Nine: Partners

161 13 3
                                    

**Ed's POV**

Mabigat ang pakiramdam ko ngayon habang nakatingin kay Alex na nasa upuan niya na walang emosyon ang mukha at para bang lutang.

Hay...

Gusto ko sanang tumabi sa kanya kanina pero inisnoban ako kanina pagpasok niya pa lang,idagdag pa'tong si Ella na kulang nalang magdiwang dahil hindi siya sinita ni Alex.

Bwisit!Gusto ko siyang tabihan eh!

Napanguso nalang ako saka tumingin sa guro namin sa history na nakatayo sa harapan habang nagtuturo kahit wala namang nakikinig.

Yung mga kaklase ko kasi,kung hindi tulog,palihim na nagseselpon.

Kami lang ata ni Alex ang nakatingin sa kanya ngayon eh,pero halata din namang hindi kami nakikinig.

Inis akong napatingin kay Max ng kinalabit niya ako.

"What?!"nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

Nginisihan niya lang ako saka ininguso ang pwesto ni Alex.

"Puntahan mo na!"nakangisi niyang sabi habang nginunguso si Alex.

"Sige,ngusuan mo pa!Pagnakita ka niyan,putol yang nguso mo."

Agad nanlaki ang mga mata niya at napatutup sa bibig.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan!Paano nalang ang mapapangasawa ko kung wala na akong nguso?Edi hindi niya na matitikman ang matamis kong labi,diba?!"

"Tss!"

"Pero seryoso...puntahan mo na kasi!Kulang nalang umabot sa sahig yang nguso mo eh."nakangisi niyang sabi saka sumadal sa upuan niya na parang hari.

"Bakit ko naman pupuntahan ang tomboy na yun?!"inis kong tanong saka galit na tinignan ang pwesto ni Alex.

Tss!'Kala mo naman kung sino kung umisnob!Nakakainis!

Pero agad ding nanuyo ang lalamunan ko at nanlaki ang mga mata ko ng lumingon siya sakin.

O__O

Agad akong nag-iwas ng tingin saka nagkunyaring kinakalikot ang ballpen ko.

Kainis! Bakit ba ako natatakot ng ganito?!

Blangko lang yung mukha niya pero ang lakas ng dating!

Sh't!

"Oh?Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?"nagtatakang tanong ni Max ng makita niya akong pinagpapawisan.

Bwisit!

Bakit pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sakin?!

Parang binubutas ako ng mga tingin niya.

"Uy!"

Inis kong iniwaksi ang mga kamay ni Max na sumusundot sa tagiliran ko.

"Huy!"

"Shut up!"

Inambahan ko siya ng suntok pero nginisihan lang ako.

DUG-DUG-DUG-DUG!

Sh't!Bakla na ba ako?!

Bakit ganito lakas ang tibok ng puso ko?!

Para akong robot na nakatingin lang sa harap habang unti-unting tumutulo sa sintido ang pawis.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin ni Max sa pwesto ni Alex,pero tulad ko parang naninigas ding napa-iwas ng tingin.

"Sh't,bro!Anong ginawa mo?!"nanginginig na tanong ni Max habang nakatingin din sa harap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mahal Kong Lalake PumormaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon