"Kundisyon"

1 0 0
                                    

Pagala gala ako ngayon sa field para lang hanapin ang demon na yon. San ba kase nag pupunta yon? Lunch break na ngayon kung wala siya sa cafeteria ay baka natutulog nanaman yon sa ilalim ng puno. Antokin talaga ng demon nayon.

Nagpunta ako ng cafeteria, nakita ko ang mga kaibigan kong kumakain. Tumango lang ako sa kanila, wala din kasi akong ganang kumain. Naspot agad ng mata ko kung nasan si demon sympre madali mo namab siya makikita. Basta kung san madaming babae nandon siya.

"Can we talk?" Nagulat sila ng lumitaw ako bigla sa table nila. Matamis na ngiti ang sinalubong sakin ni xavier. At mga masasamang tingin ng mga linta ang nakita ko. Hay girls diko aagawin sa inyo yan.

"Yas? Babe later? Or now na?" Sambit ni xavier. Na tumayo pa para pantayan ako. Pero diretso ang tingin ko kay demon na nakikipaglandian sa babae niya.

"Not you" pagtatakang mukha ang nakita ko kay xavier at tumingin siya kay martin o kay matteo. Ohh! Boy, wala sa mga yan ang hanap ko "kyle can we talk?" Agad naman lumipad ang tingin sakin ni stacey. I told yah!

"Ano kailangan mo sa bf ko?" Pagmamataray niya sakin. Na agad namang hinarangan ni xavier.

"3pm sa rooftop ng building 3, bahala kana kung mag sasama ka. Pero ikaw lang ang gusto kong makausap" nakita ko ang mapangasim na reaksyon ni stacey pero wala nakong paki sa kanya. Hindi manlang nag abalang tumingin sakin si demon. Kung di siya pumunta mamaya, isusumpa ko talaga siya. Dali dali nakong umalis sa pwesto nila, binabanas nako.

Pagkalagpas ko palang ng table ng mga kaibigan ko ay agad akong hinarangan ni stev."papatayin moba sarili mo? Kumain ka naman." Inis ang nakikita ko sa kanya. Pero wala talaga akong ganang kumain.

"Hindi ako gutom" nakita ko ang bigong mukha ng mga kaibigan ko.

"Kahit ngayon lang gab, wag mo namang pabayaan sarili mo" tiningnan ko lang siya. Tsaka ko siya nilagpasan wala narin siguro siyang nagawa kaya hindi na niya ako pinigilan pa.

Lutang ako habang nasa room kanina puro pangangaral nalang naririnig ko sa mga kaibigan ko. Alam kong nagaalala lang sila pero wala talaga akong gana sa lahat ngayon.
30 mins nakong nagaantay ngayon sa rooftop na pinag usapan namin ni demon. Siguro nga di yon pupunta sino ba ako sa kanya para pagkaabalahan niya?

"Ma, pa? Miss kona po kayo. Gusto kona po kayo ulit mayakap. Makita at makasama" para akong tanga ngayon na nagsasalita mag isa. Darating pa kaya si demon?

Tatayo na sana ako para bumaba, nawawalan narin ako ng pagasang tutupad pa siya sa usapan.

"O? San ka pupunta? Kala koba mag uusap tayo?" Halos madapa ako dahil sa gulat sa kanya. Kabote ba to? Basta basta nalang nalitaw kung saan saan.

"Late kana, kala ko di ka pupunta" pagrereklamo ko. Pwede ba gab? Wag ka nalang muna magmataray ngayon. Kailangan mo siya.

"Sorry nakatulog kasi ako. Ano bang kailangan mo?" Sabi niya habang nakaupo sa isang chair dito sa taas ng rooftop. Nakatayo naman ako ngayon sa harap niya nakasandal sa bakod ng rooftop. Buti nalang nakapuyod ako, sobrang hangin pa naman dito.

"Agent papa mo diba? I mean si Sir Villaluna?" Hindi siya nag salita. Tumango lang siya at parang nagugulohan "Need ko ang help ng papa mo. I mean ni sir" kailanganin kong galangin ang papa niya dahil siya ang may ari ng school na pinapasokan ko.

"Bakit ako kinausap mo? Dapat siya. Kasi sa kanya ka may kailangan at hindi sakin" nakakainsulto talaga makipagusap dito. Kung kaya ko lang kausapin ang ama niya hindi nako nagabalang kausapin pa siya.

"Gusto ko na ikaw nalang magsabi sa kanya. Total naman ikaw yung anak niya" baka kasi pag ako kumausap sa papa niya ay itakwil lang ako. Mas mabuti na yung siya nalang HAHAHAH.

Antagal niya bago magsalita. Ewan koba kung pinag iisipan ng mokong nato o pinagtritripan lang ako "pleaseeeeeee, kailangan ko tulong niya." Lumapit nako sa kanya. Pero hindi yung sobra ha. Baka kasi masunog ako HAHAHAH. Nakita ko ng malapitan mukha niya, para siya isang imahe na sa libro molang makikita. Aaminado akong sobrang gwapo niya.

"Sa isang kundisyon" nakangisi niyang sabi. Kung sasabihin niyang tumalon ako dito ay baka siya una ko itapon. Malademonyo utak ng mokong nato.

"Ano yon?" Sana naman may natitira bang kabutihan sa kalooban ng demon nato.

"Be my slave" WHATTTT? gagawin akong katulong ng demon nato. Nababaliw naba to?

Little White LiesWhere stories live. Discover now