kamakailan lang .

" Sa ngayon ba wala pang tumatawag sa inyo para humingi ng ransom ? " umiling ako sa naging tanong nito " Kung ganon , kinalulungkot ko na sabihin na ... isa sa mga batang nawawala ang anak ninyo " sabi ng isa sa mga pulis

Naihampas ko ng malakas ang mga kamay ko sa lamesang nasa harapan namen , ramdam ko na hinawakan ako sa braso ni Vera na nasa kanan ko lang " Anong gusto mong palabasin nyan SPO3 Sanchez ... na kabilang ang anak ko sa mga batang kinukuha para ibenta ang laman ? ha ? "

" Huminahon ka Mr Bautista , isa yan sa mga fact na pwedeng mangyare , dahil isa iyon sa mga usong gawain ngayon ng mga taong mga walang magawa sa kanilang buhay " sagot ni SPO2 Corpuz " Wala ka ba talagang natatandaan na naging kaaway mo sa inyong kumpanya para gawin ang bagay na ito ? " umiling ako sa naging tanong nito .

" Wala po talaga SPO2 Corpuz , hindi naman po ako gahaman sa pera para makipag-away pa sa iba ... Pero ang Mamang at Papang po baka meron , sila po kasi ang unang humawak sa kumpanya bago ako " hindi naman sa itinuturo ko sina Mamang at Papang . Pero may kutob  kasi ako na may hindi sila sinasabi saken noon na nangyare sa kumpanya bago nila ito ibinigay saken .

" Maaari ba namin silang makausap ? " tumango ako . Tatayo na sana ako para tawagin sila pero hindi ko na iyon nagawa dahil nasa likuran na pala namin ang mga ito .

" Anong katanungan ang gusto niyong sagutin ko SPO2 Corpuz ? " tumayo naman ang mga pulis at isa-isang nakipag kamay kay Papang at Mamang .

" Marami po Sir , pero maupo muna po tayo " tumango si Papang , kaya umupo sila sa malaking sofa katabi si Mamang " Magsisimula na po akong magtanong " tumango ulit si Papang ng walang pag-aalinlangan " Meron po ba kayong naging kaaway sa kumpanya ninyo bago niyo po ipinasa sa anak ninyo ang responsibilidad niyo sa kumpanya ? "

" Meron " mabilis na sagot ni Papang na ikinabigla ko . Gusto kong magsalita ngunit may pumipigil saken , pagtingin ko sa katabi ko ay ang mukha ni Vera ang nakita ko na nagsasabing ' Hayaan ko muna sila ' kaya yun nga ang ginawa ko . Binalik kong muli ang tingin ko sa kanila at pinakinggan ko na lamang itong mag-usap .

" Sino ang mga ito ? " Mga ? maraming nakaaway si Papang sa kumpanya ? bakit hindi ko alam ito ? .

" Arjon Candelaria at Arvic Reyes " - Papang

" Si Tito ? " hindi makapaniwalang tanong ko , paanong --- tumango si Papang ng walang pag-aalinlangan " Paano ? bakit hindi ko alam ito Papang ? "  hindi ako sinagot ni Papang at itinuon na lamang muli ang tingin sa mga Pulis .

" Tungkol ba sa negosyo ang pinag-awayan ninyong tatlo ? " SPO4 Villarico

Umiling si Papang " Matalik na kaibigan ko silang dalawa , hindi nga kami magkahiwa-hiwalay e dahil para na kaming magkakapatid . Pero isang araw , nagkaroon ng Problema ang kumpanya ni Arjon , kinailangan niya ng malaking pera , humihiram ito saken ngunit hindi ko siya napahiram dahil ganun din ang kumpanya na hawak ko noon , hindi ito naintindihan ni Arjon at akala niya ay nagsisinungaling lang ako sa kanya dahil hindi naman daw halata na nangangailangan ng malaking pera ang kumpanya ko , kaya nagalit ito saken at kinamuhi ako nung tuluyan ng bumagsak ang kumpanya niya . Kay Arvic naman , k-kasalan ko kung bakit namatay ang asawa nito ... P-pero aksidente ang nangyare " lalong nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula kay Papang .

A Lifeless Wife ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon