Mayroon akong lihim na walang dapat makaalam. Kahit sa pamilya ko ay hindi ko sinasabi. Tulala ako ngayon habang nakahiga sa kama ko. Tuwing umaga kapag bubuksan ko ang mga mata ko ay 'yun ang iniisip ko. Nalulungkot ako dahil iniisip ko na baka may malubha na akong sakit at anumang araw ay maari na akong magpaalam sa mundong ito. Kakaiba na kasi ang mga nangyayari sa akin.
Normal paba na maging violet ang menstruation? Unang beses kong makita 'yun ay nagsisigaw talaga ako. Takot na takot ako dahil ang dating kulay pula na dalaw ko ay violet na ngayon. Isa pa, nagiging matakaw na ako pagdating sa mga prutas at gulay na dati-rati naman ay ayaw na ayaw ko. Alam ko namang healthy 'yun pero natatakot na ako sa mga pagbabago sa aking katawan. Pakiramdam ko tuloy ay kinukulam ako o may kawirduhan talagang nangyayari sa akin.
Hindi naman ako pumapayat, hindi rin nanlalata o nagkakaroon ng anumang pagiging mahina ko, pero minsan nagugulat nalang ako na kapag tumitingin ako sa harap ng salamin ay nagiging kulay light violet ang iris ng mata ko at dark violet naman ang pupil. Madalas mangyari 'yun pero kapag kinukurap ko na ang mga mata ko ay bumabalik na ito sa dating kulay nito.
Hanggang isang araw ay bigla akong sinundo sa dorm ko ng buo kong pamilya. Nakakagulat lang dahil biglaan 'yun. Madalang kasi akong umuwi sa bahay namin kaya ng makita ko sila ay naiyak ako dahil namiss ko sila ng sobra! Niyakap ko agad sina Mama, Papa at ang mga kapatid kong sina Kuya Eldrige, Ayana at Guzman.
"Isang linggo nalang at birthday mo na," bungad na sabi ni Mama na kinagulat ko naman. Dahil sa sobrang stress sa buhay ko ay nakalimutan kong magbi-birthday na pala ako. Isa na akong ganap na dalaga sa isang linggo. Ang bilis talaga ng panahon.
"Oo nga po! Muntik ko ng makalimutan," sagot ko ng nakangiti sa kanila pero sa loob-loob ko'y naiiyak ako dahil gustong-gusto kong sabihin sa kanila ang mga nangyayari saakin, ang nararamdaman ko at 'yung wirdo kong sakit.
"Kumusta? May iba bang nangyayari sa'yo? May weird ka bang nararanasan sa katawan mo?" biglang tanong ni Kuya Eldrige na kinagulat ko naman.
"A-anong ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong. Natakot ako dahil baka alam na nila o may nakaalam ng sakit ko at sinabi sa kanila 'yun kaya nandito silang lahat. Nagsimula na akong kabahan.
"Never mind! Malalaman mo naman na din mamaya," saad niya at saka ako nginitian. Dahil doon ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Gumayak ka at uuwi na tayo sa probinsya natin," biglan sabi ni Mama.
"Uuwi na tayo sa bahay natin. Sa tunay na bahay natin," saad ni Papa na lalo kong kinalito. I think may nangyayari sa aming pamilya na hindi ko alam.
"B-bakit po? Paano na ang pag aaral ko dito? Hindi po ako pwedeng umuwi ngayon sa probinsya natin dahil may mga kailangan po akong gawin sa school namin. May mga projects at mga reports pa akong hinahanda." Ano ba talagang nangyayari. Lalo lang akong nai-stress
"Wala ng oras. Hindi na mahalaga ang school mo sa ngayon. May kailangan kang malaman kaya kailangan na nating umuwi sa Chestara," wika ni Kuya Eldridge kaya naguguluhan na ako sa kanila. Ano bang mayroon? May hindi ba ako alam? May tinatago ba sila saakin? Oh, baka naman may suprise silang hinahanda para sa kaarawan ko? I think, kailangan ko nalang silang sundin para walang gulo.
Gano'n na nga ang nangyari. Hinanda ko na ang mga gamit ko at sumama na ako sa kanilang umuwi sa probinsya namin. Katabi ko sa sasakyan ang bunso kong kapatid na si Guzman. Yakap-yakap ko siya dahil miss na miss na miss ko ang isang ito.
"Sana sa paglaki ko ay maging kagaya ako ni kuya Eldridge," biglang sabi ni Guzman. Nangiti ako. Mabuti nalang at ang kuya namin ang iniidolo niya. Alam kong good 'yon dahil mabait, matalino at malakas si kuya Eldridge, kaya naman mabuti ng siya ang gustong gayahin ni Guzman.
BINABASA MO ANG
Flower And Tree
FantasiAng buong akala ni Kalina ay may malubha siyang sakit. Ang mga sintomas na nadarama niya ay hindi pala tungkol sa isang sakit. May sikreto ang kanyang pamilya at nalaman niya lang 'yon ng siya ay dalaga na. Ang pamilya flower ay may mga kapangyarih...