My mind wants to let him go, but my heart won't.
___
Aleisha's POV
"Manong, dito nalang po." paalam ko sa driver ng taxing sinasakyan ko. Pagkaabot ko ng bayad ay agad din akong bumaba.
Wala sa sariling napatingin ako sa hawak kong lunchbox, nandito ako ngayon sa labas ng matayog at magarang gusali ng Del Luca Group of Companies para hatiran ng pagkain ang asawa ko, si Xavier.
Naglakad na ako papasok sa entrance ng building at nang makapasok na ay dere-deretso akong sumakay sa elevator, I pressed the 64th button na siyang kinaroroonan ng opsina ng asawa ko. Kahit kinakalma ko na ang sarili ay hindi ko parin mapigilang kabahan.
Naka-private lang ang kasal namin dahil na rin sa kagustuhan ni Xavier na itago ito sa publiko at sa mga tao. Well, hindi ko naman siya masisisi, he's a well-known young successful business tycoon in Asia afterall, he's the standard, and having that kind of reputation gained him so much respect specially in the Business World, at ang isang kagaya ko ay hindi nakakaproud para sa kanya. He completed his Industrial Engineering degree in University of Oxford, samantalang ako ni hindi na nakapagtapos ng kolehiyo, wala akong maipagmamalaki sa mga tao.
Limitado lang ang mga naging bisita sa kasal, mga taong malalapit sa kaniya, pamilya ko at syempre ang pamilya niya, kahit nga empleyado ng sarili niyang kompanya ay hindi alam na may asawa na pala siya.
"Nakita mo ba si Ms. Samantha Sloviski kanina? Ang sweet nila ni Sir Xavier!" Tila kinikilig na hiyaw ng isang babaeng kasabay ko ngayon dito sa elevator habang kausap ang kasama nito.
Napakunot ang noo ko, sinong Xavier? 'Yung asawa ko ba ang tinutukoy niya? at teka- si Samantha?
Bigla akong nanlamig ng maalala ang pangalan ng babaeng 'yun. This can't be true!
"Oo nga eh! Bagay na bagay sila, siguro kung magkaka-anak sila ay ang gaganda at gagwapo ng mga magiging anak nila!" sang-ayon naman ng kasama nito, bakas rin sa boses ang kilig kagaya ng babaeng kasama nito.
"Sigurado 'yun 'no, nakakainggit nga eh, ang ganda ni Ms. Samantha." puri ulit ng babae, bakas ang inggit sa boses.
"Hay, kaya nga siguro mahal na mahal 'yun ni Sir Xavier eh, nakaka-inggit nga. Nakita mo yung ngiti ni sir kanina? Grabe mas gumagwapo pala siya tuwing ngumungiti!" kinikilig na puna ng babae habang papalabas na ang mga ito sa elevator.
Bigla akong napatulala, umuwi na pala siya? Agad akong napahawak sa puso ko ng biglang bumilis ang tibok nito. Kung ganon, 'yun pala ang dahilan kung bakit matagal siyang umuuwi at kung minsan ay hindi na nakakauwi sa bahay namin?
Sa isiping 'yun ay hindi ko maiwasang masaktan, hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako pero agad ko din itong pinunasan ng marinig ang tunog ng elevator, hudyat na nandito na ako sa destinasyon ko. Mabuti nalang at mag-isa lang ako sa elevator, kasi kung nagkataong may kasama ako ay baka akalain nilang nababaliw na ako dahil sa pag-iyak ko nalang bigla.
Nang bumukas na ay agad din akong lumabas.
"Jennie, Si Xavier?" Tanong ko sa sekretarya ng aking asawa nang makarating ako sa table nito.
"M-Mrs. Del Luca..." mahinang sambit nito at bakas ang pagkabalisa sa mukha, kung may nakakaalam man na kasal na si Xavier dito sa kompanya niya ay ang sekretarya niya ito, may asawa na si Jennie at may tatlong anak, siguro mas matanda siya sa'kin ng mga tatlong taon.
"Andiyan ba siya sa loob?" Tanong ko ulit, may sakit ba 'to? Bakit parang namumutla siya?
"K-kasi ma'am ano... ano kasi... si a-ano..." 'di na niya natuloy ang sasabihin niya pa sana ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Xavier, kaya napalingon ako roon, bagay na hindi ko na sana ginawa pa. Seeing Xavier's happy face broke my heart into pieces, ngayon ko lang kasi ito nakitang ngumiti ulit, at nasasaktan ako sa katotohanang ang katabi nito ngayon lang ang kayang magpangiti sa kanya ng ganon, napaka-sweet nito sa kasama niyang walang iba kun'di si Samantha Sloviski, ang babaeng mahal niya.
BINABASA MO ANG
My Bastard Ex-Husband (COMPLETED ON DREAME)
RomanceHave you ever love someone to the extent that you can do whatever it is just for his own good? Iyong martir na klase ng pagmamahal na kahit nasasaktan kana ay hindi ka pa rin sumusuko. 'Yong kahit pinagtutulakan ka na niya palayo ay pilit ka pa ring...