CHAPTER 1: UTOPIA ACADEMY

3.1K 311 149
                                    

VALERY'S P.O.V

"Val," A slow whisper repeatedly playing over my sleep.

May tumatawag sa'kin kaya nilingon ko kung sino ito! Nagulat ako sa isang babae na nakasuot ng itim na mask at may dalawang ispada sa kanyang likuran.

Patay ang ilaw sa kwarto ko kaya di ko siya masyadong mamumukhaan, maaaninag ko lamang siya dahil sa nakabukas ang isang ilaw sa di kalayuan kung saan siya nakatayo. 'Yung isang mataas na lamp.

"Sa wakas ay natagpuan na rin kita... Bata..." Sabi niya at tumalikod sa'kin!

Parang isang kabog na naman sa damdamain ang aking nararamdaman. Puno ng kaba dahil di ko minsan naiintindihan kung ano ba ang mga nangyayari—Napabalikwas ako sa isang sigaw!

"Val! Valery! Nakung bata to? mag-aalasais na ng umaga maligo kana! Dali! Sabi ko na nga ba eh nagpuyat ka na naman siguro sa cellphone mo ano?" Pagsesermon ni mama Neng sa'kin, kaya dali-dali na lamang akong pumunta sa banyo. Psh!

Di pa rin nawawala sa'king isipan ang mga nangyari pero isang panaginip lang pala 'yun? Bruh, what a nightmare. Mabuti nga't panaginip lang yun hay nako, papatayin yata ako ng mga napapanaginipan ko eh.

P-panaginip lang nga ba iyon?

"So creepy," Saad ko habang naliligo kaya mas binilisan ko like super flash!

Pagkatapos kong iligpit ang sarili ko, dali-dali na naman akong pumunta kay Ma Neng, at nagtanong-tanong kung saan na ba ang mga gamit ko, kinuha niya naman agad ito.

"Ma, ang dami naman po yata? At ano to? Ba't may mga damit? Grabe di ko ito alam ah?" Sabi kong may pag-aalala, nakasimangot.

"Oo, doon ka habang hindi pa tapos ang pag-aaral mo, don't worry nak, all of your needs are already ready and organized. I've already asked for assistance, to ensure you that everything is prepared. At tutal nasa tama ka ng edad upang ibalik—" Napaputol siya sa kanyang pagpapaliwanag at lumapit sa akin.

"Sige na alis na tayo, huwag ka na nga munang magtanong malayo pa ang pupuntahan natin oh, let's go." Lubos na naman ang aking pagtataka pero pinili kong huwag na nga lamang magtanong. And as always I'm getting really curious about finding some answers for my own questions. I sighed, what is it really?

And geez I was right! Sa bagong paaralan nga kami pupunta! Dami pang sinasabi si Ma Neng na hindi ko naiintindihan.

Sumakay na kami sa sasakyan at tuluyan nang lumakbay. Mga higit apat na oras na siguro ang nakalipas at naiinip na ako sa sobrang tagal. Tama nga si Ma Neng ang layo!

Nararamdaman kong nagugutom na ako kaya kumuha muna ako sa isa pang malaking bag na puno ng mga pagkain na dinala niya. Di pa naman kami kanina nakapag breakfast kaya tanging burger and juice na lang muna ang kakainin ko, at least mabubusog naman ako di ba?

Kinunan ko rin si Mama Neng ng burger't juice dahil mukhang pagod na rin siya sa pagmamaneho.

"Oh ma, kumain ka muna mag-stop na lang muna tayo doon, mukhang pagod kana ma eh." Tinuro ko ang malawak na parkingan sa di kalayuan.

Nagtataka lang ako dahil walang katao-tao, wala rin namang mga sasakyan na naka park? Nakita ko lang naman ang sign na pwede kang magpark kaya nagpark muna kami doon. Sige puro park na lang sa utak ko.

"Ma Neng bakit walang katao-tao dito?" Habang sa aking pagtatanong sumilip ako muli sa bintana ng sasakyan at nakitang puno ng malalaking puno't kakahuyan ang dinadaanan pala namin!

Teka... Kakaiba 'yung mga puno! Parang may mga disenyo sila at may mga nakaukit. Nakakamangha. 'Yung iba naman ay may pa spiral pa na pwede kang umakyat doon hanggang sa dulo, what?! Ang ganda.

UTOPIA: The School of Enchantment【UNDER EDITING】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon