1

21 2 0
                                    

Hindi ako makatulog kakaisip don sa sinabi ni mama. Ano ng gagawin ko ngayon? Di na ko magiging isang professional na chef. Haayy

Nagbasa na lamang ako ng favorite book ko. Bigay to sakin dati ni papa nung maliit pa ko. Ilang beses ko na ata tong nabasa pero di talaga ako nagsasawa e. Wala tayong magagawa dyan!

Habang nagbabasa ay unti-unti nakong dinadalaw ng antok kaya isinantabi ko muna ang libro pagkatapos ay humiga.

Tumitug ako sa kisame at inisip kung ano ang mangyayati bukas at susunod.

Di talaga ako makapaniwala don sa sinabi ni mama kani--*zzz*

_____

Pagkamulat ko ay kapatid ko agad ang bumugad sakin. Nakangiti ito at parang excited na excited.

"Ate! Ate! Bangon ka na biliss! Nandyan na si papa. May dala siyang pasalubong para satin" hinigit na niya ako palabas sa kwarto kahit di pa ko naghihilamos. Ayos lang naman siguro muka ko at isa pa dito lang naman ako sa bahay.

Haaayyyy, nandito na nga si papa. Totoo nga yung sinabi kavabi ni mama. Myghadd di pa ko ready ee.

Pagpunta naming kusina ay nakita namin si mama at papa na naghahain na ng almusal. Aba! Mukang mga goodmood 'tong mga to ah.

"Goodmorning ma, goodmorning pa" bati ko sakanila.

"Oh ayan, kumpleto na tayo. Hali na kayo at kakain na. Pagkatapos ninyo ay may bibigay senyong pasalubong ang papa nyo" aya samin ni mama.

Pagkatapos naming kumain ay tumakbo agad si Matt sa sala kasama si papa para kunin yung pasalubong niya. Napakaisipbata talaga non kahit kelan.

Ako? Eto, naghuhugas ng mga plato. Lagi naman. Ako panganay e.

Kasama ko dito si mama. Mukang may sasabihin to a.

"Nak, ngayong nandito na si papa makakapagsimula na kayong maghanap ng trabaho. Mamaya ding tanghali kayo magsisimula." sabi ni mama

"Ha? E pano yun? Di ako ready ma? Tsaka di ba magpapahunga pa si papa?" tugon ko. Grabe naman kase si mama e wala man lang sinabi kagabi.

"Wag kang mag-alala sa mga papeles mo, nakahanda na lahat yon. Tsaka ang papa mo rin ang nagsabi na mamaya na kayo maghanap para daw mapabilis kayong makahanap ng trabaho."

Haaayyy, wala na talaga akong kawala dito. Mukang ready na lahat e. Ano oa nga bang magagawa ko.

" Okay ma, wala na naman akong magagawa e. Maghahanda nalang ako sa taas. Tawagin nyo na lang ako kapag aalis na kami ha. " dumiretso na kong taas para makapag-ready.

Teka, nakapagpakilala naba ako sainyo? Myghaadd. Di nyo naman sinabi e.

Ako nga pala si Maria Rylene Shester Hernandez, 19 years old. 1st year college pa lang ako. Yung kapatid ko naman ay si Matt Gabriel Chester, 12 years old na, pero may pagkaisipbata pa. Halata naman siguro eHAHAHA. Hindi katulad ko, di siya nabiyayaan ng katalinuhan.

So, pagkatapos kong makahanap ng susuotin ko, pumunta na akong banyo para maligo. Ano kayang mangyayari mamaya no?

F A S T F O R W A R D

Ayan, ready nako. Habang di pa ko tinatawag ay nagbasa muna ako para pangpabawas kaba. As usual, yung paborito ko na namang libro yung binabasa ko. Paborito ko to e, wala kayong magagawa!

*kru kruu*

Ano bayan! Amboringg! Baba nga muna ako. Tsaka bibili na rin ako sa tundahan ng pagkain. Kakagutom palang magbasa no?

PandemicWhere stories live. Discover now