Chapter 7.1:
I'm a Bad Girl!
[Tricia's POV]
Halos wala pa din akong tulog dahil sa sobrang excitement ko kagabi. Pero maaga pa din akong gumising at nag-ayos ng sarili para hindi ako malate sa exam ko. Madalas kasi, sakit ko na ang pagiging late eh. Pero sa pagkakataon ngayon ay hindi ako pupwedeng malate!
Maaga akong dumating sa café mga 8:30 a.m. pa lang ay nandito na ako. Hindi naman ako masyadong excited 'no! As ussual si manong guard ulit ang nadatnan ko sa harap ng café. At itinuro niya sa akin kung saan ako mag-eexam.
Pagkapasok ko sa room may mga ibang applicants na din ang naghihintay sa loob. Grabe lang sila makatingin ah! Parang reading ready sila na sunggaban ako anytime. Mukhang mas excited pa nga sila kesa sa akin eh. Pero isa lang masasabi ko...
mas maganda ako sa kanila! hihi ^___^
Sampu lahat ng seats sa loob ng room. Four seats sa first and second row. At dalawang seats sa last row. Yan ang arrangement ng seats.
And unluckily, occupied na lahat ng seats sa harapan. Pero may nakita naman akong vacant seat na nasa bandang dulo.
Nagdiretso ako sa seat na nakita ko.
"Hi! Is this seat taken?" i asked the girl na naka-upo sa tabi nung vacant seat. She just looked at me blankly and then she raised her eye brows.
"Obvious naman na walang naka-upo di ba? Malamang vacant pa yan. Duh!" she answered at inirapan nya pa ako.
What's up with this girl?! I asked her nicely naman ah! Pwede naman sagutin din ng maayos yung tanong ko. Anong problema mo?! Grrr!
"Tusukin ko mata mo dyan eh. Makita mo." I mumbled as I take the seat.
"Saying something?!" She faced me. Hala! Narinig ba niya yung sinabi ko?
"I said Thank you..." And I gave her my fake smile. "kaya lang may pagpkabingi ka pala eh. Hindi mo naman sinabi kaagad sana nilakasan ko." dugtong ko.
"What?! Ano ulit 'yon?!" tanong niya ulit sa akin.
"Ay? Bingi nga ang lola mo. Gusto pa inuulit?" sagot ko sa kanya. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit. Haha tagumpay Tricia! Tagumpay! *evil laugh*
Napatayo siya sa galit. "How dare you! For your information hindi ako bingi! At isa pa, sa ganda kong ito ano ang karapatan mong tawagin akong lola?!" maganda daw?? Nasaan ang sinasabi mong ganda 'te?
I smiled at her. Yung tipong mapang-asar na ngiti. At sinagot ng pamatay na...
"Okay!" And I'm 100% sure, asar na asar na yan. Tapos umupo na ako ng ayos at naglagay ng earphones.
"Hoy! Kinakausap pa kita! *blah* *blah* *blah*" Tuloy lang siya sa pagtatalak niya sa akin habang ako naka-smile lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
When Love Strikes: Undying Love
Teen FictionWould you take the risk of hurting just to fight for your undying love? Hangang saan mo kayang magpakatanga para sa taong mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya kahit may mahal na siyang iba? Kailan nga ba dapat lumaban at kailan dapat bumitaw? This is a...