BTTSKabanata 3
Kung wala akong gagawin, hindi ko makukuha agad yung ID ko. Paano ako papasok next week kung wala yun?
So while I was watching a movie, I decided to chat with Jericho. Alam ko naman yung FB account nya. I will just message him and tell him to return my ID. Ganun lang.
Pi-nause ko muna yung pinapanood ko, at kinuha yung phone ko.
I went to his account and clicked the message button. When it appears, nakita ko na may request message na pala sya sakin. Ang dami niyang chat!
Jericho: Hi Asia!
Jericho: Huy! Si Echo to yung nanghiram ng ID mo kanina. Sorry na hindi ko naibalik agad hehe! Nung bumaba kasi ako wala ka na sa waiting shed.
Jericho: Salamat nga pala
Jericho: Asia, pansinin mo naman ako hehe
Jericho: Punta ka sa message request para makita mo chat ko
Jericho: Uy, babalik ka ba sa Monte bukas? Last day ng exam namin. Hintayin kita para maibalik ko yung ID mo :)
Jericho: Please reply ka
Jericho: Pero kung hindi mo mapansin chat ko hintayin pa din kita bukas. Lunch 12NN. Sa Admin Office para masubmit na natin yung application form :)
Natawa ako sa mga chat nya. Kanina pa yung hapon. Sobrang dami nyang chat. I kind of feel relieved kasi mukhang naging ok naman yung exam nya kahit na medyo naiinis ako. Nagsorry naman sya kaya ok na yun. Naisip ko din na baka kung sakin naman nangyari yun, exam day tapos nawawala yung ID ko, baka maisip ko ding manghiram na lang ng ID.
Asia: Hi Jericho! Ok, tomorrow 12NN at the main entrance, please. Hindi ako makakapasok. I don't have my id with me remember?
Pagkatapos kong magreply, chinat ko si Shana.
Asia: Shana, samahan mo ko sa Monte bukas.
Shana: Bakit?
Asia: Kunin ko yung ID ko kay Jericho. Tapos magpapasa ako ng application for student assistant.
Shana: Sus. Ok.
Asia: Sungit mo! Salamat. See you tom
Shana: See you
Bago ako bumalik sa pinapanood ko tinignan ko yung reply ko kay Jericho. Ilang minuto na yung nakalipas pero hindi nya pa din nababasa yung reply ko. Mababasa naman nya iyon.
Kinabukasan maaga akong nagising kaya may spare time ako para linisin yung kwarto ko bago pumunta ng Monte. While having breakfast, binasa ko yung reply ni Echo. Nagreply pala sya kagabi. Binati nya ako ng good morning kaya binati ko din sya. Hindi ko na sya masyadong nareplyan dahil nag-ayos na ako/ But we both agreed to meet at the main entrance.
Nang dumating ako ng Monte, tinext ko si Shana na nandito na ako. Hindi sya nagreply kaya sa tingin ko nagmemeeting pa sila ng mga kagrupo nya. Chinat ko na din si Echo para ipaalam na nandito na ako. Nakita ko naman na nabasa nya agad yung chat ko.
I was waiting in front of the main entrance when I felt someone lightly poking my shoulder. Pagtingin ko ko sa likod ko at nakita si Echo na nakatayo.
"Uy, hello!" Sabi niya.
I kind of felt awkward because I don't know why he's smiling while looking at me. Tumingin na lang ako sa soot nyang ID. Soot nya pa yung ID ko. Napansin nya naman yun kaya mabilis niyang tinanggal sa ID lace nya at ibinigay sakin.
YOU ARE READING
Brighter Than The Sun
Teen FictionJericho Tobiano has always thought, he's stuck between trying to live his life and trying to run from it. He doesn't know where exactly to fit until Antanasia Belleza came into his life, making him do things. Crazy and stupid things... just to get t...