Prologue

10.8K 156 6
                                    

Suffering is the ancient law of love; there is not quest without pain; there is no lover who is not also martyr.

-Henry Suso-

______


MALAKAS ang kabog ng puso ni Aleisha habang papalapit kay Xavier, ang lalaking mapapangasawa niya, katabi nito ang Judge na siyang magkakasal sa kanilang dalawa. She's wearing a above the knee white lacy dress that perfectly hugs her well figured body.

Pero mas masarap ata kung totoong wedding gown ang suot niya, mas maganda sana kung sa simbahan gaganapin ang kasal nila, at higit sa lahat, mas masaya sana kung mahal din siya ng lalaking pakakasalan niya. Pero hanggang sana nalang ang lahat ng iyon. She smiled bitterly. Today is her wedding day, the day where she, Aleisha Vienne Gonzales, will marry the hot and dashingly handsome sole heir of Del Luca Group of Companies, Xavier Dreik Del Luca.

She should be happy right? She should be jumping in joy, she should smile widely while walking towards him, the man she loves. Many woman would kill just to be in her shoe right now. Xavier is a good catch. Filthy rich, hot, handsome, and freaking intellegent, people called him 'Mr. Perfect', but she can't, paano nga naman siya ngingiti kung alam niyang kinamumuhian siya ng lalaki?

Bawat hakbang na ginagawa niya ay parang punyal na tumatarak sa puso niya. This is not her dream wedding, kahit kailan ay hindi sumagi na isipan niya na magiging ganito kalungkot ang kasal niya, na sa ganitong lugar gaganapin ang isa sa pinaka-importanteng pangyayari sa buhay niya. Pakiramdam niya ay nasa burol siya. She dreamt her wedding to be like the disney princesses' wedding ceremony, 'yon bang maraming tao, lahat masaya, lahat may ngiti sa labi, and then she will wear the most beautiful gown ever made, she'll walk in the grandiose aisle full of white and red roses, her favorite. And then she'll walk there slowly together with her parents. And in the altar, her soon to be husband will be waiting for her, smiling lovingly at her like she is the most beautiful woman he'd ever seen.

But her dreams are just too impossible. Too impossible that even in her dream, it will never happen.

The room is cold and silent, no one dares to make even just a single noise. Xavier's friends that used to be so noisy shut their mouth. Limitado lang ang imbitado sa kasal nila, just her and Xavier's family, though Xavier's close friends are present.

Her heart beat painfully when her eyes landed on Xavier who arrogantly standing few meters away from her, ang mukha nito ay pawang nagdadamot ng emosyon, his face was emotionless but his eyes were filled with anger and disgust for her.

Napayuko siya ng magtama ang mga paningin nila ng lalaki, kahit kailan siguro ay hindi na siya masasanay sa klase ng titig nito, her legs wobbled just upon feeling his powerful intimidating presence. Sa uri ng tingin nito sa kanya ay parang sinasakal na siya nito sa isipin.

Nakayuko lang siya habang binabaybay ang walang ka deko-dekorasyong daan. Bakit nga naman mag-aabala pa na lagyan ng palamuti ang paligid? This wedding is nothing important anyway. Kung hindi lang sana siya pumasok sa silid na 'yon, kung hindi lang sana niya tinulungan si Xavier na dalhin ito sa silid nito, these would never happen.

Pero ano pa nga bang magagawa niya? Xavier's grandfather is unstoppable. Sarado na ang isipan nito sa kung ano pa mang pakiusap at eksplinasyon niya tungkol sa nasaksihan nito sa silid ni Xavier ng madaling araw na 'yon. At wala silang magagawa pa kundi ang sundin ang nais nito, ang panagutan siya si Xavier, na kung tutuusin ay wala naman talaga itong dapat panagutan sa kanya.

Ngunit kahit gaano man kalungkot ang mga nangyayari ngayon ay may saya parin siyang nakakapa sa puso. Xavier is her ultimate crush-the love of her life, kung may natupad man sa mga pangarap niya ay 'yon ay ang maikasal kay Xavier, kahit pa nga hindi sa ganitong paraan niya gusto maikasal sa lalaki ay masaya parin siya.

Mabilis ang mga naging pangyayari, ni hindi nga niya namalayan na kasal na sila ni Xavier, walang wedding vows, tanging 'I dos' lang ang meron. Walang palakpakan at wala ring kiss mula sa groom-sa asawa niya. Everything is like a deal, a business deal.

Wala siyang makitang ngiti mula sa pamilya niya, bagkos ay mapangutya at nangmamaliit ang mga tingin nito sa kanya mula sa step-sister at mother niya. Though nakangiti naman ang pamilya ni Xavier, mga kaibigan nito at ang lolo ay halata namang kaakibat ng mga ngiti na 'yon ay lungkot at pag-aalinlangan. Kung bakit? Alam naman kasi ng mga ito ang totoong dahilan kung bakit sila ikinasal ni Xavier, what she and Xavier had is a loveless marriage-no, may love palang involve, an unrequited love nga lang, dahil sa kanilang dalawa ni Xavier, siya lang ang nagmamahal.

"You'll pay for this you bitch, I'll make sure you won't feel happiness ever again, what you'll feel will be sorrows and regrets, I'll make sure of that. Welcome to hell my fucking wife." Xavier whispered dangerously, hatred and anger are visible in his very own voice that made her heart beat erratically yet painfuly before he hop in into his car and drove away, away from her.

Nakaalis na ang lahat ng mga bisita pati na rin ang pamilya nila, tanging siya lang ang naiwan sa lugar na pinangyarihan ng kasal nila. Tulalang tinanaw niya nalang ang pagharurot ng sasakyan nito palayo, as a single sorrowful tear rolled down in her cheek.

Masakit, sobrang sakit na parang pinapatay ang munting puso niya sa sakit. All her life she just wanted to be love, by her family and most especially by the man she love, Xavier.

Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to sa kanya?

Bakit kailangan niya pang masaktan at danasin ang lahat ng ito? Kung ang tanging hiling niya lang naman ay ang mahalin ng lalaking mahal niya. Kalabisan na ba iyon?

Masyado bang mahirap ibigay ang bagay na 'yon?

Siguro naman matututunan din siyang mahalin ni Xavier diba? Baka may pwede pa siyang gawin upang mawala ang galit at poot nito sa kanya.

Maraming paraan upang maging maayos sila ni Xavier, at 'yon ang gagawin niya. Gagawin niya ang lahat upang mawala ang galit ng lalaki sa kanya, gagawin niya ang lahat upang mahalin siya nito, kahit pa nga maubos siya at wala ng matira sa kanya ay ayos lang, basta para sa lalaking mahal niya, gagawin niya ang lahat.

My Bastard Ex-Husband (COMPLETED ON DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon