CHAPTER 3: THE MAGICAL ROOM

1.7K 253 67
                                    

"Nak, hindi ko maipaliwanag kung gaano kalalim ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari noong araw na iyon. Hindi totoong naaksidente ang mga magulang mo, dinala ka nila sa akin dahil may gustong kumuha sa'yo at tangkang patayin ka at ang mga magulang mo, I was your mom's assistant, pinagkatiwalaan nila ako sa iyo, they chose to let you go for your own saftey, sana maintindihan mo ang kanilang desisyon at mapatawad mo ako sa pagtatago ng katotohanan sa iyo. Ngayong nasa tamang edad ka na, kinakailangan ka nang ibalik dito, they told me that themselves." Pagpaliwanag ni Mama Neng.

"Ang, mga magulang ko, buhay pa?" At sa di inaasahan, may pumapatak na palang luha sa aking mga mata.

"Yes they are Val, pero hindi pa ito ang tamang oras para makita mo sila dahil kapag nakita kayong magkasama ng mga kalaban. Maaari ka namang ulit mapapahamak, so behave yourself  first Valery, don't find them yet, find them when you're stronger, you still needed to let out that magic within you. Or should I say, your spark." Madiing sabi ni Miss Grace sa'kin, at tumingin muli kay Mama Neng.

Tumango si Ma Neng at nagpaalam na sa akin, pinaalala niya sa'kin na palaging maging matatag. At kung ano man ang mangyari ay huwag na huwag daw ako susuko. Nagyakapan kami muli at sa ilang sandali'y nawala na siya sa aking mga paningin.

Di ko man nakuha ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa aking mga magulang. Ang puso ko ay walang humpay na sumisigaw sa ligaya dahil hindi ko inaasahan na darating din pala ang araw na makakasama ko na ulit ang aking mga magulang.

"Excuse me, gising na po." Isang babaeng pamilyar ang tinig ang nakapukaw sa'kin kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

"Oh hi! It's Evie Cole, you're finally awake, wow, noong nalaman kong may bago akong roommate, nagpaiwan talaga ako dito para lang makilala ka kanina, kaso wrong timing eh, si Principal Grace pala ang magdadala at mag-aassist sa'yo dito." She said embarrassed.

Ang daldal pala nito. Pero gosh, the way she talk, speaks class. And she seemed very intelligent either.

"I'm Valery Cahill nice to meet you," Ngumiti ako. "Siya nga pala, anong oras na?" Dali-dali kong tiningnan ang aking relo, and oh boy it's already 6:00 PM?! Buti na lang ginising ako nito. 4 hours na pala akong nakatulog, edi sana sa 4 hours na iyon ay nagpatuor na lang ako dito sa palibot.

"Why what's wrong?" Pagtatanong niya at tumayo muna. "Oh by the way your things are already here, ako na ang nagdala papunta dito so don't worry." She winked.

"What?" I relaxed myself from freaking out of what she just said. "S-salamat, um, nag-abala ka pa sorry." Nahihiya kong sabi pero ngumiti lang naman siya sa'kin nang biglang may napakalakas na tunog sa palibot!

UTOPIA: The School of Enchantment【UNDER EDITING】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon