"Masamang tingin"

4 0 0
                                    

Pagkatapos ng eksena yon ay dumiretso na agad kami sa starbucks, tahimik ang naging byahe namin. Kay stev ako sumabay pantalang ang aking sasakyan ay naiwan don ipapakuha nalang daw ni chris sa kanya driver.

"Masakit paba gab?" Nag aalalang tanong sakin ni vernice.

"Lagyan mo ng ice gab para hindi magsobrang pasa" inabotan ako ni nicks ng yello na may kasamang towel.

"Ayos nato, salamat" napatingin ako sa mga lalaking kanina pang di umiimik.

"Sobrang pula naman niyan gab. Sure kabang hindi masakit?" Pagalalang tanong sakin ni chris, nakirot pero hindi ko yon sasabihin dahil alam kong magaalala sila.

"Hindi naman, ayos lang ako" nilagay ko yung towel na may yelo.

"Ano sasabihin mo kay tito?" Saad ni jasper habang nakatingin sakin.

"Ako nalang ang mag sasabi kay tito total ako naman may kasalanan" pagpresenta ni vernice

"Wala ka naman kasalanan, tsaka ano ba kayo? Ako nalang magpapaliwanag kay papa. Pasa lang to. Okay lang ako" ang ooa naman ng mga kaibigan ko. Pero sympre natutuwa ako dahil nagaalala sila ng ganito.

Maaga akong nagising dahil sa maaga din nag paalam sakin si mama mag oout of town daw sila para icelebrate ang kanilang anniversary sympre hinayaan ko na para naman makapagsolo sila Hahaha.

Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko  si demon na natutulog nanaman sa may puno. Wala ba tong bahay? Yaman yaman nito tapos dito lang natutulog.

"Goodmorning gab, nood ka mamaya ng laro namin ha." Nagulat ako sa biglaang pag akbay sakin ni chris.

"Laro? Saan kayo may laro?" Nagtatakang tanong ko.

"Sa luxury, kalaban namin ang CBU sina lucas your ex crush" naiinis na ngisi sakin ni chris. Si lucas yung kaklase namin nung gradeschool na niloloko sakin ng mga siraulong to. Sinabi ko kase sa kanila na ang cute ni lucas kaya kala nila crush kona.

Inirapan ko lang siya at nauna ng naglakad papuntang room. Wala nakong umagang maganda! Lagi nalang sinisira ng mga gagong to.

"Hoy gab! Joke lang! Hahahaha" sigaw ni chris di ko siya pinapansin. Mga sakit sa ulo

"Buti nalang sumama tayo daming gwapo dito" natutuwang sabi ni vernice. Yan nanaman siya, ayoko sanang sumama sa kanila manood kaya lang boring din naman sa bahay kaya sumama nako.

"Vernice may james kana diba? Tama nayon. Maging loyal ka naman kahit minsan" pangangaral ni niks, kala ko billy? Tas ngayon james naman. Iba talaga karisma nitong friend ko.

"Excuse me? Diko pinakialamnan relasyon mo kay david kaya tumahimik ka jan" literal na napanganga ako sa sinabi ni vernice.

Nakita kong pumula ang pisngi ni niks "sinagot mo yon? Kayo na?" Nakakatakang tanong ko kay niks.
Di siya naimik kaya niyugyog ko siya.

"Ano ba gab!!" Pag rereklamo niya. Diko to titigilan hanggat di nito sinasabi sakin.

"Matagal ng sila. Mag 1 month na, dimo alam? Mygadddd" natigil ako sa pagyugyog sa kanya. Sinagot niya yon? Eh manyak yon e.

"Wthell? Tapos dimo sasabihin sakin?" Pagmamataray ko.

"Sasabihin ko naman, andaldal lang talaga nito si vernice." Inirapan ko nalang sila pareho. Ako nalang single samin? Ay well. Pati pala boys namin.

Habang busy yon dalawa sa pagtetext ako naman tong walang ibang ginawa kundi tingnan ang mga boys na prapraktis, private court to may bayad ang laro dito. Kaya kami lang ang nanonood sa kanila. Biglang pumasok ang mga demons.

"Kakampi nila sina kyle?" Nagtatakang tanong ko.

"Ofcourse gab, magkakateam sila diba? Hahahaha." Napairap nalang ako. Oo nga pala diko yon naalala.

Nagapiran sila, well diko maitatangging mga hot ang mga to. Pero nandidiri ako pag naalala kong babaero nga pala silang lahat. Isama mona ang mga kaibigan kong lalaki. May mga bitbit silang babae, i think yung nakakapit na parang linta kay kyle ay si Stacey kasama niya ang hukbo na si abby at kim mga kapwa niya linta.

"Sila ba?" Alam kona tinutukoy ni niks. Pero hindi ko alam kong sila ba dahil lagi silang magkasama. Pero may mga naiissue din na ibang babae sa kanya. Pag babaero talaga walang permanenteng babae.

Wala umimik samin kaya binaliwala nalang yon ni niks. Habang nag aayos ng gamit sina demon ay dumating na yung kalaban nila. Na agad kinatili ng mga babae, kami lang yata ni niks ang tahimik.

Nahagip agad ng mata ko si lucas. Malaki pinagbago niya, pero ganon padin ang kulay ng balat niya. Kitang kita mo talaga sa kanya ang lahi ng mga instik. Siniko ako ni vernice nung nakita niya rin si lucas.

"Gwapo naman ni papa lucas. May nagbabalik bang feelings? " pangaasar sakin ni vernice.

"Mukhang dina magiging single forever ang ating friend" nakisali nadin si niks. Sasabunotan kona tong dalawa to.

"Tumigil nga kayong dalawa" tinawanan lang ako nung dalawa. Mali talagang desisyon na sumama ako.

Napansin kong tinuro ni chris kay lucas ang deriksyon namin kaya agad kumaway yung dalawa kong katabi pati nadin ako. Kumaway din siya samin na agad kinatili nung dalawa kong bruha kaibigan. Napatingin ako kay demon, naseryosong nakatingin sakin. Problema ng isa to?

Little White LiesWhere stories live. Discover now