"Mommy?! Ayoko nga tumira kila lola!" I said. Ayoko talagang tumira kila lola dahil ang sungit sungit ng matandang 'yon.
"Pero kailangan ng lola at lolo mo ng mag aalaga sakanila, kaya please Joyce?" pag mamakaawa ni mama.
"E kung buti na lang na may wifi don at signal, wala naman e"
"Mayroon don, katawagan ko nga lola mo kanina sa telepono e, atsaka may wifi rin don at si tita mo gladys ang nagbabayad non"
Bigla akong naexcite sa sinabi ni mom. Mag aalaga lang naman ako sakanilang dalawa actually not totally alaga, babantayan ko lang talaga sila.
"Ako lang mag isa? Isama mo na kaya si steve" ang kababata kong kapatid.
"Kasama siya, dapat nga siya lang ang ipapapunta ng daddy mo don e, kaso sabi ko baka hindi niya kayanin ang pagbabantay don at baka siya pa ang bantayan ng lola mersy mo" napahalakhak ako sa sinabi ni mama.
Hay nako, for sure magiging masaya ang summer ko lalo na't nasa province ako. Matagal tagal na rin kasi akong 'di nakapunta ron. Wait kaninong nanay at tatay ba ang pupuntahan namin? Hay nako bahala na, tumalikod na rin naman si mama sa'kin at dumiretso na siya sa kuwarto nila dad for sure.
It's almost 11:57 pm na at gising pa rin ako, wala akong magawa kung hindi mag impake ng mga gamit na dadalhin ko sa province nila mama.
Hindi ko pa nakita ang parents ni mommy, kay daddy lagi kami nag sa-summer vacation. Kaya close na close ko ang side ni daddy eh. Ay oo nga pala, si tita gladys? Kapatid pala ni mama 'yon so sa family ni mommy kami mag i-stay.
Natapos na ako mag impake ng gamit ko when my phone's rang. It's 12:30 am na pala, nag aalarm pala ako ng gantong oras para mag cellphone ulit kaso hindi ako nakatulog kanina ng maaga kaya for sure, bukas pa 'ko ng maaga matutulog.
--
The telephone was rang. Nagising ako dahil sa ingay na nang gagaling sa telepono. Every room ay may telephone at naka connect lahat 'to sa salas namin.Agad ko naman itong sinagot, dahil alam kong si mommy 'to.
"H-hello, momm?" inaantok pa kasi ako.
"H-hello mom? dad?" I said again.Nabitawan ko yung telepono ng makarinig ako ng isang bulong. Napaatras ako.
Napaatras.
Umatras pa ako ng kaunti hanggang sa makapa ko ang kama ko.
Parang huminto yung mundo ko when my door was open. Nakita ko ang kadiliman ng hallway sa labas ng aking kuwarto.
Dahan-dahan akong lumapit sa pader at sinimulan ang pag kapa ng pader para buksan at bigyan ng ilaw ang madilim kong buhay este kuwarto.
Kapa....
Asan ba kasi 'yon? Ang tanga tanga ko, sariling kuwarto ko pero hindi ko alam kung asaan ang pindutan ng ilaw.
Kapa....
Kapa pa...
Ayun! Nakapa ko na rin, sandali ba't ang lamig. Pinakiramdam ko 'yon at shit!
Isang....
Isang k-k......
Kamay?!
Agad nitong hinawakan ang aking kamay na ikinahimatay ko dahil sa sobrang takot.
--
Napatayo ako sa kinahihigaan ko, shit ba't asa sahig ako. Hindi mawala sa isipan ko ang nangyari? For sure isang panaginip lang 'yon, isang masamang panaginip.
ISANG BANGUNGOT?!
Nakatulog pala ako dito sa sahig, madilim pa rin katulad ng nasa bangungot ko.