I am in pain, but what can I do?
I am prisoned by my love for him.
And I don't have any idea
how to escape from it.___
Aleisha's POV
KINABUKASAN, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, kaya naman bumangon na ako at tinignan ang wall clock na nakasabit.7:34 AM palang ayon sa orasan.
Umalis na ako sa kama at inayos ang higaan ko bago pumanhik sa banyo para maligo at maglinis ng katawan.
Nang matapos ay nagbihis na ako, isang puting loose shirt at black na short shorts lang ang napagpasyahan kong isuot bago bumaba.Habang bumababa sa hagdan ay wala sa sariling napatingin ako sa malaking picture frame kung saan nakalagay roon ang wedding picture namin ni Xavier. I looked so happy in the picture kahit pa nga maliit na ngiti lang ang nakapaskil sa labi ko, bakas kasi sa mga mata ko ang tuwa, while Xavier's face on the other hand looks cold and emotionless.
Napangiti nalang ako ng mapait ng maalala ang dahilan kung bakit galit na galit si Xavier sa'kin, at ang dahilan kung bakit ako ikinasal sa kanya. Napadako ang tingin ko sa pinto ng kwarto nito.
Malamang hindi na naman siya umuwi, hinintay kong umuwi siya kagabi dahil nagluto ako ng paborito niyang chicken caldereta ngunit alas-dose na ng madaling araw ay wala parin siya, kaya naman natulog nalang ako at hindi na hinintay pa ang pag-uwi niya.
Siguro magkasama sila ni Samantha kagabi. Sa ideyang 'yun ay nilukob na naman ng sakit ang puso ko. Bakit pa siya bumalik? Bakit pa ba bumalik si Samantha sa buhay niya?
He must be really happy right now dahil kasama niya na ang babaeng mahal niya after a year, am I that selfish kasi pinapahirapan ko siya? Pwede ko namang ipa-annul nalang ang kasal namin, because this marriage isn't working anyway. I am just making it hard for the both of us, at parang ako pa ang naging kontrabida at hadlang sa pagmamahalan nila. Pero hindi ko magawang ipa-unnul nalang ang marriage namin, kasi naniniwala parin akong mag-wowork 'to, kahit napakaimposibleng mangyari pa ang bagay na 'yun. Hindi ko rin kayang ipaubaya nalang si Xavier kay Samantha, dahil alam ko ang pakay ng babaeng 'yun. Kung ano man ang binabalak niyang gawin, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang hadlangan ito. Kung nagawa ko siyang pigilan dati, magagawa ko rin 'yun ngayon.
Tuluyan na akong bumaba ng hagdan at dumeretso sa kusina, simple lang ang lulutuin ko ngayon, tutal wala naman si Xavier. Siguro tapos na 'yun ngayong kumain kasama si Samantha, ipinilig ko nalang ang ulo ko para mawala ang mga isipin namumuo sa utak ko, mga isiping masasaktan lang ako.
Itlog, hotdog, bacon at fried rice lang ang niluto ko. Habang naghahanda ng plato at baso ay muntik ko nang mabitawan ang mga 'yon dahil sa gulat.
Sa hamba lang naman ng pinto nakasandal ang lalaking kanina pa laman ng isipan ko. Sa suot niya ngayon ay mukhang kakatapos lang nitong mag-jogging na lagi nitong ginagawa araw-araw.
Naka-jogging pants ito na kulay itim at puting loose sando at rubber shoes habang may nakasalampak na earphones sa isang tainga, may dala rin itong bottled water. At ang hot lang nitong tignan, dagdag pa dito ang maliit na butil ng pawis na tumutulo sa gilid ng noo niya pababa sa leeg at-
"Stop staring at me like an idiot, bitch." Masungit na sita nito habang magkasalubong ang kilay. Para namang kinurot ang puso ko sa itinawag niya sa'kin. I'm just an idiot and a bitch to him. Pero hindi ko siya masisisi kung bakit ganito nalang trato at tingin niya sa'kin.
Kung mayroon lang sana akong lakas ng loob upang magpaliwanag sa kanya, at kung hahayaan niya lang sana akong magpaliwanag, baka sakaling maintindihan niya ako at ang naging desisyon ko. Pero kung sakali mang magpaliwanag ako sa kanya, maniniwala ba siya?
BINABASA MO ANG
My Bastard Ex-Husband (COMPLETED ON DREAME)
RomansaHave you ever love someone to the extent that you can do whatever it is just for his own good? Iyong martir na klase ng pagmamahal na kahit nasasaktan kana ay hindi ka pa rin sumusuko. 'Yong kahit pinagtutulakan ka na niya palayo ay pilit ka pa ring...