Chapter 27: =still=

282 14 0
                                    

Chapter 27:

=still=

"oh? Tulala ka na naman? Iniisip mo ba yung kanina?"

tanong sa akin ni Sarah habang naglalakad kami sa park..

"ok lang yan, I'm sure walang ginawang masama si Kevin sa kanya"

"ah..hindi ko siya iniisip, don't worry"

"sus! Kilala kita Third...tell me.."

Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ako sa kamay

"are you still inlove with her?"

She looked directly into my eyes.. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya at tinanong niya ako but when I looked into her eyes, alam ko ang gusto niyang sagot..

"hindi na.."

Natigilan siya sa sinabi ko at bigla siyang ngumiti..

"of course that's the truth!(^^.)

Halika na!"

hinila niya ako at naglakad kami papuntang bench..

"upo muna tayo, nakakapagod!"

"tara.."

Umupo kami at tahimik lang siyang nakatingin sa malayo, tiningnan ko yung tiningnan niya...at bigla siyang nagsalita,

"alam mo ba? masaya ako.."

I looked at her but tears falling down to her cheeks,

"I'm so glad na sa tinagal ng pag iintay ko na maalala mo ako, natupad din..

Masaya ako na nakikitang masaya kang kasama ako..

Masaya akong malaman na naalala na ako ng puso mo"

Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa..

Hindi ko alam ang sasabihin ko SHETE!

Umiiyak siya pero sinasabi niyang masaya siya!?

"masaya ako kasi nandiyan ka sa tabi ko.."

Tumingin siya sa akin at ngumiti..

"pero kung ako lang ang masaya..at kung mahal mo talaga siya..

Pwede kong isantabi yung nararamdaman ko"

Hinawakan ko ang buhok niya at unti unti kong isinandal ang ulo niya sa balikat ko..

I held her hands at hindi ko alam kung bakit ito lang ang mga salitang nasabi ko..

"aalagaan kita."

..

..

*****-*****-*****

>>>RESTHOUSE<<<

"sure ka ba? Iiwan mo ko dito bff(T.T.)"

I saw Zeika na malungkot pag pasok namin ng RH, nakita ko naman ang mga nakaimpakeng gamit ni Lina.

"I'm sorry Zeika, dumating kasi ng biglaan ang parents ko eh"

"waaah! Ayaw! Ayaw!"

Parang bata talaga tong si Zeika..

"aalis ka Lina?"

Nagulat naman ako at nagtanong si Sarah ng biglaan..

"obvious ba?"

Pero mas nakakagulat ang sagot ni Lina,

Pakshet! Ayoko ng gulo dito ha!

"hey love, tara na!"

"teka! Sasama ka din kapatid? Paano ako?(T.T)"

"don't worry Zeika, andito naman ako eh, babantayan kita kahit umalis na si Lina at Zero"

"tama tama! Pare kaw muna ang bahala kay Ate! Di ko kasi pwedeng hayaan ang love ko na umuwing mag isa eh!"

"geh pare! Ako na bahala sa kanya"

Di ko alam pero parang nakaramdaman ako ng inis sa narinig ko..

Palagay na ang loob ni Zero kay Kevin!

Sh*t lang!

bakit ba biglang nagbabago ang mood ko at naiinis ako!

"halika na Third, akyat na tayo sa kwarto"

Mahinang sabi ni Sarah at ako naman eh sumunod sa paglalakad paakyat ng kwarto..

ZEIKA'S POV:

I saw Third and Sarah na umakyat ng kwarto..

"oh pano bff, alis na kami! oi Kevin,ingatan mo to ha?"

"oh sure!"

"ingat ka bff.."

Lumabas sila ng RH at sumakay ng kotse,

Umandar na ang kotse and I just waved my hands to them..

Ano ba namang klaseng buhay to:(

Ako, si Sarah, Kevin at Third na lang..

Talking bout the word AWKWARD!

kung nagtataka kayo kung asan yung iba naming kasama, oh well, nasa ibang RH sila..

"pasok muna ako Zeika.."

"sige.."

Pumasok na si Kevin at ako naman eh pumasok na sa loob..

..

..

*****-*****-*****

*togz!*

WAAAH!

Ang lakas ng kulog at kidlat!

naman!

Lina bakit ka ba umalis??

huhu, sabi ko naman kasi ayoko ng mag isa sa kwarto unless kwarto ko ito eh!

huhu lang!

(>o<)

*door opening*

Nagulat ako ng may nagbubukas ng pinto,

Dis oras ng ng hatinggabi ah?

Waaah!

I'm sure wala ng gising ngayong oras na to!

Oh! Mumu!

Isa siyang mumu!

nagtalukbong ako ng kumot at nakiramdam lang sa pumapasok sa loob!

Naririnig ko ang yabag ng kung anuman at parang papalapit ito sa akin.

Naku po!

Lord I still wanna stay alive!

Please!(>.<)

Tumigil ang tunog at naramdaman kong may umupo sa kama..

WAAAH!

Tatabihan ako ng mumu! Naku po!

"kaya mo bang mag isa?"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko..

Nagsalita ang mumu??

Tinanggal ko ang kumot at nakakagulat kung sino ang nakita ko sa tabi ko..

..

.

"Third?"

THE LAST SNOW OF WINTER (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon