BTTSKabanata 1
I am so frustrated!
Umakyat ako sa kwarto pagkarating ko sa bahay para magbihis. Kakauwi ko lang galing Montessori University. Nagpunta ako ng Monte para sana magapply bilang student assistant. Nakumpleto ko yung requirements na kailangan. Isusubmit ko na dapat kaya lang may lalaki na biglang humarang sa akin kanina.
Actually natatandaan ko sya. Nagpanggap lang akong hindi sya kilala nung magkakasalubong kami kasi nakita kong nakatingin sya sakin. Kumakain kaya ako nung bigla na lang syang humarang sa dinadaanan ko. Nakakahiya pa kasi nakita nyang may dressing sa gilid ng bibig ko.
Siya yung lalaki sa Sane Bar. Sya yung nakatingin sakin kagabi mula sa second floor ng bar. Kagabi hinila nya ako, ngayong araw naman hinarang ako. Hinarang nya ako para hiramin yung ID ko. Ang sabi niya exam nya daw ngayon at kailangan nyang makapasok para makapagtake ng exam. At para makapasok sya, kailangan nya ng ID. At dahil wala yung ID niya naisip niyang hiramin yung ID ko.
Hindi niya ba alam na golden rule sa Monte ang "No ID, No entry". Hindi ka makakapasok ng building kapag wala kang soot na ID. I doubt that he doesn't know that. He's maybe a Junior or Senior. Kasi sila lang naman ang may exam ngayong week. He's a student here so hindi pwedeng hindi niya alam yung rule.
Ang sabi niya sakin kanina malalate na daw sya sa prelims nila. Ayoko sanang ipahiram yung ID ko, mamaya bigla syang mahuli. So pag nangyari yun madadamay ako. Kaya lang naisip ko din na baka nang dahil sakin hindi sya tuluyang makapagexam, worst case baka dahil sakin bumagsak sya. Kaya naman ipinahiram ko na yung ID ko tapos ayun, nakalusot naman sya sa guard at nakapasok ng Monte. Ang sabi ko sa kanya hihintayin ko sya sa waiting shed.
Dahil isang oras akong maghihintay, naisip kong magpunta ng cafeteria para bumili ng makakain. Ang balak ko kasi ay saglit lang talaga dito at uuwi din agad para makapaglunch ako sa condo. Kaya lang ganito ang nangyare. Pagkatapos ko bumili bumalik naman agad ako sa shed at dun na kumain.
Natapos at naubos ko na yung kinakain ko. Nakalipas na ang mahigit isang oras pero hindi ako binalikan ni Jericho. Kanina pa ako naghihintay dito. Naghintay pa ako ng sampung minuto pero wala talaga.
Frustrated kong chinat si Shana at kinwento sa kanya yung nangyari kanina. Sure talaga ako na alam naman nya yung rule ng Monte kaya dapat hindi niya kung saan saan nilalagay yung ID niya. Dapat chinecheck nya kung dala nya ba lalo na kung alam nyang exam niya ngayon. Dapat hindi nya kung saan saan nilalagay o iniiwan yung ID nya. Kagabi nga nakuha pang magbar, e may exam naman pala kinabukasan. Paano kung dun pala nya naiwan yung ID niya sa bar?
Shana: typing...
Nakita ko na may sinend syang link sa akin.
Shana: https://web.facebook.com/echotobiano
Shana: Add mo na lang kung crush mo
Tignan mo itong babaeng to! Nagkukwento at nagtatanong lang, iniisip agad na crush ko. Hindi pa din siguro nakakamove on sa ginawa kong pang-aasar sa kanya kay Kuya Ian kagabi. Nakita kasi namin si Kuya Ian sa Sane Bar. Actually, si Shana yung unang nakakita kay Kuya kaya inasar ko sya. Ang dami dami niyang sinasabi kagabi kagaya ng,
"Ang weird nyo kayang magpipinsan."
"Paano mo naman nasabi?"
"May something wrong sa inyo. Para kasing kung hindi kayo magkamag-anak hindi kayo magpapansinan sa Monte."
Ang dami niyang sinabi tapos napunta yung usapan kay Kuya Ian, tinanong nya kung wala pa daw bang sakit sa atay yung pinsan ko kakainom ng alak. Puro gulo daw alam ni Kuya Ian, kasi palagi na lang daw itong may kaaway. Tapos ang ending pa kagabi napaaway nga si Kuya Ian.
Aawat dapat ako kaso ayun bigla akong hinila nung Jericho. Di pa tapos makipagsuntukan yung pinsan ko nagulat na lang ako ng hinila niya ako palabas ng bar at hinatid sa bahay. Syempre hinatid muna namin si Shana. Ngiting aso ako sa rearview mirror habang naguusap si Shana at Kuya Ian. Tinatanong kung saan nakatira yung kaibigan ko.
Out of curiosity, pinindot ko yung link. Hindi ko naman siya ia-add. Ichecheck ko lang yung facebook nya.
Jericho Tobiano
'Im crazy for myself, #selflove' ang nakalagay sa bio nya.
I scrolled down to see his posts. Napansin ko na mahilig sya magshare ng mga funny memes. Hindi ata bababa sa lima yung shared posts nya sa isang araw. Sa sobrang dami hindi ako matatapos kakascroll. Napansin ko din naman na mahilig syang magshare ng mga knowledgable posts so hindi naman siguro sya iresponsable after all. Baka hindi naman nya sinasadya na hindi niya dala or na naiwala nya yung ID nya.
After looking at his posts, I clicked his profile picture. Madami syang likers tapos puro stolen shots yung profile picture nya. Yung most recent, mukha syang ewan habang nakangiti. Nakauniform nga pero may hawak naman na yosi. Binabawi ko na yung sinabi kong hindi sya iresponsable. But it's health anyway, not mine.
Nagreply ako kay Shana pagkatapos kong icheck yung profile ni Jericho.
Asia: Hindi ko siya crush baliw ka! Nasa kanya kasi ID ko
Shana: Hindi daw pero chineck nya yung link. O, bakit nasa kanya?
Asia: Hindi ka ba nagbabasa? Ang haba kaya nung chat ko!
Shana: Ah, hindi ko na binasa lahat. Pangalan pa lang ni Echo nakita ko alam ko na.
Asia: Anong alam mo?
Shana: Sus, Asia, wag ako. But it's good that you have a crush now
Asia: Hindi ko nga sya crush!! Anoba!!!
Shana: Ok, sabi mo, e!
Asia: Umayos ka nga, Shana!
Shana: typing...
Tumagal yung reply. Bumaba muna ako sa kusina para kumuha ng tubig nng magnotif yung phone ko.
Shana: Sus, kunwari ka pa. Alam ko na yang mga ganyan, Asia. Papunta ka pa lang pabalik na ako. Imemention mo si Echo, sasabihin mo hindi mo crush, pero ang totoo, nalaman mong tropa siya ni Kuya Ramon. Kaya ngayon chinachat mo ako kasi kapatid ko yung tropa ni Echo.
Dahil gwapo crush ko kaagad?
Tsaka tropa din naman ni Kuya Ian si Jericho ha! Tinanong nya kaya ako kagabi pagkahatid nya sakin sa baba ng condo ko kung bakit ko daw kasama si Jericho. Sinabi ko sa kanya na hindi ko kilala yun, na nakita ko lang si Jericho kagabi sa Sane bar. Alam ko lang pangalan nya kasi sinabi ni Kuya. Kaya nung nagpakilala siya sakin kanina nung hinarang nya ako hindi ako nagreact kasi alam ko na yung pangalan nya.
I typed a lot to explain because I know Shana's waiting for my reply. Hinihintay nya yung sagot na gusto niyang marinig sakin. In the end, binura ko yung tinype ko at nagtype ng bago.
Asia: Ewan ko sayo, Shana! Nababaliw ka na.
Bumalik ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko. Kinuha ko yung bag at napansin yung application form na dapat ay nasubmit ko na kanina. Hindi ako sumali sa kahit anong org nung freshman year ko dahil gusto ko munang masanay bilang isang college student. Ayokong maoverwhelm at madistract. Kaya naman ngayong sanay na ako, naisip kong magapply bilang student assistant.
I folded the form. Inipit ko ito sa notebook at ibinalik sa bag. Babalik na lang ulit ako sa Montesorri.
YOU ARE READING
Brighter Than The Sun
Teen FictionJericho Tobiano has always thought, he's stuck between trying to live his life and trying to run from it. He doesn't know where exactly to fit until Antanasia Belleza came into his life, making him do things. Crazy and stupid things... just to get t...