"Pagaalala"

1 0 0
                                    

Habang tahimik kami sa byahe, hindi ko na maisipang mag salita dahil nakakainsulto siya.

Nasa tapat na kami ng bahay ng maisipan kong magsalita "salamat" diko na inintay sasabihin niya. Bumaba nako ng kusa. Ang mahalaga nakapag thankyou ako sa kanya.

Lumipas ang araw, naging masyadong boring sakin ang mga nagdaang araw dahil sa hindi padin umuuwi sina mama. Si manang at ang iba lang naming katulong ang kasama ko sa bahay. Nakarinig ako ng ingay sa baba kaya naisipan kong tingnan. Sabado ngayon kaya hindi ako nag eexpect ng bisita.

Pagbaba ko ng hagdan ay may isang lalaking nakaupo sa sofa na kausap si manang. Nakakulay itim siya na jacket padin nadin pantalon. Look like secret agent, i think 30+ na ang age niya.

Tumayo si manang ng makita ako "rey gusto ko daw niya makausap tungkol sa mga magulang mo" kinabahan ako ng banggitin ni manang yung huling salita. Pero imbis na magtanong umupo nalang ako sa tabi ni manang.

"Bakit po?" Formal kong sabi sa lalaking nakaitim.

"Hi Ms.Aquino, I am Agent Salvador from EastBills. Nakatanggap kami ng impormasyon tungkol sa mga magulang mo. Dalawang araw na silang nawawala." nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong di nakapagsalita. Agad namang pumuntang kusina si manang para kumuha ng tubig.

"Nagpuntang macau ang mga magulang mo. Pero sinasabing paguwi nila ay tsaka sila kinuha. Wala pang exact location kung saan talaga dinala sina Mr. And Mrs Aquino pero gagawin namin lahat para makita sila." Ang buong akala ko ay kaya sila matagal umuwi ay dahil sa nagextend sila. Yon pala nawawala na sila. Halos hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Inaasahan namin na magiging private ang ganitong issue lalo na at hindi pa namin nakikilala ang mga suspek. " sakto namang dumating si manang hawak ang isang tubig.

"Sir, gawin ninyo po lahat para sa kaligtasan nina sir mon at mam carmel." Tumango ang lalaki at iniintay niya na mag salita ako. Pero wala talagang lumalabas sa bibig ko.

"Wag kang mag alala hija, gagawin namin ang lahat para makita ang mga magulang mo " akma na siyang tatayo pero pinigilan ko siya.

"Pwede ba akong tumulong?" Yan ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Kung may paraan lang akong magagawa ay gagawin kona para sa mga magulang ko.

"Keep this information private, thats the only way you can help" tumango lang ako. Pagalis nung lalaki ay agad akong niyakap ni manang. Alam ko na maliligtas sina mama at papa. Nagtitiwala ako sa kanila pero kailangan may gawin ako.

"Gab mahahanap din nila sina tita at tito" pag kumbinsi sakin ni vernice.

"Oo nga, yaan nalang natin na sila ang gumawa ng paraan para makita nila ang mga magulang mo " saad ni nicole habang nag lalakad ng chips sa bowl. Pinatawag ko silang lahat alam kong hindi ko pwedeng ikalat ang impormasyon nayon pero nagtitiwala ako sa mga kaibigan ko na hindi nila sasabihin sa iba. Baka masiraan ako ng ulo pag diko sinasabi sa kanila.

"Maaaring pinagplanohan na nila ang pagkuha sa mga magulang mo gab. Pero ang nakakapagtaka? Wala man lang nagtetext sayo o tumatawag para pagbantaan ka." Pakikisali narin ni chris. Nakahiga lang ako sa sofa at nagiisip ng dapat kung gawin. Tama si chris, bakit wala man lang nagbabanta sakin?

"Anong iniisip mo?" Napatingin ako kay stev na nagsalita. Alam kong nag alala silang lahat sakin pero hindi ko magawang maging kalmado.

"Hindi ko alam. Natatakot ako" Natatakot ako para sa kaligtasan ng mga magulang ko.

"Naniniwala ako na di nila papabayaan ang mga magulang mo" naniniwala din ako stev.

"Eh kung magpatulong kaya tayo sa papa mo chris. Diba government official ang tito?" Tama si jasper baka matulongan kami ni tito ted.

"Ano kaba jasper? Diba nga sinabi nung agent salvador na keep private yung mga information. Kung sasabihin ko kay papa baka malaman ng iba. Hayaan nalang natin na sila yung gumawa nung kaso." May punto rin si chris hindi talaga namin kailangan basta basta ilandad ang information nato. Baka lalo kong di makita ang mga magulang ko.

"What if? Kay kyle? Ang alam ko dating secret agent ang papa niya." Pag papaliwanag ni vernice. Si demon? Nabalitaan ko rin dati na ganon pero ayoko namang humingi sa kanya ng tulong.

"What do you think gab?" Tanong sakin ni niks. Napapikit nalang ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Kailangan ko magdesisyon ng mabuti dahil kaligtasan ng mga magulang ko yung nakataya dito.

Little White LiesWhere stories live. Discover now