Five: The Unexpected

343 22 2
                                    

**Ed's POV**

Para akong lobo na lutang na lutang habang naglalakad kami ni Max papuntang library.

Iniisip ko kasi yung mga pangyayari kagabi sa party ng cousin ni Max.

Flashback

"Why did you do that?!"

Napangisi ako sa ekspresyon ng mukha niya.

Inosente ko siyang tinignan.

"Do what?"

Takte!Gusto kong tumawa!

Ang CUTEEE niya!

Mukha ba akong bakla sa part na yun?

"Tss..Umalis ka na nga!Get out of my sight!"singhal niya sabay tingin sa labas.

Tinukod ko ang dalawang siko ko sa railing pero patalikod,nanatili akong nakatingin sa kanya.

Ganda.

"Why?Kasi naaalala mo yung first encounter natin sa school?"nakangisi kong tanong sabay taas baba ng kilay.

Sinamaan niya ako ng tingin saka bumalik ulit ng tingin sa labas.

Tch!

Ano bang meron diyan sa labas at tingin siya ng tingin?Maganda ba ang view?Eh kung saakin na lang kaya siya tumingin,maganda din naman ako eh.

Magandang lalaki.Hekhek.

"Shut up."

Nakangisi kong sinundot ang tagiliran niya.

Hehe.Ang lambot!

"Susss---ARAY!"

Yung ngisi ko ay napalitan ng sakit ng sinalubong niya ng pogi kong mukha ng isang suntok.

Boom!Black eye!

"Serves you right."

Nakita ko pa siyang ngumisi saka bumalik ulit ng tingin sa labas.

Tss.

Habang ako hawak hawak ang mata kong sa tingin ko nagsisimula ng mamaga.

Masakit palang inisin tong tomboy'ng to!

"Eh ba't ka nanununtok?!Ang sakit kaya!"parang bata kong sigaw habang nakanguso.

"Then bakit mo ako sinundot sa tagiliran?"ang sama ng tingin niya.

"Eh parang joke lang eh!"

"Gawin mo na lahat wag lang ang sundutin ako sa tagiliran,unique ako kung makiliti...nanununtok."

Aba!

"Lahat?Pwede kong gawin lahat?"agad bumalik yung ngisi sa mukha ko.

"Tch!"

"Pero seryoso,pwede ko talagang gawin lahat?As in LAHATTT!?"

Yung sakit ng mata ko ay bigla nalang nawala.

Hmm...ang daming pumapasok sa utak ko.

Ano kaya ang pwede kong gawin sa kanya?

Bwahahahah!

Wag kayong DM!

Iba yung ibig kong sabihin.

Like,gawin siyang slave (cliché),drawing-an siya sa mukha (Hehe,pwede!),ipagluto niya ako (Naks!),alagaan niya yung bulldog namin na hindi nangangagat (kumakain lang ng buhay at nanununtok) at higit sa lahat...ang mahalin ako (Naks!Mais!)

Ang Mahal Kong Lalake PumormaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon