Chapter 2

111 30 87
                                    

Chapter 2


NAPAKUNOT ANG NOO ko sa siksikan ng mga tao sa lobby area ng building. Mukhang tao ng mga media base sa bitbit nilang cameras at microphones. May bumisita na naman yata na celebrity dito sa PCC para kumustahin ang mga bata.

The floor is not designed to accommodate a large group of people. Mayroon itong information desk at lounge seats na may fluffy throw pillows. A coffee machine and water dispenser by the waiting area. Its walls are painted pure ivory with accent colors of yellow cream instead of simple white colors, para hindi ramdam na parang nasa hospital pa rin ang mga patients at amoy lavender air freshener para hindi amoy antiseptic. Kaya kahit naaayon sa mga media ang minimalist design nito, hindi ito para sa kanila.

Hindi lagi pinapapasok ang media sa compound ng PCC. Kailangan ilakad sa paperwork at security. And appointments. Personally, I just don't want them to disrupt the cancer patients. Kahit pa sikat na artista 'yan o politiko.

Tahimik naman ang mga tao sa ngayon. Siguro kung sinuman ang pumasok ay nasa loob na at hinihintay na lang ulit ang pag-alis nito. I push my way through the crowd, earning harsh murmurs and death stares.

"Sikat na artista, sir," sabi agad ni Kuya Mike, head ng security, bago pa ako magtanong. May kinang sa kanyang mga mata.

"Bumisita sa mga bata?"

"Hindi po eh. Dumiretso sa isa sa mga conference rooms. Galing airport daw," kwento nito at minwestra ang media. "Siguro inabangan siya roon tapos sinundan hanggang dito."

"Trust a celebrity to keep a low profile," I mumble sardonically to myself.

Pinag-isipan ko ito. It could be the same meeting na nag-cancel ako kasi baka hindi naman ako kailangan at reasonable naman na puntahan ko ang kapatid ko dahil may emergency raw. Tapos nalaman ko na lang na kasama si Jerry sa meeting? Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Tapos may celebrity na kasama?

"Si Frederich Rivas."

"Siya ba talaga 'yan?"

"Anong ginagawa niya rito?"

Tinapik ko si Kuya Mike at mabilisang nagbigay ng instructions para ma-contain ang crowd sa lobby. Naka-locate naman ang mga patients sa function hall ngayon sa dulo ng palapag. A program for the pediatric patients. Pero pwede pa ring mag-echo ang ingay papunta roon.

"As much as possible sana mailabas sila?" suhestyon ko.

"Nailabas ko na po sila kanina pero unti-unti rin silang pumapasok," sabi niya. "Gusto nila makakuha ng exclusive interview kay Miss Audrey."

"Sino?"

"Si Miss Audrey, sir. Umuwi na siya," sagot nito at ngumiti nang malaki.

Nag-pause ang utak ko pagkarinig ng pangalan niya. Para itong trigger word para sa mga media at unti-unti lumalakas ang mga bulungan nila.

"Mr. Rivas, bakit po kayo nandito? Are you dating Miss Parfan?" tanong ng isa.

"What? No. No. Magkaibigan lang kami. May mga nilalakad lang akong documents dito," mabilisan kong paliwanag. I usually don't mention my nature of work now that I am officially retired from acting at instinct ko maging defensive. "Hindi ko alam na nandito siya. Maybe Jacob is also here," dagdag ko.

"Are you working on a new film with her?"

"Wala akong offers," simple kong sagot.

Nagsimula maging skeptical ang mga expressions nila, na parang nabo-bored na sila. Na parang hinuhulaan nila kung nagsisinungaling ako. Napakibit-balikat ako sa isipan at napangisi. Kahit mas malaki ako sa kanya, bahagya akong nagtago sa likuran ni Kuya Max.

Cheesy, Charming & Light-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon