BTTSKabanata 4
"Saan nga tayo pupunta?" Tanong ko ulit kay Shana habang hila hila ako.
Hinintay nyang matapos ang duty ko sa SC. Nang itext ko sya para sabihing tapos na ako ay agad nya akong pinuntahan. Wala akong idea kung saan kami pupunta. Ang balak ko ay umuwi sa bahay ngayon dahil weekend bukas.
Nakalabas na kami ng Monte hindi nya pa din sinasabi kung saan ko ba sya sasamahan.
"Sa Sane bar. Birthday party ni Ken tonight. Sakay na. Palit muna tayo sa condo mo tapos punta tayo."
"Hindi naman ako invited don. Hindi ko nga close 'yon, e." Sabi ko nang sumakay sa sasakyan niya.
"Invited ka, bakla! Kilala ka non. Pinakilala na kita sa kanya diba? Alam nyang kaibigan kita."
Gaya ng sabi niya, nagpalit kami ng damit sa condo. Si Shana may baon na damit sa kotse nya. I took a shower first then I blow dry my hair. Si Shana nakishower din pagkatapos ay nag-lagay ng make-up.
I wore a high waist pants and a white fitted sando. Nagsoot ako ng chunky sneaker na white. Pagkatapos magbihis ni Shana ay inayos nya yung buhok ko habang naglalagay ako ng cheek tint, at highlighter.
Pagpasok namin sa Sane bar ang dami ng tao. I can see some familiar faces. Most of them are schoolmates from Montessori, others are from Mountville school. I've been to this bar a couple of times already. Shana would always be the one to drag me here whenever there's a party. That is why I know that three of this bar's owners are students from Montessori. Isa na dun si Ken.
"Let's go greet Ken first tapos puntahan na natin sila Mike," sabi ni Shana at tinuro kung nasan yung ibang blockmates namin na invited din.
Nagtanong tanong si Shana sa iilang mga kakilala kung saan nakapwesto sila Ken. Sumiksik kami sa crowd para mapuntahan yung may birthday.
"Oh, my g! Happy birthday, Ken!" Sabi ni Shana at niyakap ito.
"Hi! Happy birthday." sabi ko ng tumingin ito sakin.
"Uy, Asia! Wow! Thanks for coming." Sabi nito.
Siya na yung lumapit sakin para bumeso. Napatingin ako kay Shana na nakangisi. Edi ako na nga yung invited din.
"Enjoy kayo. All drinks on me."
"Drinks lang?" Sabi ni Shana.
Ken just laughed at Shana. Bumeso din ni Shana sa ilang kakilala nya na kasama ni Ken ako. Ngumingiti lang ako sa tuwing napapatingin sila sakin. Pagkatapos ng ilang kwentuhan nila ay nagpaalam na kami. Medyo madami ding kinausap si Shana bago kami nakarating sa couch namin.
Pagkarating namin nagorder si Shana ng pagkain. All courtesy of Ken. Birthday na, co-owner pa, kaya nagorder lang ng nagorder si Shana.
"Nahablot ka na naman ni Shana," bulong sakin ni Trish ng makaupo ako. Katabi nito ang boyfriend na si Mike. Sa kanilang side ko naman, si Shana tsaka si Jen.
"Oo nga, e. Kilala nyo din pala si Ken?"
"Magkakilala sila ni Mike. Nahablot lang din ako." Sabi nito at natawa.
Kumuha ako ng flavored beer at ininom. Nilibot ko yung mata ko. Nakakalula yung dami ng mga alak na nakalagay sa bawat lamesa. Free flowing yung drink. Kumuha ulit ako ng beer mula sa bucket ng maubos ko yung kanina.
"Tara, beer pong tayo! Nakareserve na ako. Let's go! Tayo na yung sunod." Energetic na sabi ni Shana pagkabalik samin.
Kanina pa kasi siya paalis-alis. Gawain nyang maglibot tuwing nasa bar. Daming kakilala, e. Bumabalik lang sya kapag medyo napagod pero tatayo din naman ulit para maglibot na naman.
Pumunta kami sa beer pong station kasama sila Trish. Si Mike nagpaalam muna saglit na magc-cr. Pagkarating namin sa area nagulat ako ng makita ko sila Echo. Kasama nya sila Mon at Kuya Ramon. Mga kabatchmate nya. Kasama din yung iba pa nyang tropa.
Hala sila pa ata yung makakalaban namin! Naexcite ako na kinabahan.
Tinignan ko si Shana na nakangisi sakin. Sa tingin ko nakita nya si Echo at sinadyang pumunta kami dito. Goal nito makita kami na magkasama, e.
Napatingin sakin si Echo at mukhang nagulat. Nang makabawi ay ngumiti din at napakamot na lang sa batok.
"Kasali ka?" Echo mouthed.
Tumango ako.
Napansin naman ako ni Mon kaya lumapit ito sakin.
"Baby girl!" Sabi nito at bumeso.
Simula ng magduty ako sa office ng Student Counsil naging baby girl na yung tawag nya sakin. Sabi niya para nya daw akong baby sister. "Go easy on them, ok?" Sabi nito sa mga kasama na makakalaban namin.
Hindi ito kasali sa laro at nanonood lang. Kausap nito ang isa pang SC na binati ko din kanina. Buti na lang at hindi din sumali yung Axel. Busy ito at may kausap na babae. Nang dumating naman si Mike ay tumabi lang ito kay Trish at yumakap.
Nauna si Shana tumira at pumasok agad yung bola sa red cup. Uminom ang katapat nya at ganun din naman si Shana nang maishoot din nito ang bola.
"Ayusin mo yung laro," sabi ko kay Echo.
Feeling ko kasi sinasadya nyang hindi mashoot yung bola. Pang-apat na beses na naming magkatapat at dalawang beses ko pa lang syang napapainom. Hindi ko maishoot yung bola kasi palaging tumatalbog palabas ng cup.
Nung sinabi ko 'yon kay Echo, napangiwi sya at inayos nya na talaga yung laro. Ang ending talo kami. Puro ako shot.
"Ayos ka lang? Hindi ka ba nahihilo?" Bumulong sakin ni Echo pagkatapos ng laro.
Buti na lang pasok yung huling shoot ko. Lugi ako kay Echo, e. Varsity player ng beer pong.
"Hindi naman!" Sigaw ko kasi maingay.
"Sigurado ka? Sabi mo kasi ayusin ko yung laro, e."
Tumango ako at natawa. Sinunod naman nya talaga. Pero ok lang at least fair yung laban. "Pait lang nung huling shot. Sabi beer pong bakit may halong hard drinks?"
"Weh? Meron?"
"Oo." Ang taas pa. Nagulat ako pagkainom ko kanina. Iniistraight ko na kasi yung mga beer tapos yung huli di ko akalain na tequila yung laman. Pero hindi ko na lang sinabi kanina.
"Tangina 'di ko alam. Sorry!"
"Ayos lang, ano ka ba! Di naman ikaw naglagay ng mga drinks don."
"Hindi nga pero sila Axel naglagay non, e. Gago talaga non."
I scoffed. Napatingin ako sa kaibigan nya na nakikipagusap pa din sa babae.
"Girlfriend nya?" Tanong ko, nakanguso kay Axel.
Narinig kong natawa si Echo habang nakatingin sakin. "Hindi, e."
Ah, mukhang may gusto yung kaibigan niya dun sa girl.
"In fairness ganda nung girl."
"Mas maganda ka."
Napatingin ako kay Echo.
"Ha?" Tanong ko kasi hindi ko alam kung may sinabi ba siya. Sobrang ingay na kasi dito.
Ngumisi sya at napailing.
"Sabi ko Tor pangalan nung babae. Batchmate"
"Asia, Echo! Punta kayo dito. One game pa."
Tawag nung isang babaeng kalaban din namin kanina.
"Kaya mo pa?" Tanong ni Echo
"Oo naman."
"Sabihin mo sakin pag di mo na kaya. Hatid ko na kayo ni Shana"
"Kaya ko pa." Sabi ko.
"Or pwede naman na hindi ko na galingan."
"Hoy! Grabe ang yabang! Ayusin mo pa din yung laro," sabi ko habang natatawa.
"Roger that!"
Tinulungan ako ni Echo tumayo. Pagkatapos ay lumapit ulit kami sa kanila.
YOU ARE READING
Brighter Than The Sun
Teen FictionJericho Tobiano has always thought, he's stuck between trying to live his life and trying to run from it. He doesn't know where exactly to fit until Antanasia Belleza came into his life, making him do things. Crazy and stupid things... just to get t...