Chapter 3 - Chestara Academy

125 17 2
                                    



Halos lahat sila ay sa akin nakatingin. Pakiramdam ko tuloy ay parang may kasalanan o kriminal ako. Bawat pag hakbang ko ay nakamasid sila. May ilan na nagbubulungan, may iilan naman na nakangiti na tila wine-welcome ako.

"Welcome to Chestara Academy," biglang bati sa akin ng isang babaeng estudyante na mukhang nerd. Tama, nerd nga talaga siya. May malaki kasi siyang salamin, naka brace ang ngipin at kulot na kulot ang buhok.

"T-thank you!" nahihiya kong sagot. Mabuti nalang at may isang estudyante na naglakas ng loob na lumapit sa akin.

"Ganyan sila kapag may bagong salta dito. Lalo na't ang ganda ganda mo pa. Mukhang may katapat na ang bruhildang si Chava," aniya na kinangisi ko.  Seryoso ba siya? Katapat talaga? Saka, sino naman kaya ang Chava na tinutukoy niya at mukhang sa pangalan palang ay mukhang nakakatakot na.

"Sinong Chava?" tanong ko.

Ngumiti muna siya bago sumagot, "Pero bago mo muna siya makilala, syempre ako muna. I'm Ada Calista, pwede mo na akong maging BFF!" aniya na kinatuwa ko naman. Ang weird talaga! Pero, thank God at may kaibigan na agad ako. 'Yun nga lang, mukhang may pagka-weird! Pero, okay lang. Ang mahalaga ay meron, kaysa wala.

"I'm Kalina Flower," sagot ko naman sa kanya. Nakita kong medyo nagulat siya. Alam ko na 'yon. Ganyan naman sila kapag naririnig ang apelyido ko. Bakit ba? Ano bang problema nila sa surname kong Flower? Ang ganda kaya!

"F-flower? As in, bulaklak talaga?!" tanong pa niya na tila hindi talaga pakapaniwala.

"Yup!" maikli kong sagot habang natatawa, yung dalawa kasi niyang makapal na kilay ay magkasalubong. Gulat na gulat talaga siya.

"Oh my gosh! Ang cute!" bigla niyang sabi kaya lalo na akong nagulat. Ang weird talaga! Akala ko ay pagtatawanan niya ako.

"So, sino na si Chava?" tanong ko ulit. Bigla naman siyang sumiryoso kaya nawala na ang ngiti sa mukha niya.

Napataas ang kilay niya bago sumagot, "Siya lang naman ang leader ng mga bitch dito sa Chestara Academy. Siya ang pinakamagandang babae dito at pumapangalawa ang alalay niyang si Portia Roux at ikatlo si Charleigh maxx. Sila ang tatlong babae na magaganda dito. Dapat kang mag-ingat sa kanila dahil bully silang tatlo. Pero ngayon, hindi na ako naniniwalang si Chava ang pinakamaganda dito sa Chestara Academy, dahil dumating na ang tunay na reyna, ang tunay na pinakamaganda at tunay na dapat na magdala ng title na pinakamagandang babae sa Chestara Academy at ikaw 'yon Kalina Flower!"

Tinapik ko siya. Hindi lang weird itong si Ada, bolera pa. Dahil diyan, gusto ko na rin siyang maging kaibigan. Dibaleng weird, ang mahalaga ay mapapatawa niya ako araw-araw.

"Hindi naman ako makikipag-agawan sa title niyang 'yun. Ayoko rin ng gulo at gusto ko nang katahimikan, kaya hayaan nalang natin sila. Saka, ano bang problema nila at nambubully pa sila? Hindi pa ba sila masaya sa kung anong mayroon sila? Like, ang gaganda naman pala nila at mukhang mayayaman. Bakit hindi nalang sila magpakadown to earth at nambubully pa sila? Ang sarap kaya ng tahimik at walang kaaway."

Halos mapanganga si Ada sa mga sinabi ko. Kahit paulit-ulit ko ng sinasabi na weird siya, weird talaga eh. Nakanganga siya ngayon at kumikinang pa ang mga mata habang nakatingin sa akin. Sa totoo lang, maganda naman siya. Mag-ayos lang siya ay sure akong mas maganda pa siya saakin. Pero, hayaan nalang natin siya. Hindi ko pa siya masyadong kilala kaya hindi ko na papakelaman ang gusto niyang trip sa katawan niya.

"Ikaw na, Kalina. Ikaw na talaga! Bakit kaya hindi nila 'yan maisip? Anyway, 'wag na nga natin silang pag-usapan. Nasisira lang ang araw ko. Maging happy ka na lang dahil magiging classmate mo na  ako." Nagulat ako ng sabihin niya 'yon.

Flower And TreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon