Six: EX

212 16 0
                                    

**Ed's POV**

"Sino yun?"agad na tanong ko nung humiwalay siya sakin saka marahas na pinahid ang mga luha niya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin saka umirap.

"Non of your business."malamig niyang sagot.

Aba!

"Wowww!Pagkatapos kitang tulungan kanina,yan lang yung isasagot mo?!Wow!Just wow!"di makapaniwala kong sabi.

Pagkatapos ko siyang iligtas mula sa kung sino man yung gagong yun,gagantohin niya lang ako?!

Nakakainis ah!

"Did I asked you to save me?"napatanga ako.

"H-Hindi,pero---"

"Hindi naman pala eh,kung maka asta kala mo hiningan ng tulong."pairap niyang sabi saka nilampasan ako,pero agad kong hinawakan ang braso niya.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat?"

"Why would I?As if naman hindi mo nagustohan yung tulong na ginawa mo."ang sama-sama ng tingin niya sakin.

( _ _ ' )

Suss...para namang hindi rin nag enjoy!

Agad niyang binawi ang braso niya saka naglakad ulit.

"Alex."

Huminto siya pero hindi humarap.

"Last na'to then pwede ka ng umalis."

"Tsk."

Sess...aangal pa.

"Sino ba talaga yun?"seryoso kong tanong.

"Tao."

0_o

"ALAM KONG TAO YUN! What I mean is,sino siya sa buhay mo?"

Kainis!Pilosopa!

"Someone that is not worth it to remember."sabi niya sabay lakad.

"E-Ee..*ahem*..Ex mo?"

Napahinto siya sabay tingin sakin mula sa gilid.

"Oo,kaya lumayo ka na sakin."sagot niya sabay astig na naglakad paalis.

Huh?

Anong konek?

Parang tinanong lang kung Ex niya ba yung gagong yun,pinalayo na agad ako?Tsk.

Inayos ko ang sarili ko saka nakangising naglakad.

Hekhek!Swerte ko kanina ah!

***

Pangiti-ngiti akong naglalakad sa hallway,para na akong baliw.

Nginingitian ko pa nga ang mga babaeng nakakasalubong ko,may muntik pa ngang madapa eh.

Tsk!Iba talaga pag isang Ed na ang ngumiti sa kanila.

Napailing ako sa naiisip ko.

"B-Bro..."

Hulaan niyo kung sino tong nanginginig sa gilid ko.

Agad ko siyang sinuntok sa braso saka binatukan.

"Bwisit ka!"

Oo baliw na talaga ko,kasi imbis na mainis kay Max,nakangiti pa ako habang nakatingin sa kanya.

"Sorry na..hindi mo kasi ako inenform eh!Tinext mo sana ako edi sana ako pa mismo ang nagpaalis sa mga tao dun sa library para wala talagang istorbo."napakamot siya sa ulo niya saka sumabay sa paglalakad.

Ang Mahal Kong Lalake PumormaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon