Chapter 1
PINATAY KO ANG Bluetooth call, hinahanap ang kapatid ko. Tumama ako sa isang mannequin. It wobbles with me, its arm getting stuck inside my black suit. I almost slip. Dali-dali akong naka-recover at sinamaan ng tingin ang mannequin na parang ito ang may kasalanan ng lahat.
Of course I don't get a reaction back. It's an object. Pero nahuli ko ang isa siguro sa mga may-ari ng shop na masama ang tingin sa akin. Ngumisi ako at kinaway ang kamay ng mannequin. Natanggal ito. Mas sumama ang tingin sa akin ng manager.
"Kuya Freddie, anong ginagawa mo diyan?" sambit ni Fiona ko at lumapit sa akin. "Huwag mo sabihing sa sobrang workaholic at kawalan ng sex life mo, nag-develop ka ng fetish sa mga mannequins?"
I shush her and say, "You could have just signed that."
"Bilang kapatid mo, trabaho kong pahiyain ka," sabi niya habang nagsa-sign language.
"So mature, Fiona," I retort. "Ano na kasi ginagawa natin dito ulit? I canceled going to a meeting so we could go shopping?" Kinumpas ko ang kamay ko sa dalawang white dresses na hawak niya.
Tinaas niya ang isang hanger at tinapat sa kasalukuyan niyang suot na black jeggings at statement shirt. Ganoon din ang ginawa niya sa isa. The dresses are both... puffy. The only difference is that one had too many sequins, and the other one is just plain white.
"May kasal ka bang pupuntahan? At bakit hindi ako invited?"
I try to mull this over. I don't know any friends of Fiona's personally. I don't even know if she really has very close friends. As a software developer, she often works from home or spends most of her time at some cubicle in an office. An introvert. O baka hindi ko lang napapansin na gumagala siya dahil madalas akong wala sa bahay?
Nakatanggap ako ng text mula kay Jerry, ang talent manager ko. Sabi niya kailangan ko raw pumunta sa meeting. Napakunot ang noo ko. Bakit kailangan nandoon si Jerry para sa isang corporate meeting? He would only contact me for stunt and acting gigs.
"Syempre invited ka," sabi niya at binaba ang mga damit. Napabuntong-hininga siya, and she signs: "Sa kasal ko."
"Hah?"
"Sa kasal ko," ulit niya. "We're thinking a small wedding. Ang color motif ay lilac at white."
"Lilac and what?"
"Ang sabi ko white, hindi what," masungit niyang sabi. I know this expression all too well. She's being defensive by being aggressive.
I stare at my younger sister. Nilibot ko ang tingin sa shop. Sa sobrang busy ko sa phone call kanina, ngayon ko lang napasin na hindi lang ito isang simpleng dress store. It's a bridal store. And now she's talking about wedding colors. Her wedding colors?
"Wait — bigyan mo ako ng time," sabi ko at tinaas ang isang daliri. Napakurap ako.
"Sige. Maupo ka muna," sabi niya at nag-iwas ng tingin. Now she's being evasive. She practically sprints towards the back area bringing her wedding dresses. Fuck. Her wedding dress?
Bigla akong nakaramdam ng paghihipit sa akin leeg. I loosen my red necktie and took a seat. I doesn't help. Hinubad ko ang suit jacket ko. Saktong tumunog ang phone ko mula sa suit.
"So, lilac and white?" Fiona asks as she brings another set of — guess what — puffy wedding dresses, worse than the last. "Masyadong cliché?"
"Anong sabi mo?" tanong ko.
"Lilac and white? Cliché?" She looks at me as if asking a reasonable question.
"Hindi. Bago 'yan." Kinumpas ko ang kamay ko na nagsasabing magsimula siya sa simula.
BINABASA MO ANG
Cheesy, Charming & Light-Hearted
ChickLit(TAGLISH) What happens when your life is a rom-com... but you don't even believe in true love? A broken engagement has changed Freddie Rivas. The once big-hearted, lovable stunt coordinator slash is now a suit-wearing, guarded fundraiser. Unlik...