Seven: Galawang 'Alex'

258 23 2
                                    

**Ed's POV**

Nagpalinga-linga ako ngayon dito sa harap ng gate,may hinihintay kasi ako.

And finally!Dumating din,naka all black outfit pa rin siya.

"Alex!"pero hindi ako nilingon.

Nakanguso ko siyang sinundan na ngayon ay chinecheck na ang I.D ng guard.

"Alex!Uy!"tawag ko ulit sa kanya ng makapasok na siya,chinecheck pa kasi ng guard ang I.D ko.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya ng matapos ako.

"Alex!"agad ko siyang sinabayan.

Tinignan niya lang ako saglit pero agad ding bumalik sa daan ang tingin.

"Hi Alex,good morning."bati ko saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

Pero wala pa rin talagang epekto sa kanya,yung mga nadadaanan nga namin napapangiti kapag nakikita ako pero siya parang wala lang.

"Alex!"pangungulit ko.

"Uyy!Papansinin na ako niyan!"pero wala pa rin talaga.

Ganun lang ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa classroom namin.Pero bago pa man siya makapasok ay hinawakan ko ang laylayan ng black hoodie niya.

Yung totoo,hindi ba siya naiinitan?

Agad siyang lumingon sakin pero subrang sama naman ng tingin,gusto na ata akong katayin.

Pero hindi ko yun pinansin at nagsalita nalang.

"Tabi ako sayo ah?"seryoso kong tanong saka ngumiti.

Lahat ng nasa loob ng classroom ay nakatingin samin,including Max na sobrang lawak ng ngisi sakin.

Hinila niya lang yung hoodie niya saka pumasok na.

Well,silence means yes.Hehe.

Nakangiti akong sumunod sa kanya saka pumunta sa katabi niyang upuan na may nakaupo na,agad ko itong pinaalis.

"Ah,pwede diyan ako umupo?"tanong ko kay...Ella ata pangalan nito.

Tinaasan niya ako ng kilay at hindi ako pinansin at nagpatuloy sa pagkulikot sa cellphone niya.

Aba!

Napatingin ako kay Alex na nakapikit habang nakasalampak sa tenga niya ang heatset niya.

"Tss.."inirapan ko siya at tumalikod.

Hahakbang na sana ako papunta sa upuan ko ng makarinig ako ng kalabog.

At bumungad sakin si Ella na nakanga-nga habang nakaupo sa sahig,nakatingin siya kay Alex na walang pinagbago ang ekspresyon ng mukha.

Nakatumba yung upuan sa sahig at kalat din sa sahig ang gamit ni Ella.

"Anong nangyari,Alex?"imbis na si Ella ang tanungin ko si Alex yung tinanong ko.

Hindi niya ako pinansin at isinuot ang hood niya saka sumalampak sa arm chair niya.

Napailing nalang ako saka yumuko para tulungan sana si Ella sa pagpulot ng mga gamit niya na puro naman make up pero gulat akong napatingin kay Alex ng bigla niyang inapakan ang lipstick (I think) na pupulutin ko na sana.

Umalis siya sa pagkakasalampak sa arm chair niya saka padabog na tinayo ang upuan ni Ella.

Lahat ng tao sa loob ng classroom ay nakatingin lang samin.

Akala ko babalik siya sa pagsalampak sa arm chair niya pero blangko ang ekspresyon ng mukha niya ng tinignan ako.

"Uupo ka o pauupuin kita?"seryoso niyang tanong kaya mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako at umupo sa upuan na katabi niya.

Nang makita niyang nakaupo na ako ay saka siya bumalik sa pagsalampak sa arm chair niya.

Lahat sila gulat sa ginawa niya,lalo na ako.

Inis na tinapos ni Ella ang pagpulot sa mga gamit niya,at halos manlaki ang mga mata ko ng inambahan niya ako ng sampal pero bago pa man niya magawa yun ay nagsalita na ang katabi ko.

"Subukan mo,puputulin ko yang kamay mo."halos magtayuan lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa lalim ng boses niya,pero nakasalampak pa rin siya sa upuan niya.

Walang ibang nagawa si Ella kundi ang padabog na lumabas.

Napahawak ako sa puso ko.

Puso ko,andyan ka pa ba?

Napatingin ako kay Alex na ganun pa rin ang posisyon at wala sa sarili akong napangiti.

Pasimple din tong tsumasing sakin ah.

Para na akong bakla nito!

Napatingin ako kay Max na nanlalaki ang mga mata,alam kong gustong gusto niya akong lapitan at batukan sa inggit pero wala siyang magawa dahil dumating na ang guro namin para sa first period.

Hay...feeling ko ako yung babae dito.

to be continued...

Hi mga ka-TSUMA!

Gusto ko lang pong sabihin na inspired po ang estoryang ito sa isang book na gawa ni Ms.Maxinejiji na 'He's Into Her',pero syempre may sarili din po akong twist.

Pumasok po kasi sa malikot kong utak ang estoryang ito,isa po kasi sa mga paborito kong libro ang gawa ni Ms.Maxinejiji,nakakakilig po siya at napaka-astig,kaya naisip ko po na gumawa ng story na 'Mayward' po yong bida.Kasi syempre love na love natin ang 'Mayward' diba?

Kaya yun lang po,baka po kasi familliar po sa inyo yung takbo ng story.Hehe.

Yun lang po.

^_^

Let's spread the LOVE mga ka-TSUMA!

Love lots!

-awtormj

Ang Mahal Kong Lalake PumormaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon