"Madaling Araw"

1 0 0
                                    

Nasa byahe nako kami pauwi, nagtext nadin ako sa mga kaibigan ko na uuwi nako. Napapagod nadin ako, pag pasok ko ng bahay ay ramdam ko ang lungkot nito.

"Rey? Kumain kana ba? Pinaghanda kita." Salubong sakin ni manang. Alam kong gusto na niyang magtanong pero nanatili siyang tahimik para hindi nako magisip pa.

"Busog pa po ako manang. Tataas napo ako" tumango lang siya.

Nangpupunta nako sa kwarto ko ay nadaan ko ang kwarto ng mga magulang ko. Naisipan kong pasokin, wala namang masama don. Anak naman niya ako. Pagbukas ko palang ng pinto, sobrang linis ng kapaligiran.

Pagkapasok ko palang ay bubungad agad sakin ang picture frame naming buong pamilya. Ang kama nilang kulay asul, ang dingding nilang kulay puti. Hindi mahilig si papa sa palamuti kaya simple lang ang kwarto nila. Sa paanan ng kama nila ay isang malaking tv na may cabinet sa baba don din nakalagay yung iba naming picture. Umupo ako sa dulo ng kama, pinagmasdan ko ang mga larawan naming pamilya. Ma,pa miss na miss kona po kayo. Nahiga ako sa kama niya yakap yakap ang larawan naming pamilya. Unti unti ko ng nararamdaman ang bigat ng talukap ng mga mata ko.

Nagising ako sa pagtunog ng cellphone ko. Kung sino man tong istrobo nato ay lagot to sakin. Pagbukas ko ng cellphone ko ay 3:45am na may 10 messages and 3 missed call agad ang  nakita ko. Binuksan konagad yon puro mga kaibigan ko na nagaalala. Nireplayan ko naman sila isa isa. At ang huling dalawang nag message ay si demon. Problema ng isang to.

Demon:3:00am
Still awake slave?

Demon: 3:30am
Need you.

Agad naman akong nagreply sa kanya. Grabe anong oras na? Bampira ba to?

Paglabas ko ng kwarto ng magulang ko ay agad ng beep ang cellphone ko.

Demon: 3:55am
Nasa tapat ako ng bahay mo.

Agad naman akong nagbihis. Ano bang ginagawa niya sa oras nato?
Pagbaba ko ay dumiretso ako sa may pinto. Tanaw ko ang sasakyan niya siguro ay nasa loob siya. Pag labas ko ng gate ay pumasok agad ako sa kotse niya. Kung nandon si papa ay papagalitan ako nun.

Nakita ko siyang nakasandal sa upoan ng sasakyan niya.

"Demon, ano bang klaseng kundisyon to? Anong oras na oh?" Hindi siya kumikibo. Nakapikit lang siya, abat tinulogan lang ako.

Kinalabit kona siya "demon!"

"Yah, nagising ba kita?" Tumingin siya sakin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagod.

"Hindi naman, ano bang kailangan mo? Nasabi mona ba kay papa mo?" Saad ko. Mas matutuwa ako kung may good news siya sakin.

"Hindi pa, hindi pa siya umuuwi" Nakatitig lang siya sakin. Na parang pinagaaralan niya ang mukha ko.

"Anong kailangan mo?" Pagkasabi ko nun ay agad siya bumalik sa pwesto kanina. Pag sinabi nitong trip lang ay babasagin ko talaga mukha niya.

"Bumaba kana." Nagulat ako sa biglaan niyang pagdedesisyon. Nasisira naba to ng bait? Ginising niya ako para lang patambayan sa sasakyan niya?

"Ano ba demon?! Pinagtritripan moba ako?" Tumingin siya sakin at  balik sa unahan ang tingin.

"Bumaba kana, napadaan lang ako" sira na talaga ang ulo niya. Padabog akong bumaba ng sasakyan niya. Hindi manlang siya nag paalam. Kusa na siyang umalis.

Minsan talaga hindi mo siya maintindihan. Nakakasira na ng bait ang makisama sa kanya. Bumalik nako sa loob para maipagpatuloy ang naudlot kong antok. Pero parang mahihirapan yata ako.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Kailangan ko kayo makikita? Sobrang gusto gusto kona kayo mahanap. Habanh hindi pako inaantok ng check ako sa fb ng kung ano ano.

Christopher Flores birthday!!

Oh gad! Birthday nga pala ngayon ni chris. Siguro ay nagplano na sila kanina, nawawalan nako ng oras sa mga kaibigan ko.

Happy Birthday Chris! Enjoy your day! More girls to comeeee! Lab uuuuuu :**

Pagkatapos kong batiin si chris ay nakarinig ako ng kulabog sa baba. I'll check kung anong oras pero 4:30 palang. Ang aga naman siguro magising ni manang.

Hindi kona tiningnan kong ano yon, sigurado akong si manang yon. Kinumbisi ko ang sarili kong matulog na dahil baka masira ang ulo kakaisip kung paano ko maibabalik ang mga magulang ko.

Little White LiesWhere stories live. Discover now