ANG SIMULA
Walangya naman! Katatapos lang ng unang araw ng prelims namin pero heto kami, sa Sane Bar agad ang punta. Ayoko talagang sumunod dito eh. Pambihira! Akala mo mga wala nang exam bukas. Ang lalakas ng trip.
Axel:
Dito kami sa taas broPumasok ako sa loob pagkabasa sa text ng kaibigan ko.
Pag-akyat na pag-akyat ko sa second floor may tatlong bote agad ng tequila na nakapatong sa lamesa namin. Tangina naman! Anong trip ng mga to? Magpapakamatay ba sila sa alak?
"Pre, baka naman nakakalimutan nyong may exam pa tayo bukas." Sabi ko ng maupo sa couch malapit sa railings. Tanaw ko mula dito yung dance floor. Dami ng nagsasayaw. Saya saya nila samantalang ako dito iniisip kung anong oras na naman ako makakauwi. Pambihira sumasakit ulo ko dito sa mga kaibigan ko. Alam naman nilang hindi ako mahilig uminom.
Kinalabit ako ni Ramon. Akala ko kung ano, yun pala ibibigay lang yung shot ko. Kinuha ko sabay inom agad. Tangina ang taas! Ibinalik ko yung shot glass at muli akong tumingin sa baba. Nagbabakasakaling mabaling muna sa iba yung atensyon ko. Tapos sakto bigla akong may nakitang maputing babae.
Pucha para akong manyak dito!
Sobrang puti kasi! Feeling ko kumikinang yung babae lalo na kapag natatamaan ng ilaw. Ibang klase! Hila hila siya nung kasama nyang maliit na babae papuntang dancefloor.
Hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya. Natutuwa akong panoorin sya habang nakikipagsayawan sa mga kaibigan nya. Tapos bigla na lang siyang napatingin dito sa taas. Kumunot yung noo niya nung makita niya akong nakatingin sa kanya. Nung medyo tumagal bigla siyang nag-iwas. Napangiti ako. Hinihintay ko kung ibabalik niya ba yung tingin nya sakin kaya lang itong epal na si Axel hinarang yung shot glass sa tinitignan ko.
Tangina naman kakashot ko lang!
Kinuha ko ulit tapos mabilis na nilagok. May dumating na mga babae at tumabi samin. May dala silang red cup na may lamang beer. Kinuha ni Axel yung red cup dun sa dalawang babae tapos biglang binuhos sa ibaba.
Ang gago, puta!
Mabilis kong kinuha yung red cup sa kanya at tumingin sa ibaba. Hinanap ko yung babae tapos nakita kong nabuhusan sila ng alak. Basang basa yung damit nya.
"Sorry guys!" Sigaw ko sa mga tao tapos kita ko syang abala magpunas sa sarili nya.
Tinulungan sya nung mga kasama nya. Yung isang lalaki, di ko alam kung kakilala nya o kaibigan, tutulong sana sa pagpunas pero kinuha nung maliit na babae yung panyo tapos sya na yung nagpunas. Mabuti naman! Tsatsansing pa eh.
"Sinong tinitignan mo?" Tanong ni Ramon.
"Wala ah,"
"Uy si Asia yun ah! Gago nabuhusan pala siya," sabi nito sa makahulugang tono.
"Bat kilala mo?"
"Bat bawal ba?"
"Epalog."
"Mga natututunan mo sa kapatid mo, e, no? Tropa ko mga pinsan nyan ni Asia. Schoolmate natin yan. Lower batch. Crush mo? Cute nya no?" sabi nito.
Di ako makaoo kasi aasarin ako ng tarantadong to pero totoong cute yung babae. Di nga lang cute eh.
"Luh, epalog ka talaga."
YOU ARE READING
Brighter Than The Sun
Teen FictionJericho Tobiano has always thought, he's stuck between trying to live his life and trying to run from it. He doesn't know where exactly to fit until Antanasia Belleza came into his life, making him do things. Crazy and stupid things... just to get t...