Hi! Thank you for choosing this story, and please bear with me.
Growing up, I almost took this story down after rereading it and noticing all the errors and unnecessary details that my 14-year-old self had written. Back then, I was new to creating a Novel and I didn't know much about writing. However, this story already holds a special place in my heart. And because it's my first ever creation, despite all its imperfections, I will cherish it forever.
In the end I finally decided to edit it, but never dare to alter the plot of my young self (≧▽≦).
Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang kanyang tunay na pagkatao.
Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang magpapatibok ng kanyang puso.
Sa isang paaralan kung saan minsa'y nagpagulo ng kanyang munting mundo.
"YOU STEPPED INTO THIS DIMENSION, ARE YOU READY FOR YOUR JOURNEY?"
"GET READY... IN 3... 2... 1.."
You have entered in the world of Utopia.
༺═─────────────────═༻
Habang dala-dala ko ang mga libro at mabigat na bag sa aking likuran, lumabas ako ng paaralan at pinagmasdan ang paaralan kong pinanggalingan.
"Paalam," Sabi ko at napabuntong hininga.
Palagi akong na ko-confuse kung bakit ba talaga ako ita transfer ni Mama Neng sa ibang paaralan? Eh, wala naman akong problema sa paaralang ito. Marami naman akong mga kaibigan, at isa pa, nasa top ako. Honor student kaya ako sa paaralang to!
Palagi ko siyang tinatanong tungkol dito pero as usual and her expected response, marami na naman siyang inaasikaso, at! Ipapaliwanag niya lang daw pagdating namin doon.
Sometimes, I feel that she's hiding something from me, gayunpaman ay hindi ko kayang magalit. Mahal na mahal ko 'yan si mama Neng eh, siya ang nag-aruga sa'kin mula pagkabata, mga 4 years old yata ako noon? Ikinuwento niya sa'kin ang nangyaring trahedya sa Mama't Papa ko. Isang malaking aksidente daw ang nangyari sa'min pero tanging ako lamang ang nabuhay. Kinupkop niya ako at tinuring bilang isang tunay na anak, minahal, at inalagaan niya ako. Kaya higit sa lahat. Mahal na mahal ko siya. Ang naging aking ina, si Mama Neng.
Ano? Parang sa mga movies lang di ba? Tss, kung pwedeng movie na lang ang buhay na'to. Para at least fictional. Tapos kunwari nasa panaginip lang pala ako. Na may mga magulang pa pala akong naghihintay sa'kin pagbukas ng mga mata ko.
Natahimik ako sa mga naisip.
Hindi... Dapat tanggap ko na ito. Get a grip Valery! Open your eyes in reality!
Bumuntong hininga muna ako at tuluyan nang umalis kaso napahinto ako sa kasalukuyan.
Bigla na namang sumakit ang ulo't pati ang katawan ko! Napagtanto ko na higit dalawang linggo't tatlong araw ko na itong paulit-ulit na nararamdaman.
Bakit ba ako nagkakaganito? Kahit Doktor ay hindi alam kung ano ang aking sakit? Ako na nga lang 'yung naghanap nang paraang makapunta sa Doktor, sinisikreto ko lang dahil hindi ako pinapayagan ni Ma Neng.
'Your situation cannot be determined by Science. You're not sick Valery, you're simply getting back something'
Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko, 'yung mga sinabi niya. I just couldn't comprehend it sometimes, her words and actions are unpredictable!
Medyong napaupo ako sa sakit at hinintay muna itong bumalik sa normal kong pakiramdam, at noong naramdaman ko nang naglaho na ang sakit, derederetso na akong umalis at umuwi na nang tuluyan sa bahay.
Sinalubong naman agad ako ng usual na matatamis na ngiti ni Mama Neng pagdating ko sa bahay, bahagyang hinalikan pa ako sa noo.
I couldn't deny that she's sweet, caring and everything! And though I trust her in everything, I legit get suspicious about the weird words she's saying.
"Hali ka muna at kumain ka na nak, nagprepare ako ng paborito mong pagkain oh, maayos na ba ang pakiramdam mo? Sumasakit pa rin ba minsan ang ulo o 'yang katawan mo?" Tanong niyang sunod-sunod.
Napalunok ako. Here she goes again... Iniisip ko ito palagi eh tss, na kung bakit ba lubos ang pag-aalala niya sa akin pero ayaw akong ipa check-up sa doktor? Naguguluhan na ako!
"Uyy, kamusta na nga ang pakiramdan mo?" Naalimpungatan ako sa tanong niya muli.
"Ahh, huwag na po kayong mag-alala ma, I'm already fine." Sagot ko lang. Geez. Because I don't get it? Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo, would she herself bring me to the doctor for check up? I don't think so...
Pumunta na ako sa mesa at nagsimula na lamang kumain. My eyes widened at the taste of my favorite snack! "Delicious!" I exclaimed and she smiled.
"Alam na alam ko naman na paborito mo ang siomai eh kaya ipinaghanda ko nang mabuti dahil feeling ko, mamimiss mo 'yan sa mahabang panahon," Pagsasalita niya na ikinatigil ko, napakurap ako.
Pardon?
Did I hear it right?
Mahabang Panahon...
Bakit naman?
Napangiwi ako.
"Ma Neng, dapat nga ipagluto niyo na ako niyan araw-araw, makapagsalita ka naman ng mahabang panahon? Tss what was that all about?" At sinubuan ko na lang siya ng siomai.
You please stop with your confusing words!
Tumawa siya kaya napatawa na rin ako. Pero gayunpaman. Gumugulo pa rin iyon sa isipan ko. Pilit ko na lamang itong binalewala.
"Nak, aalis na tayo bukas na bukas ha, niligpit ko na 'yung mga gamit mo at isa pa, maaga pa tayong aalis kaya maaga ka na ring matulog okey? May naupahan na akong sasakyan dahil malayo pa ang lalakbayin natin." Sumulpot ako bigla.
"Wait, saan po ba tayo pupunta? Sa bagong paaralan ko na bang papasukan?" Tanong ko, and the curiosity is building inside of me. Ngumiti lang siya.
"Sa lugar kung saan ka talaga nararapat," She pinched my cheeks gently bago ako lagpasan, may konting kabog agad ako sa pusong nararamdaman.
"Sige nga magtoothbrush kana at magbihis! Maaga pa tayo bukas." Dali-dali ko na lamang siya sinunod.
Napakunot ang noo ko sa kakaisip. Saan nga ba talaga kami pupunta bukas? Hayst. She could've just told me immediately! Sumasakit na talaga ang utak ko sa mga bitin na salitang binibitaw niya sa'kin.
Pagkatapos kong maghalf-bath at magsipilyo nagbihis na ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama, hindi ko na lamang muna iyon inisip. Pinatay ko na 'yung ilaw na malapit sa hinihigaan ko, at sa di namalayang unti-unti na din pala akong natutulog.
(Achieved rankings)
#1 in Action!
#1 in Academy!
#2 in Fantasy!
#2 in Mystery!
#4 in Adventure!
#10 in Romance!I can't believe it!
BINABASA MO ANG
UTOPIA: The School of Enchantment【UNDER EDITING】
Fantasy【 TAGALOG w/ ENGLISH STORY 】 Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang kanyang tunay na pagkatao. Sa isang paaralan kung saan niya makikita ang magpapatibok ng kanyang puso. Sa isang paaralan kung saan minsa'y nagpagulo ng kanyang munting mundo...