Prologue

36 4 2
                                    

Romance.

Action.

Adventure.

Fantasy.

Mistery.

Crimes.

Ito ang mga uri ng libro na binabasa ko. Kinaadikan ko na talaga ang pagbabasa simula bata pa ko.

Paggising sa umaga tanging libro lang ang makikita mong hawak ko. Hanggang sa pagtulog, binabasa ko parin ang mga paborito kong libro.

Kaya siguro sa panaginip ko o kahit kapag nagdadaydream ako, naiisip ko na ako ang bida sa isang mala- fairytale na kwento. O kaya naman isang sikat na detective na lumulutas ng mga mahihirap na kaso.

Syempre di mawawala ang aking prince charming at knight in shining armor. Oo dalawa talaga! wag kayong ano!

Di narin ako magtataka kung bakit nanlabo ang aking lovely eyes. Kaya ayun, salamin ang bagsak ko!

Dahil na rin siguro sa pagbabasa ko na kahit hanggang school e wala akong mga kaibigan. Well, isa siguro yun sa dahilan. Pero ang totoo ayaw lang nila akong lapitan kase naiinggit sila sa beauty ko! Chos! AHAHAHA

Kase naman, di ako nainform na kelangan e mayaman ka para makapasok sa isang prestigious school. Aba! Di ko naman sila masisisi. Pinanganak ata akong may dictionary at kung ano ano pa sa utak ko kaya lumaki akong may alam. Wala naman sa dugo namin ang pagiging matalino e. Sumasagi na ngalang sa isip ko minsan na baka ampon ako eAHHAHAHAHA tapos anak pala ako ng isang billionaire.

Back to the topic, ganon naman siguro ang mga anak mayaman diba?
Porke pera ang dahilan kung bakit sila nakakapasok e pera ang kinakailangan para makapasok na din ako don dibaa?! Aba! Mabulok sila kakalait sakin. Ito lang masasabi ko sa kanila.

Wala akong pake!

Tsaka base sa binabasa kong libro ngayon, ang bida e scholar na nerd na katulad ko ay napasok din sa sikat na school tapos binubully din. Then syempre di mawawala ang mga bully na pogiii. Di na napigilan nung leader ng mga bully ang feelings nya para sa nerd. Syempre bulungan everywhere no! It's a shocking news para sakanila.
Then, malalaman na lamang ng buong school na ang nerd na scholar na schoolmate nila ay isa palang anak ng may-ari ng mga sikat na hotel, restaurant, at iba pa. As usual, ang ending ay sila ang nagkatuluyan.

Haayy. Kahit ilang bese ko 'tong basahin kinikilig pa din ako.

Ngingiti kong sinara ang libro at uminom ng jui---

"Aray naman! Ano baaa?!!" singhal ko sa kapatid kong binato ako ng sapatos. Pawis pa ito na halata mong galing sa labas at naglaro.

Okay lang naman kung magkanda bukol ako e, kaso natapon yung iniinom kong juice sa libro koo! WAAAHH!

"Ate naman e, kanina ka pa ngumingiti dyan. Para kang baliw."
Asar sakin ng kapatid ko.

Aba! Sya pa ang may lakas ng loob para asarin ako a! Kasalanan ko bang nadala ako sa binabasa ko.

Tsaka, masama bang ngumiti?

"Ate, di naman masamang ngumiti e kaso sana naman ngumiti ka nalang kapag may kasama ka o kaya siguraduhin mong walang makakakita sayo. Mapagkakamalan kang baliw dyan e! AHAHHAHA"

"Tekaa, pano mo nalaman yung iniisip ko ha?"

HA, sinasabi ko na nga ba. May lahing alien tong kapatid ko. Teka, kapatid ko ba talaga to? Parang dinampot lang siya sa basurahan e. Naawa lang siguro sila mama at papa.

"Hayy, kung hindi mo naman ba binubulong yang nasa isip mo edi sana walang makakarinig. Sayang talino mo ateAHAAHAHAHA" ani ng kapatid ko

"Tse wag mo nga akong asarin. Kapal ng mukha mo e no! Tsaka ano yon? Binato mo lang ako para asarin ako? Tingnan mo nangyari sa libro ko, iyan pa yung pinakapaborito ko sa lahat!!" sigaw ko.

PandemicWhere stories live. Discover now