Leonard's Point of View
(Daddy of Joyce)Kakarating ko lang galing trabaho, pagod na pagod ako dahil sobrang daming pasyente ang naidala dito sa mental.
Kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang nurse sa mental hospital. Sanay na 'ko sa mga ganitong tao na tatawa na lang bigla kahit walang kausap.
Napag usapan na rin kasi namin ni Jenny na papuntahin ang dalawa naming anak doon sa kamag anak niya.
Natatakot ako, baka sakaling may mangyaring masama sa kanila. Pa'no na si steve?
Oo, favoritism ang nangyayari ngayon sa pamilya ko. Mas malapit ang puso ko kay steve kaysa sa ate niya. Si jenny naman ay mas malapit ang puso sa anak naming babae which is si joyce. Parang girl to girl nga at boy to boy.
Ika sampu na ng gabi ng maisipan kong humiga, wala si jenny dito dahil sinisimulan niya ng kausapin si steve.
Pumikit ako ngunit gising ang diwa ko. May mga yapak na pumasok sa kuwarto namin. Hindi ko na lamang pinansin iyon at nagpatuloy sa pag tulog.
--
Naalingpungatan ako dahil sa malakas na pagbukas ng pinto, dumilat lang ako saglit at pumikit na ulit.
Grabe talaga itong si jenny kung magbukas ng pinto, apaka sakit sa tainga.
Nakatalikod ako saaming pintuan at kaharap ko ang cellphone ko , 11 pm pa lang pala.
Nagbigay ako ng space para kay jenny, siya ang malapit matulog sa pintuan.
Narinig kong umupo ito sa table dahil rinig nito ang pag lakad ng paa ng upuan. Kumudkod ito sa sahig dahil sa paghila ni jenny.
Naramdaman kong umupo na ito sa upuan, magpapatuyo ito ng buhok dahil kakaligo lang nito.
Nakapikit pa rin ako at pinapakiramdanan ang bawat kilos na ginagawa ni jenny.
Lumubog ang kinahihigaan ko, for sure tumabi na sa'kin 'yon.
"Hon, sorry nakatulog agad ako e, naalingpungatan ako dahil sa sobrang ingay ng pagbukas ng pinto"
Ngunit isang salita wala akong narinig, yumakap na lamang ito sa'kin. Siguro okay lang sakanya na late na ako nakauwi at kaya niya ako niyakap dahil nagising ako sa kanya.
Hinawakan ko yung kamay niya at sobrang lamig nito, sabagay kakaligo niya lang kaya malamig.
Ipinatong niya na rin ang paa niya sa'kin tila bang nasasakal na 'ko sa higpit pero ganyan kasi talaga si jenny.
Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagpatulog. Kahit kailan talaga ang gulo matulog nitong si jenny.
--
Nagising na naman ako dahil nasasakal na talaga ako sa yakap niya.
"Hon, masyado ng mahigpit ang pagkakayakap mo" hindi ko siya nililingon.
Ni isang salita man lang ay wala akong narinig sakanya.
My phone was rang? For sure kasamahan ko 'to sa hospital na si Dr. Podillon. Ano na naman ang problema nitong Dr. na 'to?
Ngunit ng tinignan ko ito.
N-nakita k-ko a-ang pangalan ng asawa ko?!! A-ano 'to? Diyos ko.
Sinubukan ko itong sagutin baka si joyce lang 'to.
"H-hello joyce?!" sinigawan ko na siya dahil ang lakas mang asar.
"Hskjcjdnejffkhahejfofjahejfjc daddybsjdjdj??"