Kabanata Eleven

32.7K 523 36
                                    

Kabanata Eleven

     Iyak at pagpikit nalang ang nagawa ko pagkatapos akong bugbugin ni Fred sa hindi ko malamang dahilan . Sinalubong ko lang naman siya sa pintuan at nabigla nalang ako ng bigla niya akong pagsasampal-sampalin at ang masama pa doon ay iginapos niya pa ang mga kamay at paa ko at ikinulong sa lumang bodega ng mansion . Hindi ko magawang sumigaw upang humingi ng tulong dahil nakatakip ang bibig ko gamit ang packaging tape .

Ano nanaman bang nagawa ko ? okay naman kami nung isang araw e . 'God Help me ' sabi ko sa isip ko at tumingala mula sa itaas . Pinikit ko nalang ang mga mata ko at tiniis ang kirot na nararamdaman sa mukha at buong katawan ko hanggang sa makatulog ako .

Napasinghap ako sa kawalan at napabangon sa pagkakahiga ng may maramdaman akong malamig na tubig na bumuhos sa mukha ko . Umubo ako at hinahabol ang hininga dahil sa may pumasok sa ilong ko na tubig . Pag-angat ko ng tingin kung sino ang may gawa non , nakita ko ang isang pigura ng isang tao na nakangisi habang nakapameywang na nasa harapan ko na may hawak na isang pitsel . 

Si Ate Badeth .

" There you are " Yumukod ito upang pantayan ako at napabaling nalang sa kanan ang ulo ko ng bigla niya akong sampalin ng malakas " Akala mo siguro , porke pinagtanggol ka ni Alfredo nung isang araw akala mo  mabait na siya sa'yo ? In your dreams ! . Kahit kailan , hinding hindi ka mapapatawad ng kapatid ko ! " sabay talikod niya at isinarang muli ang pinto ng bodega . Nakahinga ako ng malalim ng bigla na lamang naalis ang pagkakatape ng bibig ko kaya nakahinga na ako ng maluwag .

Sumiksik ako sa sulok at niyakap ang sarili ko at patuloy nanaman sa pag-agos ang walang humpay kong mga luha . " Ano bang ginawa ko ? " tanong ko sa sarili ko sa likod ng paghikbi . 

Wala talaga akong matandaan na ginawa ko upang gawin niya saken ito . Sa lahat ng ginawa at pananakit saken ni Al ito ang pinaka masakit at malala sa lahat .

Kamusta na kaya si Jean ? nakatulog kaya siya ng mahimbing ? nakainom na ng gatas ? miss ko na ang baby ko .

Napatakip ako ng mga mata ng biglang bumukas muli ang pintuan ng bodega , nakaramdam ako ng takot kaya minabuti ko nalang na isiksik ang sarili ko sa sulok .

" L-layuan mo a-ako " nauutal na sabi ko habang pilit na sinisiksik ang sarili ko . Napapikit nalang ako ng makita kong lumapit ito saken . Hinihintay kong may dumapo saken na kahit anong bagay pero iba ang naramdaman ko kaya napamulat ako dahil nararamdaman ko ang pagpapakawala sa mga paa ko na nakatali . Nakatitig lang ako sa kanya habang ang tali na ng mga kamay ko ang inaalis niya .

" Your free , makakaalis kana " sabay tayo at lumabas agad ng bodega . Doon lang bumalik ang huwisyo ko . Tatayo at hahabulin ko sana siya kaso bigla na lamang akong natumba dahil nanghihina ako . Naalala ko na wala pa palang laman ang tiyan ko simula nung ikulong ako dito ni Al .

*

Mabilis na nagtungo ako ng banyo at naligo . Pagkatapos ay pumunta ng kusina upang kumain . Hindi ko alam kung gaano karami ang nakain ko . Pagkatapos tumungo na ulit ako ng kwarto upang puntahan ang mahimbing na natutulog pa na si Jean .

Hinalikan ko ito sa pisngi at hinaplos ang mukha . " Para sa'yo baby magiging malakas si Mommy . Kahit anong mangyare hinding hindi kita iiwan " bulong ko sa kanya at muli ay binigyan ko siya ng magaan na halik .

******

Mike's POV

A Lifeless Wife ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon